ALONE

1643 Words
“Sandy? Ano ka ba naman? Bakit ngayon mo lang ako tinawagan? Nag-aalala na ako sa iyo, bwisit kang babae ka!”         Itinigil ko muna ang ginagawa kong pagtatakal ng asukal at saka nagpunas ng kamay sa malinis na basahan na nasa tabi ko. Kapag tapos na kasi ako sa gawaing bahay sa bahay nila Tita Lorena, ay tumutulong ako dito sa tindahan nila. Ito man lang ang maitulong ko kapalit ng pagtira ko sa kanila. Gusto ko sanang ipagpatuloy ang pag-aaral ko, pero wala naman akong perang ipangtutustos.         "Kelsey, sandali lang. Babalik ako. Kakausapin ko lang itong si Sandy.” Tumango lang ang pinsan kong si Kelsey, ang panganay na anak nila Tita Lorena at Tito Arman.         Lumabas ako sa tindahan nila Tita Lorena, medyo mahina kasi ang signal sa loob, at saka doon sa labas ipinagpatuloy ang pagka-usap kay Sandy.   “Sandy. Hello?” [“Ate. Sorry na. Isinama kasi ako nung isang customer ko sa Osaka. Maganda daw kasi doon sabi ng mga kasamahan ko dito sa club. Kaya, hindi na ako nagdalawang-isip, nag-go kaagad ako!”] “Ano? Sumama ka sa customer mo? Teka, Pinoy ba yan o Hapon?”             [“Ate naman. Siyempre, Hapon. Walang Pinoy dito na mag-aaya sa iyo na mamasyal sa Osaka.”] “Ikaw talaga, sobrang lakas ng loob mong sumama! Kilala mo ba ‘yan?” [“Oo naman, Ate. Tatlong gabi ko na siyang nakikita dito sa club.”] “Tatlong gabi? Kilala na ‘yun sa lagay na ‘yon?” [“Oo naman, Ate. Sa tatlong gabi na ‘yun, marami na silang naikuwento sa buhay nila nun!”] “Hay naku, Sandy… Alalahanin mo. Ang dala-dala mo diyan, pekeng identity. Pinalabas mong legal age ka na kahit pa minor de edad ka pa lang. Kaya huwag kung saan-saan ka nagpupunta. Manahimik ka na lang diyan sa tirahan n’yo.” [“Ay naku, Ate. Hanggang wala naman akong ginagawang masama at labag sa batas, hindi naman ako masisita.”] “Iyan. Iyung ginawa mong pandaraya sa edad mo, masama yan. At saka, di ba usapan natin hindi ka sa club magta-trabaho? Kahit anong trabaho, basta huwag lang entertainer.” [“Ate, ilang beses ko bang uulitin sa iyo… andito ang malaking kita. Sa club…”] “Anong klaseng katwiran ‘yan, Sandy? Aanhin mo ang malaking kita kung mapapahamak ka naman?” [“Ate, napaka-advance mo mag-isip. Sige na. Kakain na muna ako. Mamaya lang ng konti, magre-ready na ako para sa trabaho ko.”]  “Ano ba ‘yan, Sandy? Isang linggo mo akong pinag-alala dahil isang linggo kitang hindi matawagan, tapos ngayon, lalayasan mo na agada ko? Iilang miuto pa lang tayong magka-usao?” inis na sabi ko. [“Sorry na. Huwag ka nang magalit. Sige ka, tatanda ka lalo niyan.’]           Narinig ko pa ang pagtawa nito sa kabilang linya. At nagawa pa talaga niya akong pagtawanan?   [“Papadalhan na lang kita ng maraming tsokolate saka iyung cup noodles. Huwag ka nang magalit.”] “Sandy, hindi iyan ang kailangan ko. Ang gusto ko lang mag-ingat ka diyan. Wala ako diyan para maalalayan kita.” [“Sus, Ate! Kayang-kaya ko ang sarili ko dito. Huwag ka nang mag-alala diyan. Alam mo, pakiramdam ko nga, isa talaga akong pure blood na Haponesa. Siguro, dati, sa past life ko, Haponesa talaga ako. Kasi talagang ang feeling ko dito sa bansang ito? This is where I belong,”] maarteng pagkakasabi nito. “Hay naku, basta! Mag-iingat ka diyan. Kapag nalaman ni Mama na pinayagan kitang pumunta diyan, paniguradong lagot ako dun.” [“Don’t worry, Ate… hindi ka malalagot dun. Hindi na nga ‘yun uuwi diyan sa atin. Maniwala ka. Kaya, hindi niya malalaman na wala na ako diyan sa San Andres. Kita mo nga, ni mangumusta hindi niya magawa. Ni hindi man lang nagtatanong kung buhay pa ba iyong mga iniwan niyang anak diyan sa San Andres.”] “Sa ngayon, oo. Hindi pa niya alam. Pero malalaman at malalaman pa rin niya iyang pag-alis mo. Maniwala ka rin sa akin.” [“Ay naku, Ate! Saka mo na ‘yan problemahin. Hindi ko nga maramdaman na nagpaka-Nanay siya sa atin. Buti pa, Ate, ang gawin mo diyan, maghanap ka na ng lovelife mo. Para naman hindi ka maagang malosyang.”] “Ay naku, Sandy! Wala sa isip ko ‘yang mga ganyan! Tutulong na lang ako dito kina Tito. Maraming gawain dito sa tindahan.” [“Try mo lang, Ate. Sige na. Babay na! Baka mapagalitan ako dito. Padalhan kita pera sa Linggo. Bye!”]           Napahugot na lang ako ng malalim na hininga nang marinig ko na ang dialtone sa kabilang linya. Mabuti pa si Sandy, mukhang natagpuan na niya iyung tamang lugar niya. Samantalang ako, mukhang tatanda na lang ako sa bayang ito.         Mabuti naman ang trato sa akin ng pamilya ni Tito Arman, pero habang buhay na lang ba akong pipisan sa kanila? Gusto ko rin namang magkaroon ng sariling pamilya na matatawag kong sa akin. Iyung buo at kumpletong pamilya na hindi naibigay ng magulang namin ni Sandy ay gusto kong buuin.         Pero sino nga ba ang magkakamali sa isang tulad ko na nakakulong lang kung hindi dito sa tindahan nila Tito Arman, ay sa bahay naman nila? Wala naman kasi akong matatawag na mga malapit na kaibigan dito sa Andres. Si Sandy at ako lang ang laging magkasama. Sa aming dalawa ni Sandy, si Sandy ang mas maraming kakilala at kaibigan.         Palabati kasi si Sandy. Madaldal. Matanong. Kaya nga siguro nalaman niya iyung agency na iyon na nagpapadala ng mga tao sa Japan. Bukod doon, madiskarte pa ito. Kung sino ang masasabing advance mag-isip sa aming dalawa? Mukhang siya iyon, at hindi ako.         “Lukchie!”         “Bakit po, Tita?” Sinalubong ko ang papalapit na si Tita Lorena.         “Tara. Sumama ka sa akin sa bayan. Isasama kita doon sa mga suki ko doon. Para kapag may kailangang bilhin para sa tindahan, ikaw na lang ang pupunta. Marami kasing trabaho ngayon sa Barangay, baka hindi ko na maisingit na mamili. Para tuloy, makapamasyal ka na rin.”         Bahagya akong natuwa. Kahit papaano ay maiiba ang paligid ko. May maiiba sa araw-araw na routine ko.         “Magpapalit lang po ako ng damit, Tita.”             HINDI ko maiwasang hindi mamangha. Ang dami nang nabago dito sa bayan. Iyung mga dating establisimyentong alam ko ay wala na ngayon, at iba na ang mga nakatayo roon.         Kailan nga ba ang huling punta ko dito? High School pa yata ako nun!         