Elca
“ sinundo ka na namin ni ate Andrea mo sabay na tayong pumunta sa mall to meet Belinda” oo nga pala ngayon nga pala ang sissy day. “Opo ate bibilisan ko pong mag bihis.” Mabilis kong tinungo si Axel sa bathroom nang maisara ko ang pinto ng kwarto. “Baby sorry.. I forgot nag yaya nga pala sila Ate Celest na mag sissy day, just go to sleep baka pag gising mo nakabalik na ako ok” mabilis akong nag bihis dahil natatakot akong mainip si ate Celest at buksan ang pintuan ng kwarto ko.
“Saan ba kayo pupunta samahan ko na kayo” umiling ako. “It’s sissy day Axel, kahit sila kuya Romeo bawal sumama, Ikaw pa kaya, don’t worry babalik din ako kaagad, just rest and sleep pag uwi ko pag luluto kita ok..” I kissed him on his lips matapos ay basta ko nalang siyang iniwan. I felt bad leaving him dahil nga kaka uwi lang niya pero ayoko naman magalit ang ate Celest saakin.
“It’s been a long time since we have this Sissy day” Sambit ni Ate Andrea. Nandito Kami ngayon sa isang restaurant having lunch. “Oo nga at ngayon may plus one na si Miracle ang bunso saatin” sabay akbay saakin ni ate Celest .
“Ang sarap pala ng maraming ate, ang dami kong nakukuhang mga magagandang advice sainyo”
“Wait, are you dating Doc Axel? Yung hot and yummy na Doctor na kaibigan ng Ex kong si Mark? Alam mo bang tatlo sila na hot doctors si Calvin yung isa” si ate Andrea. I didn’t know ex niya pala si kuya Mark.
“Ex mo si kuya Mark ate? Taka Kong tanong . “Oo.. alam mo naman ako ng Kabataan ko, ang daming nag papansin saakin, pero sa kuya Kael mo ako tinamaan ng sobra” kinikilig nitong sagot.
“So you’re dating one of the hottest billionaire doctor?” Pangugulit ni ate Andrea Saakin. “Billionaire? Ah.. parang ganon na nga ate..” nahihiya kong sagot.
“Accckkkhhttt!!! Bagay kayo Miracle! May chemistry kayo” tili ni Ate Andrea.
“Bagay ba yun? Eh ang laki ng agwat ng edad nila more than 20 years! Parang lolo niya na yun si Axel” natawa si ate Belinda sa sinabi ni Ate Celest ako naman napanguso.
“Grabe siya maka lolo, ang hot namang lolo ni Axel, muka ngang mag kasing edad lang sila” Tatawa tawang Sagot ni ate Belinda. Medyo affected kasi siya dahil malaki din ang agwat ng edad nila ni kuya Rocco.
“Let her enjoy her youth Celest parang Hindi mo naman Pinag daanan yan, basta ikaw Miracle Huwag mong isusuko si Mommy Peks hangat hindi ka pa niya pinakakasalan ok?” Napakamot na lang ako ng kilay sa mga pinag sasabi nila saakin. “O-Opo ate..” Maiksi kong sagot, matapos naming kumain ng lunch nag shopping kami.
“Kunin mo na yan Miracle sigurado ako lalong maninigas ang.. ang muscles ni Doc Axel! Kayo talaga ang dudumi ng mga utak niyo” pare pareho kasi kaming napa takip ng bibig sa sınabi ni Ate Andrea. “Oo bagay saiyo yan dress Miracle.. kunin mo na” napangiti ako sa sinabi ni Ate Celest habang siya naman ay nag titingin ng mga maternity clothes.
“Or wear it tonight pag nag punta tayo sa JMS bar.” Segunda ni Ate Belinda.
“That’s a good idea I will buy one also you should buy too Belinda and Grace” at yun na nga ang ginawa namin.. lahat kami bumili ng dress para sa JMS bar. After namin mag shopping nag light dinner lang kami matapos ay nag tungo din kami sa spa para mag pa foot spa at facial doon na din kami ng ayos at Sinuot ang dress na binili namin.
“Wow!! Mga Ate ko may mga asawa at anak na ba talaga kayo? Grabe mas muka pa kayong bata saakin” puri ko sakanila
“That’s why find the right one Miracle yan ang secret sa long lasting youth. Diba Grace and Belinda” tama naman si Ate Andrea. Kapag masaya ka at alaga ng taong mahal mo it will Reflect on you Kaya nga siguro fresh pa din sila kasi nasa tamang tao sila.
Nang makarating kami sa JMS bar nag text kaagad sila sa mga asawa nila ako naman tinext ko din si Axel. Pumasok kami sa loob ng bar at sinalubong kamı ng malakas na tugtog at maraming tao.
“Grabe ang Bar ni kuya JM laging busy ang yaman yaman talaga ni aboog boog hahaha” tawanan kami. Nang makaupo sa pwesto namin medyo naka hinga kami ng maluwag kasi naman struggle maka pasok ang daming tao. Buti nga at dito sa pwesto namin medyo tahimik dahil VIP area ito sa ground floor. Lumapit na saamin ang waiter para kunin ang order namin.
“Well everyone is getting margarita except Grace she will have berries smoothies” Sambit ni Ate Andrea.
“Wait, Miracle is only 19 she can’t drink until she’s 21” awat ni ate Celest
“Shhh!!! Huwag kang maingay Grace! yaan mo na siya isa lang naman” bawal ni ate Belinda kay ate Celest.
“Miracle İsa lang ha! At ngayon lang!” Paalala nito
“Opo ate..” masunuring kapatid naman ako kaya nga siguro inis na inis siya kay Axel dahil pag dating kay Axel nakukuha ko siyang suwayin. Nang dumating ang order namin nag cheers kaming apat.
“For more sissy day!!!” Sigaw ni Ate Andrea
“Cheers!!!” We are enjoying the night ang dami naming Pinag uusapan like their past dahil interesado din ako marahil para maka kuha ako ng ideya kung Papano malalaman that I find the right one.
“Beh!!” Naagaw ang Aming antensiyon ng may tumawag kay Belinda .
“Devin!! Hi!! Oh my gosh long time no see” Tumayo si Belinda at niyakap ang lalaking lumapit sakanya.
“ I knew it was you, ikaw lang naman ang pinaka magandang babae sa mga mata ko” hinampas ito ni Belinda.
“What are you doing here” tanong muli ni Belinda doon sa Devin.
“Oh I had a meeting with my client tapos naisipan ko silang I treat ng drinks because we closed our deals” tinawag niya ang dalawang lalaking kasama niya.
“ Jerric Wilson the CEO of Wilson Automobile his Brother Dominic at ang pinsan nilang si Maveric CEO of Johnson Car Dealership” napalingon ako ng marinig ko ang pangalan ni Dominic
“Dominic.. you’re here too” Sambit ko. “You know him?” Tanong ni ate Celest “Opo ate he’s my classmate-
“At man liligaw po ni Elca” patuloy nung Dominic
“Ehemm.. mukang pareho kami ng taste ng kapatid ko Grace” si Jerric ay ang Masugid pa lang manliligaw ni ate Celest
“Andrea aren’t you going to say hi to me?” Tumaas lang ang kilay ni ate Andrea .
“Hi Mav my ex suitor” masungit na sagot ni Ate Andrea.
“Mukang lahat tayo may something dito Pwede bang maki join sainyo” Sambit muli ni Devin. Nagtinginan kami nila ate Belinda. Si Ate Andrea umiiling. “Common just one drink” singit ni Maveric. Bago pa sıla maka upo narinig nanamin ang malalim na Boses ni kuya Rocco.
“Subukan niyong umupo sa tabi ng mga asawa namin, let see kung makakatayo pa Kayo ng buhay” hindi siya nag iisa. Kasama niya sila kuya Kael kuya Romeo at Axel.. na pare parehong madilim ang mga matang nakatingin sa mga lalaking kumakausap saamin.
“Sinong may sabi sainyo na Pwede niyong guluhin ang mga asawa namin?” Tanong ni Kuya Kael habang nakatingin doon sa Maveric.
“Mahal.. calm down..” awat ni Ate Andrea kay Kuya Kael.
“Elca wala ka pa naman asawa hindi ba? So ok lang kung tumabi ako saiyo” sinulyapan ko si Axel na ngayon ay parang mapipiktal na ang ugat sa braso niya.
“Wa..wala.. pero kasi-
“Wala siyang asawa pero boyfriend meron!” Singit ni Axel. Lumapit naman yung Dominic kay Axel.
“Ako nga po pala si Dominic.. are you Elca’s Dad” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Dominic alam kong inaasar lang niya si Axel.
“Oo! Daddy, sugar Daddy, Tito asawa boyfriend I can be what ever she wants me to be.. Pwede din akong maging killer at baka ikaw ang unang Kong maging biktima” pumagitna na ako sakanila dahil Mukang papatay na si Axel.
“Axel! Dominic.. tama na yan mahiya kayo sa mga ate at kuya ko” naiinis kong sambit.
“Devin it will be best if you guys will leave.. uuwi na din naman kami, but it’s really nice seeing you again sana sa susunod kumpleto na tayo nila ate Sab” matapos mag paalam ni ate Belinda umalis na nga sila at natira ang kanilang mga asawa at si Axel na naka kunot ang noo.
“Kailangan mo ba talagang gawin yun Axel.. magiging killer doctor ka pa” naiinis ako na pinatulan niya si Dominic sa harap ni ate Celest .Mahinahon naman ang pag kakasabi ko yung halos kami lang ang makakarinig.
“Yes! Handa akong makipagpatayan para saiyo! I’m jealous!” Nag seselos siya. I was shocked
“Wa.. wala ka naman dapat ipag selos we’re just friends!” Mahinang Sagot ko.
“Friends? Ang sabi niya man liligaw mo siya..ang akala ko all this time we’re exclusively dating hindi pala” ouch ang sakit non ha pinag bibintangan niya ako
“So you think I’m lying? Pinalalabas mo bang malandi ako at Pinag sasabay ko kayo?” Tumayo ako bigla sa inis ko.
“Ate! I’m leaving papa hatid nalang ako kay kuya Mark at Aaron may pasok Pa kasi ako bukas” nang makapag paalam ako ay mabilis na sumunod si Axel saakin palabas ng bar.
“Baby wait.. please” humarap ako sakanya. “ I’m sorry.. Mali ako.. at Hindi yun ang ibig kong sabihin patawarin mo na ako” naawa naman ako sakanya dahil bakas na bakas pa din sa muka niya ang pagod pero nandito siya at Sinundan ako.
“Bakit ka ba kasi nandito, diba dapat nag papahinga ka..” niyakap niya ako ng mahigpit na siya namang ikinagulat ko dahil baka makita kami ni ate Celest.
“I told you many times ikaw ang pahinga ko Miracle.. I can’t leave with out you sumama kana sa US saakin please” mas lalo akong nagulat sa sinabi niya. I love him I want to be with him pero Hindi ko magawang sumagot ng OO sakanya. What’s wrong with me.