"Ano, Selene? May napili ka na ba echange profile mo?"tanong ni Azura. "Wala pa." sagot ko habang nakatuon parin sa screen na phone ko. Nagtaas-baba ang kilay ko habang pumipili ng picture namin. Wala talaga akong mapili eh. Ano ba? Saan ba rito? "Ano?! Kanina ka pa naghahanap dyan tapos hanggang ngayon wala ka paring mapili? My God!"di makapaniwalang bulalas ni Athena. Napanguso naman ako at umirap. Paki niya. Siya ba ang magchange profile? Hhmmpp. Ang pogi naman kasi ni irog sa picture. Nagdadalawang isip akong ipost to'. Hhhmmpp. "Ahah! Ito, Selene. Maganda."Biglang sigaw ni Azura. Napaangat naman ang tingin ko sa kanya. Nakatayo pa ito at ang lawak ng ngiti sakin. Tinukod naman niya ang kamay sa mini table at nilapit sa mukha ko ang phone niya. Napairap naman akong makita ang pic.