Iyung dating lugawan na tambayan namin, ngayon ay isang sikat na fastfood chain na ang naroroon. Iyung sikat na tindahan ng mga rubber shoes dati, ay isa nang milk tea house. Iyung pinakamalaking supermarket dati, isa nang maliit na mall. Nakakapanibago tuloy…            “Lukchie, bilisan mo na, at mukhang uulan na.”         Napalingon ako kay Tita Lorena. Ngayon ko lang napansin na papadilim na nga ang kalangitan. Nagmamadali na akong sumunod sa kanya papasok sa isang tindahan ng mga bigas. Hindi nagtagal ay papalabas na kami doon sa tindahan. Pero sakto namang bumuhos ang malakas na ulan nang palabas na kami.         “Naku, sa tipo ng ulan na ‘yan, mukhang super lakas at hindi agad titila iyan,” obserba ni Tita Lorena sa kalangitan.         Tumingala ako, at saka pinagmasdan ang langit. Totoo nga. Napakadilim ng langit, at halata mo ang makapal na maiitim na mga ulap.         “Mabuti pa, kumuha muna tayo ng kuwarto diyan sa apartelle ni Elmer.” Nagbukas ng paying si Tita Lorena, at saka binaybay ang gilid ng daan. Tahimik lang akong sumunod habang hawak sa isang kamay ang payong, at bitbit ang ilang pinamili namin sa kabilang kamay.         Kalahati na ng pantalon ko ang basa sa ulan nang lumiko si Tita Lorena sa isang pasukan. Ito na siguro iyung apartelle na sinasabi niya. Malinis ang loob nito at nagustuhan ko ang tema ng dekorasyon nito, na vintage style.         Ang makikita mo sa loob ay mga gamit noong mga taong 60s hanggang 70s. Nalibang ako sa pagmamasid habang nakikipag-usap si Tita sa babaeng naroroon sa booth.         “Oh, Lorena! Inabutan ka ng ulan?” narinig kong may kumausap na boses lalaki kay Tita Lorena.         “Oo, eh. Eh, mabuti nang makakuha ng kuwarto. Mukhang hindi agad titila iyan. Panigurado, mayamaya lang, magpupuntahan na dito iyung mga bumaba sa bayan. Aba, eh mahirap nang maubusan ng kuwarto,” narinig kong sagot ni Tita.         Nakatalikod ako sa gawi nila habang tinitingnan ko isa-isa iyong iba’t ibang disenyo ng mga lumang bote ng sikat na softdrinks.             “Ikaw lang ba mag-isa? O kasama mo si Arman?”         “Ah, kasama ko iyung pamangkin ko. Lukchie!”         Agad akong lumingon sa gawi ni Tita Lorena nang marinig kong tinawag nito ang pangalan ko. Naglakad ako palapit sa kaniya. Habang naglalakad, napansin ko ang isang may edad nang lalaki sa tabi ni Tita. Mataman itong nakatingin sa akin. Bahagya pang nakaawang ang mga labi nito na para bang may kung anong meron sa mukha ko.         “Eto si Lukchie, Elmer. Pamangkin ni Arman,” pakilala sa akin ni Tita Lorena sa tinawag niyang Elmer.         Iniumang naman ng lalaki ang kamay niya sa akin. “Elmer,” ulit nito sa pangalan niya.         Napatingin ako sa nakaumang niyang kamay. Sa totoo lang, naaalangan akong makipag-kamay sa kanya. Unang-una, may edad na siya, at halos parang Tatay ko na siya. Halata ko ang kakaiba nitong ngiti at tingin sa akin. May halong malisya…         Pero nakakahiya naman kung hindi ako makikipag-kamay. Inabot ko ang kamay niya, at saka nakipag-kamay dito.         “Lukchie po…”         Nakangiti itong nakipagkamay sa akin, pero ramdam ko ang mahinang pagpisil nito sa kamay ko na para bang may gustong ipahiwatig.     ~CJ1016         

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD