Napabalikwas ako ng bangon at inilibot ang tingin. Putrages! Nasa kwarto parin pala ako. Susme. Panaginip lang pala. Akala ko totoo. Myged! Ibang klase pa naman ang panaginip ko. Grabe parang totoo talaga susme. Sa lahat ng panaginipan ko yung masungit na poging lalaki pa. It's my first time dreaming another man than Cha Eun Woo. Muli akong humiga at tinakpan ang mukha gamit ang unan. Inaantok pa ang dyosa niyo. Huhuhuhu. Ang hapdi ng mata ko. Ano bang ginawa ko kagabi? Tumagilid ako at tinanggal ang unan nasa mukha. Niyakap ko ito at papikit-pikit akong tumingin sa orasan. Nanlaki naman ang mga mata ko at mabilis napaupo sa kama. "Langya! Tanghali na?!!" di makapaniwalang bulalas ko at napatulala. Oh my god! Oh my god! Paktay ako sa aking pinakamamahal na ina. Bakit ang tagal kong nagi

