Prologue
"sorry jaze i can't love you anymore almost 2yrs kong hinahanap yung dahilan para mahalin ka, pero hindi ko magawa. mahal ko si Rico, bukas na pala ang alis ko papuntang states wag muna ako habulin at pilitin na mahalin ka. hindi ko kayang makita kang nasasaktan dahil saken marami pang-babae diyan jaze na kaya kang mahalin, yung totoong pagmamahal. Sinubukan ko talagang mahalin ka pero di ko na kayang tiisin pa na habang minamahal moko ay di ko kayang ibalik yung ng totoo sayo. Goodbye jaze, magiging okay din ang lahat."
seen 9:45 PM
"Claire, baket?...Baket mo pa pinatagal ng 2yrs, bat noong umpisa hindi mo sinabing hindi talaga ako, baket?"
"Sorry, Im so sorry"
Claire Blocked you in messenger.
Hindi ko alam kung anong klaseng pakiramdam ang nararamdaman ko ngayon para akong sumisigaw ng walang boses na lumalabas sa bibig ko.tanging luha lang ang nagbibigay hiwatig na sobra akong nasasaktan.
I love claire so much, halos wala ako itinira sa sarili ko.
wala akong magawa dahil siya na mismo mo ang nagbigay tuldok sa dalawang taong isang malaking kalokohan lang para sa kanya. Halos patayin ako ng sarili kong emosyon ngayon.
Paulit-ulit ko siyang tinawagan sa number niya pero binlock niya na rin pati number ko, sinubukan ko siyang puntahan sa kanila pero ayaw niya akong labasin. halos mabasa na ako ng ulan sa tapat ng bahay nila sa pagbabaka-sakaling mahal niya pa ako, Na— baka pagod lang siya o malungkot kaya nasabi niya yun saken.
Halos mapaos ako kakasigaw sa pangalan niya sumasabay ako sa lakas ng kulog at kahit sariling boses ko ay di kona marinig.
hanggang sa......