Prologue
WARNING!
Read at your own risk. This story is for people purposes that was like to read a novel only. Not prohibited, not plagiarized, not llegal. But this is a mere of fictional. Don't be toxic! Okay!
DISCLAIMER!
This is a work of fiction. Unless
otherwise indicated, all the names,
characters, businesses, places, events
and incidents in this book are either
the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
DrMmWriter
Date Started: 07/26/25/Saturday/8:49 AM
Date Ended: 08/29/25/Friday/4:25 PM
_______________________________________
Prologo
Sa bawat sulok ng lungsod ay may mga taong pinipiling lumaban sa gitna ng dilim. Isa na roon si Darana. Isang simpleng babae na may simpleng pangarap. Ang makatapos ng pagaaral at makapagsimula ng bagong buhay.
Pero hindi simpleng daan ang tinatahak niya.
Araw-araw siyang bumabangon ng maaga. Sa umaga ay crew siya sa isang maliit na cafe. Sa tanghali ay nagde-deliver siya ng food sa mga opisina. Sa gabi naman ay nagtatrabaho siya bilang cashier sa isang 24/7 convenience store. Tatlong trabaho. Pitong araw sa isang linggo. Paulit-ulit. Pagod na katawan pero pusong hindi sumusuko.
Hindi lahat alam ang kwento niya. Akala ng iba pabibo lang. Pero ang totoo ay ginagawa niya ang lahat para mabuhay. Para may pambayad sa tuition, para may makain, para matupad ang mga pangarap na minsang pinagtawanan lang ng mundo.
At sa kabilang dulo ng ilaw. Naroon si Caleum. Isang lalaking tila kabaligtaran ng lahat ng pinagdadaanan ni Darana.
Galing siya sa pamilyang sobra-sobra ang yaman. Isang iglap lang nasa harapan na niya ang kahit anong gusto niya. Kotse. Luho. Gamit. Bahay. Bakasyon. Walang kulang at walang kapos. Lahat ng bagay na pinapangarap ng karamihan ay tinatanggap lang niya na parang ordinaryong regalo.
Si Caleum ay sanay sa liwanag. Si Darana naman ay sanay na sa dilim.
Pero paano kung ang dalawang mundo nila ay magsalpukan?
Paano kung sa gitna ng lahat ng pinagkaiba nila ay ipinagtagpo pala sila ng tadhana?
At paano kung ang liwanag na meron si Caleum ay siya palang unti-unting wawasak sa mundong kay tagal nang binuo ni Darana?
O baka naman ang dilim na kinatatakutan ni Caleum ay siya palang liwanag na kailangan niya.