bc

'TILL OUR LAST BREATH (COUGAR SERIES #58)

book_age18+
1.2K
FOLLOW
3.6K
READ
sex
age gap
pregnant
stepbrother
single mother
like
intro-logo
Blurb

Isang 35-years old na dalagang ina ang nagkagusto sa stepbrother niyang 10 taon ang tanda niya. Pero alam naman niyang malabo siyang mapansin ni Toffee. Bukod sa parang Ate lang ang tingin sa kaniya nito, marami pang kadalagahan ang nagkakandarapa dito. Pero paano kung malaman niya na may gusto rin pala si Toffee sa kanya? Sasabihin din ba ni Lukchie ang nararamdaman niya sa batang stepbrother niya? Paano naman ang sasabihin ng pamilya nila at ng mga tao sa paligid nila?

WARNING!!!

THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT AND EXPLICIT S*X SCENES. NOT SUITABLE FOR MINORS AND YOUNG READERS.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
        “Sandy, sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo?”         “Oo, Ate Lukchie. Ayoko na ng buhay natin dito sa probinsiya. Pakiramdam ko, hindi ako nababagay sa mahirap na lugar na ‘to.”         "Pero, Sandy… sixteen years old ka pa lang. Hindi ka pwedeng magtrabaho sa Japan. Ano namang trabaho ang papasukan mo doon?"         “Ate, wala akong pakialam kung anuman ang maging trabaho ko doon. Ang importante, nasa Japan ako. Yen ang sahod ko. Pero ang sabi ni Manay Suzette, sa club niya ako ipapasok kasi maganda ang boses ko. Saka meron daw dorm doon mismo sa club para nakatago rin ako.”         “Kung magsalita ka, Sandy… parang ganun lang kadali. Japan iyun, Sandy… malayo iyon. Paano kung mapaano ka doon dahil mabuking nila na menor de edad ka?”         “Gagawan nila ng paraan, Ate. Nangako si Manay Suzette na kaya niya akong palusutin.” Bigla namang tumayo si Sandy sa harapan ko.         “Ang sabi sa agency, Ate, hindi naman daw ako mukhang sixteen. Mukha naman daw akong eighteen na. Sa mukha, sa katawan…” sabi nito, sabay umikot-ikot pa sa harapan ko.         Napatitig na lang ako sa kanya. Matanda ako ng apat na taon kay Sandy. Bilang nakakatandang kapatid niya, labag talaga sa loob ko na payagan siyang umalis. Pero kilala ko rin si Sandy. Mataas ang pangarap niya sa buhay.         “Sandy, dadalawa na nga lang tayo, iiwanan mo pa ako?” nagpahiwatig ako ng pagtatampo kay Sandy.         “Pero, Ate… hindi ko na talaga kaya dito. Ayaw ko na ng ganitong buhay…”         “Okay naman sila Tita Lorena, ah. Hindi naman iba ang turing nila sa atin,” sabi ko kay Sandy, bakasakaling mapagbago ko pa ang isip niya.         “Oo. Andun na ako, Ate. Pero ganito na lang ba tayo? Aasa na lang kina Tita Lorena at Tito Arman habambuhay? Sa tingin mo, babalikan pa tayo ni Mama dito? Hindi na, Ate. Narinig kong nag-uusap si Tita Lorena at Tito Arman noong isang linggo. Nag-asawa na daw sa Maynila si Mama.”         Nagulat ako sa sinabi ni Sandy. Tatlong taon na ang nakalipas nang iwanan kami ni Mama sa kapatid niyang si Tito Arman. Kaka-graduate ko lang ng High School noon. Susundan daw niya ang Papa namin sa Maynila, na dalawang taon na kaming walang balita, kaya napagpasyahan ni Mama na sundan ito.           Security Guard ang Papa naming si Lukas sa isang malaking pabrika sa Maynila. Tuwing ikatlong buwan ay nagbabakasyon siya at umuuwi dito sa probinsiya ng San Andres. Pero sa nakalipas na dalawang taon, hindi dumating si Papa sa bahay namin.         “Ba-Baka naman namali ka lang ng dinig, Sandy. Hindi magagawa ni Mama ‘yon. Baka ibang tao ang pinag-uusapan nila Tita at Tito,” pagkontra ko kay Sandy.         “Ate, dinig na dinig ko nang binanggit ni Tito Arman ang pangalan ni Mama. Sandra. Ate Sandra. Hindi pa ba si Mama iyon?” nanlalaki ang mga matang paninigurado ni Sandy.         Natigilan ako nang banggitin ni Sandy ang pangalan ni Mama. Hindi ko napigilang makaramdam ng kalungkutan. Bakit ganun? Nung una, si Papa. Iniwan kami nila Mama dito sa San Andres, at hindi namin alam kung nasaan na siya. Tapos ngayon naman si Mama? Iniwan din kami kina Tito Arman.         Tapos eto ngayon si Sandy, nagpapaalam sa akin na aalis at pupunta ng Japan para magtrabaho doon…         Bakit pakiramdam ko, wala akong halaga sa mga taong mahal ko? Parang ganun lang kadali sa kanila na iwanan ako…                  HALOS nagsi-alisan na ang mga taong nakipaglibing. Pero nandito pa rin ako sa tapat ng puntod ni Mommy. Tahimik na pinapanood iyung ginagawang pagselyo ng dalawang sepulterero sa puntod ni Mommy.            Iilan na lang kaming naririto. Ako, si Ate Eya, si Daddy, pati na ang mga kapatid ni Mommy at si Lola Cory, ang Nanay ni Mommy.         Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na wala na si Mommy. Na iniwan na niya kami, lalo na ako. Malinaw na malinaw pa rin sa akin iyung mga eksena nang huling mga oras ni Mommy.   “Toffee, nasaan si Daddy?” tanong ni Ate Eya. Galing ito mula sa grocery para bumili ng ilang mga bagay na kailangan ni Mommy. “Hindi pa siya dumadating mula kaninang umalis ka.” “Si Mommy, kumain na ba?” tanong ni Ate, na ang ibig niyang sabihin ay ang pagpapakain kay Mommy sa pamamagitan ng NGT o tubo na nakakabit sa ilong niya, na naglalandas hanggang sa sikmura niya. Alam kong pagod na si Ate. Halata naman sa itsura nito. Pero wala naman siyang choice kung hindi gampanan ang tungkulin niya bilang panganay na anak. Minsan, hindi ko maiwasang hindi isipin na sobrang suwerte ko na hindi ako ang panganay na anak. “Hindi pa, Ate. Alam mo namang hindi ako marunong, eh. Saka, tulog pa siya.” “Ha? Kanina pa siya tulog nung umalis ako, di ba? O sige. Teka lang. Ibi-blender ko lang iyung ipapakain ko sa kanya.”  Narito lang kami ni Mommy sa sala. Dito na namin siya ipinuwesto kasi naging pampalipas-oras na ni Mommy ang manood ng TV sa maghapon.  Halos abot-tanaw lang ang kusina mula dito, kaya naririnig ko ang mga ingay na nalilikha ni Ate mula sa kusina.  “Oh, tulog pa rin si Mommy?” Nag-angat ako ng tingin mula sa pagbabasa ko ng komiks. “Ewan ko ba, kanina pa siya. Gigising lang sandali para hanapin si Daddy, tapos matutulog na uli.” “Hindi bale, subukan ko muna siyang gisingin bago ko siya pakainin.” Inilapag ni Ate iyung dala niyang tasa na may lamang pagkain ni Mommy na dinurog na sa blender sa mesita na katabi ng higaan ni Mommy. “Mommy? Gising na… kakain ka na…” pagtawag sa kanya ni Ate Eya. Napansin ko na hindi tuminag si Mommy sa pagtawag ni Ate. Sobrang himbing ng tulog nito. Naupo si Ate sa gilid ng kama ni Mommy at saka naghanda na sa pagpapakain dito. Naupo naman ako sa kabilang gilid ng kama para tingnan ko iyung gagawin ni Ate, para kahit ako lang ang nasa bahay ay mapakain ko si Mommy sa oras. “Mommy, ayaw mo pa gumising? Hindi ka pa ba nagugutom?” pagka-usap pa rin ni Ate kay Mommy, pero nanatili itong nakapikit. “Paano ‘yan, Ate?” tanong ko. “Uunti-untiin ko na lang. Para hindi siya mabulunan. Kailangan ko na kasi siyang painumin ng gamut niya. Lalampas na sa oras,” paliwanag ni Ate habang binuksan na niya iyung takip nung plastic na tubo. Unti-unting sinalinan ni Ate iyung tubo ng halos liquid na na pagkain ni Mommy pero nagulat kami nang lumabas sa ilong at bibig ni Mommy iyung pagkaing dumaan sa tubo. “Anong nangyari?” wala sa loob na tanong ni Ate sa sarili niya, habang hindi magkandatuto sa pagkuha ng tissue para ipunas sa mga likido na lumabas mula sa ilong ni Mommy. Nakaramdam ako ng kaba sa nakita ko. Wala sa loob na hinawakan ko ang kamay ni Mommy na nasa malapit sa kinauupuan ko. Napansin ko kaagad ang tila malamig na hipo ko sa kamay nito kaya napatingin ako sa kamay niyang hawak ko. “Ate… nangingitim iyung mga kuko ni Mommy…”            “Toffee?”         Lumingon ako sa likuran. Nakita ko si Tito Ambet, ang sinundan ni Mommy sa magkakapatid, na papalapit sa kinatatayuan ko.         “Ano’ng year mo na nga?” tanong nito.         “Third Year High School po.”         Tumango-tango ito. “Tapusin mo ang pag-aaral mo, ha. Magagalit ang Mommy mo kapag hindi.”         Tumango lang ako, kahit pa hindi ako sigurado. Hindi naman sa ayaw ko nang mag-aral. Pero sa sitwasyon ngayon, parang ayaw ko munang mag-isip ng kahit ano.         Isang linggo pagkalibing ni Mommy, kailangang bumalik sa dating buhay. Si Ate Eya ang nagsilbi kong ina. Siya ang nagbibigay ng allowance ko. Siya rin ang naglalaba at nagpaplantsa ng mga uniporme ko. Siya ang nag-aasikaso sa bahay.         Pansamantala muna siyang tumigil sa pag-aaral. Sa susunod na semestre na lang daw siya mage-enroll dahil nahuli na siya sa enrollment period.         Pero nagulat na lang ako isang araw nang umuwi ako galing sa eskwelahan. Nasa bahay ang boyfriend ni Ate Eya, pati na ang mga magulang nito at ang mga kapatid ni Kuya Gideon.         Nagtataka man ako kung anong meron, pero base sa itsura ni Daddy, kita ko na mayroong pangyayari na hindi niya gusto. Pumasok na ako sa kuwarto ko. Pero mayamaya ay narinig ko ang pagkatok sa pintuan. Pumasok si Ate sa loob ng kuwarto at saka naupo sa tabi ko sa kama.         “Toffee… mag-aasawa na si Ate. Buntis ako…”         Mula nang mag-asawa si Ate Eya, dalawa na lang kami ni Daddy sa bahay namin. Natuto kaming asikasuhin ang bawat isa. Pero minsan, may mga gabing naririnig ko ang impit na pag-iyak ni Daddy. Minsan naman, tahimik lang siya habang nagkakape sa kusina. Minsan, nahuhuli ko siyang nakatanaw lang sa malayo.         Hanggang sa dumating ang panahon na uuwi ako mula sa eskwelahan na walang tao sa bahay. Madilim. Malungkot. Mag-isa na lang din akong kumakain. Madalas, natutulog akong wala pa si Daddy. Magigising na lang ako kinabukasan na natutulog siya sa sala. Hanggang sa kalaunan, hindi na kami nagkikita sa bahay.         Sa edad na labinlima, namuhay ako mag-isa. Sabi nga sa kanta – all by myself…     ~CJ1016

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook