Chapter 3

1624 Words
"Hindi na kita maihahatid palabas, may mahalaga lang akong tinatapos. You can bring the umbrella if you want para hindi mo na kailangang makisilong sa bahay ko sa susunod." "Hindi na, Sir. Tila na din naman ang ulan," sagot ni Nalah habang nag-aayos ng gamit para umalis. Tumila na rin kasi ang ulan kaya pwede na siyang umalis at magpaalam. Tunog pa lang kasi ng sinabi ni Hakeem ay parang sinasabi na nitong ayaw na siya nitong makita kahit kailan. "Salamat, Sir. Aalis na po ako. Pasensya na sa abala. Iyong damit nyo po ay nasa cr nyo, naka-hanger." Hindi sumagot ang lalaki. Umalis si Nalah ng mansyon nang hindi nililingon ni Hakeem. "Saksakan talaga ng sungit," bulong niya sa sarili bago tuluyang naglakad palayo sa bahay ng binata. Ang sumunod na Lunes pagkatapos ng insidente ng ulan at ng nakakahiyang "no-bra" moment ay nagsimula para kay Nalah na may kasamang matinding kaba sa dibdib. Habang naglalakad siya paakyat sa sementadong daan ng barangay 4, bitbit ang kanyang clipboard at tablet, pilit niyang pinapakalma ang sarili. Suot na niya ang kanyang asul na vest at sinigurado niyang doble ang selyo ng kanyang panloob ngayon para walang anumang babakat. Isang linggo na ang nakalipas pero tuwing naaalala niya ang paglunok ni Hakeem at ang patay-malisya nitong paalala sa sala nito, parang gusto pa rin niyang magpalamon sa lupa. "Huwag kang titingin sa gate, Nalah. Dire-diretso lang. Isipin mo ang quota mo. Isipin mo ang pangarap mong maging psychologist," bulong niya sa sarili habang pinapahid ang kaunting pawis sa kanyang gilid ng mukha. Ngunit ang mundo ay parang may sariling script para sa rom-com ng buhay niya. Habang papalapit siya sa dambuhalang mansyon, nakita niyang nakabukas ang maliit na pinto ng gate. Doon ay nakatayo si Aling Maria, nagwawalis ng mga tuyong dahon, pero may kung anong hawak itong paper bag mula sa isang sikat na coffee shop sa labas ng subdivision. "Ma'am Nalah! Sandali lang, neng!" tawag sa kaniya ng matanda nang makita siyang mabilis ang mga hakbang na tila umiiwas. Napatigil si Nalah, pilit na ngumiti at lumapit. "Magandang umaga po, Aling Cora—ay, Aling Maria pala. Pasensya na po, medyo marami lang po akong hahabuling kabahayan sa itaas ngayon bago ang klase ko mamaya." "Naku, saglit lang talaga 'to. Ipinapaabot nung bata sa loob," sabi ni Aling Maria sabay abot ng paper bag. "Sabi niya, ibigay ko raw sa'yo kapag dumaan ka. Huwag mo raw papatayin ang sarili mo sa paglalakad sa initan dahil baka multuhin mo ang gate namin." Napaanga si Nalah. Kinuha niya ang paper bag at tiningnan ang laman. Isang malaking iced caramel macchiato at isang piraso ng baked pastry ang nasa loob. May nakadikit pang maliit na sticky note sa cup. Ang sulat ay madiin, panlalaki, at maikli. [Drink this. You look like a walking zombie in that oversized vest. Don't collapse on my street.] Naramdaman ni Nalah ang biglang pag-init ng kanyang mga pisngi. Lumingon siya sa itaas ng mansyon, partikular sa malawak na terrace sa ikalawang palapag kung saan madalas niyang makita ang lalaki. Walang tao roon ngayon, pero ang kurtina ng kwarto nito ay bahagyang gumalaw na tila may sumisilip mula sa loob. "Parang kailan lang parang ayaw na ayaw na niya akong makita tapos may paganito?" bulong niya sa kaniyang sarili. "Ha?" tanging nasabi ni Aling Maria. "Ay, wala po. Salamat po, Aling Maria. Pakisabi na lang po sa kaniya... salamat," nauutal niyang sabi bago mabilis na nagpatuloy sa paglalakad, halos tumatakbo na sa hiya at kilig na hindi niya maipaliwanag. Habang naglalakad sa ilalim ng sikat ng araw, dahan-dahan niyang ininom ang kape. Masarap ito, malamig, at tamang-tama para sa mainit na panahon. Subalit ang isip niya ay hindi nakatutok sa lasa ng kape kundi sa lalaking nagbigay nito. Isang digital artist, cold, masungit, pero nag-abala pang magpa-deliver ng kape para lang sa kaniya. "Pinaglihi nga siguro sa galit na toro, pero mukhang may kaunti namang puso," bulong niya, habang hinahaplos ang malamig na cup. Kinahapunan, bandang alas-kwatro, pababa na si Nalah mula sa kanyang huling interview para sa araw na iyon. Ang kanyang likod ay sumasakit na dahil sa bigat ng mga papel at tablet sa kaniyang bag, at ang kaniyang mga binti ay halos magmakaawa na ng pahinga. Nang muli siyang dumaan sa tapat ng mansyon, nakita niya ang itim na pick-up truck, na sa tingin niya ay pagmamay-ari ni Hakeem na dahan-dahang lumalabas sa malaking gate. Huminto ang sasakyan sa tabi niya at hindi nga siya nagkamali. Ibinaba ni Hakeem ang salamin ng bintana, at tumambad ang kaniyang mukha na may suot na itim na shades, naka-t-shirt na puti, at nakahawak sa manibela. "Get in," malamig nitong bungad, hindi man lang siya tininingnan nang diretso. Napatigil si Nalah sa gilid ng kalsada, hawak ang strap ng kaniyang bag. "Po? Eh, papunta na po ako sa terminal ng jeep para pumasok sa school. Kaya ko naman pong maglakad pababa." "I didn't ask if you could walk, Nalah. I said, get in," ulit nito, sa mas mababang tono na may kasamang awtoridad. "I'm going to the mall near your university anyway to buy some art supplies. Unless you want to continue baking your brain under this heat, get inside the car." Napalunok si Nalah. Sa pagod ng kaniyang mga paa, wala na siyang lakas na makipag-talo sa isang matigas na ulong lalaki. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat at sumakay. Ang lamig ng aircon ng sasakyan ay agad na gumapang sa kaniyang balat. Isa iyong malaking ginhawa mula sa impyernong init sa labas. "Salamat po sa kape kaninang umaga," panimula ni Nalah habang inaayos ang kaniyang vest at bag sa kaniyang kandungan. "At salamat din po rito sa libreng sakay." Tumikhim si Hakeem. Pinaandar niya ang sasakyan nang banayad pababa ng matarik na kalsada. "Don't mention it. The coffee was just an extra from my breakfast order. I hated seeing someone looking so pathetic right in front of my property. It ruins the aesthetic of the neighborhood." Napasimangot si Nalah, ang kaniyang pagiging defensive bilang psychology student ay biglang gumising. "Pathetic talaga, Sir? Grabe naman kayo magsalita. Trabaho po ito. Naglilingkod lang po ako para sa census ng bayan natin. At tsaka, hindi naman ako pathetic, sadyang mainit lang talaga ang panahon ngayon." "Whatever you call it," sagot ni Hakeem, bahagyang ibinaba ang kaniyang shades para tingnan siya ng isang mabilis na segundo bago muling ibinalik ang tingin sa daan. "You're a psychology student, right? Third year. Bakit ka nagtitiyaga sa trabahong ganito kung pwede ka namang mag-clinic assistant o maghanap ng mas madaling part-time?" "Kasi po, ito ang unang tumanggap sa akin na flexible ang oras para sa gabi na klase ko," paliwanag ni Nalah, ang kaniyang tono ay naging mas casual habang isinasandal ang kaniyang likod sa mamahaling leather seat. "At tsaka, maganda rin po itong karanasan para sa akin. Bilang future psychologist, kailangan kong matutong makipag-usap sa iba't ibang uri ng tao. Mula sa mga pinakamahihirap na pamilya sa itaas ng sitio hanggang sa mga... alam mo na, mga mayayaman ngunit masusungit na digital artist na nagtatago sa malalaking mansyon." Narinig ni Nalah ang isang mahinang singhal mula sa lalaki, isang tunog na malapit nang maging tawa pero mabilis nitong pinigilan. "Are you analyzing me now, miss?" "Hindi naman po, Sir Hakeem. Observational analysis lang," biro ni Nalah, sabay sulyap sa magandang profile ng mukha ng lalaki. Ang kaniyang panga ay matalas, ang kaniyang mga labi ay manipis at natural na medyo mapula, at ang paraan ng paghawak niya sa manibela ay may kasamang kakaibang karisma. "Kayo po, bakit digital artist ang pinili ninyong trabaho? Sabi ni Aling Maria, bihira kayong lumabas at laging puyat." Ilang segundo ang lumipas bago sinagot ng binata ang tanong. "Because computers don't talk back, and digital canvases don't disappoint you," maikli at makahulugan nitong sagot habang binabaybay nila ang highway patungo sa lungsod. "I work with tools that follow my exact commands. If I make a mistake, I can just press Ctrl+Z. In real life, with real people, you don't get an undo button." Napatitig si Nalah sa kaniya. Bilang isang nag-aaral ng pag-uugali ng tao, ramdam niya ang bigat sa likod ng mga salitang iyon. May malalim na pilat sa pananaw ng lalaking ito sa buhay at relasyon kahit na basic information pa lang ang pinag-uusapan nila. Ngunit bago pa man niya mapalalim ang diskusyon, naramdaman niyang huminto ang sasakyan sa tapat mismo ng malaking gate ng kaniyang university na pinapasukan. "We're here," ani Hakeem, sabay patay ng signal light. Tumingin si Nalah sa labas, pagkatapos ay muling humarap sa lalaki. Isang malaking ngiti ang ibinigay niya rito. "Salamat po talaga, Mr. Takahashi. Malaking tulong po ito para hindi ako ma-late sa first subject ko." “Please drop the honorifics. I'm not that old. Just Hakeem." Makailang beses napakurap si Nalah sa kaniyang narinig at kalaunan ay napangiti. "And, just make sure you double-check your clothes next time before you walk into someone's house, Nalah," bulong ni Hakeem. Ang kaniyang boses ay biglang naging mababa at may kasamang panunukso habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Agad na namula ang buong mukha ni Nalah nang maalala ang insidente noong nakaraang linggo. Mabilis niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at bumaba. "Oo na! Sige na, salamat ulit!" Habang pinapanood niyang dahan-dahang umaalis ang itim na pick-up truck sa trapiko, naramdaman ni Nalah ang mabilis na t***k ng kaniyang puso. Ang kalsadang dati niyang kinatatakutan dahil sa matatarik na akyatin ay tila unti-unti nang nagiging paborito niyang daan araw-araw. “Bago mong boyfriend?” Napatigil si Nalah nang marinig ang boses na iyon nang pumihit siya sa daan papunta sa school gate. Biglang kumabog ang dibdib niya. “Mark...” tanging nasabi ni Nalah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD