Pahina 11

1903 Words
Mira “Huwag na Kayong umalis! Dito lang kayo.. walang mag mo move on!” Napakurap kurap ang mga mata ko dahil saakin siya nakatingin habang sinasabi niya yun and he looks dead serious. Kung Hindi ko nga lang talaga alam na ayaw niya saakin aakalain mong sinasabi niya saaking huwag akong mag move on sakanya. “Just stay here Myca, it’s ok.. Kaya ko ang sarili ko..” ayoko naman mag away ang mag ama ng dahil saakin. “You’re leaving..” malungkot na tanong ni Myca. “Oo marami din kasi akong gagawin sa bahay, mag lalaba at mag lilinis pa ako I’ll call you later” daig pa namin ang mag jowa ni Myca. “Ok.. next time nalang tayo gumala pag walang kontrabida” bulong nito saakin. Natawa ako dahil alam kong ang daddy niya ang sinasabi niya. Tinulungan ko muna si Myca mag ligpit ng pinag kainan namin at mag hugas ng Plato. Kami na ang nag prisinta nakakahiya naman kay Calvin siya na ang nag luto. “Ahh.. Doc Calvin.. aalis na po ako.. salamat po sa pag papatulog saakin dito at sa napakasarap ng break fast” shocks napaka pormal ko. Nakakunot ang noo nito na nakatingin saakin napaka sungit talaga. “You’re so formal at kung maka po ka parang anak naman kita” Naiinis ako sakanya pero pinipigilan ko. “Hindi naman sa ganon.. gumagalang lang po sa nakakatanda saakin” natawa ng mahina si Myca kaya lalong kumunot ang noo niya. “Alis na ako Beshie!! Talk to you later” “Hatid na kita sa labas- “Ako na Myca, may kukunin din ako sa kotse ko sa labas” niyakap ko muna si Myca bago ako nag lakad palabas ng pintuan. “Why you’re acting weird?” Dinig Kong Sambit ni Calvin habang nag lalakad kami palabas. “I’m acting weird? Bakit mo naman nasabi yan?” Siya nga itong weird. “Kagabi lang.. never mind!” May saltik talaga itong gurang na to. “Good bye Calvin..” “Wait saan ka pupunta?” Nag tataka man ako ay sinagot ko pa din ang tanong niya. “I’m going home.. kailangan kong mag laba at mag linis wala kasi akong katulong” biglang nawala ang kunot ng noo niya. “Let me..” he opened the door for me. “Thank you” Nahihiwagaan ako sa kinilos ni Calvin kanina. Hindi ko alam ang iisipin ko, I know he remembers what happened last night. He didn’t say anything but I feel like he doesn’t want me to move on ang tanong do I want to move on? “Beshie ikaw ang nakaka alam niyan kung ready ka ng mag move on..” kausap ko si Myca habang nag lalaba at nag lilinis ako ng bahay. “Pag nakikita ko ang daddy mo ayaw ko ng mag move on.. pero kapag naman sinusungitan niya ako gusto ko na ulit mag move on haayy!! Naiinis na ako sa sarili ko!” Halos mapatili na ako sa inis. “Kasalanan mo ito beshie.. Ikaw ang dahilan Bakit ako nag kaka ganito” padabog kong sinasalang ang mga labahin ko sa washing machine. “Ako? Bakit ako!” “Kung hindi mo ako sinama diyan sa medical mission Hindi ko makikilla ang daddy mo! Ngayon para akong na love at first sight hayy!” Iba talaga ang epekto ni Calvin saakin. Iba ang nararamdaman ko kapag nandiyan siya, ang mga titig niya Amoy niya pag sasalita niya lahat yun may epekto saakin. “Bakit Hindi mo subukan maki pag date sa iba baka makalimutan mo ang nararamdaman mo sa daddy, İsa pa two weeks lang ang daddy dito babalik na din siya sa US and I don’t know when he’s going to come back, minsan kami na lang ng mommy ang napunta sa US to visit him, kaya kalimutan mo na ang Daddy” napa buntung hininga ako. “Oo nga hindi ko naisip yan.. nag babakasyon nga lang pala ang Daddy mo dito.. alam mo tama ka, siguro I need to distract my self from thinking about him” inisip ko ano kayang gagawin ko today, Hindi pa naman pwede si Myca sumama saakin. “Do you want me to set you up a blind date tonight?” “Ano?! Blind date ka diyan, never akong nakipag blind date baka mamatay tao pa yan” natawa si Myca sa kabilang linya. “Sira kukuha ba naman ako ng Hindi ko kilala! Hinding hindi ko papahamak ang bff ko! Akong bahala saiyo basta mag ready ka ok, I will call you again para sa venue at time” I didn’t take it seriously dahil sino naman ang kakilala ng bff ko na ibang lalaki eh napaka manang non. As far as I know ako lang talaga ang kaibigan niya at ang iba eh mga pinsan na niya. At around 5 pm natapos na din akong mag Linis ng bahay at mag laba. Maliligo na sana ako ng makita kong tumatawag si Myca. “Beshie!!!” nailayo ko ang cellphone ko sa tenga ko dahil kung makatili siya wagas. “ Myca ano ka ba! Ang sakit sa tenga ng tili mo!” As usual Tumawa lang ito . “Get ready beshie, na set up ko na blind date mo, wear pink dress and black hair ribbon yun ang palatandaan na ikaw ang date niya, at ang ka date mo naman he’s wearing blue long sleeves” napa hilot ako sa sintido ko. Itong mag amang ito ang papatay saakin. Ang sakit nila sa bangs. “Sino naman yan beshie as far as I know wala ka namang kaibigan na lalaki sa campus baka naman driver mo yan” Biro ko. “Mira blind date nga diba! Bakit ko sasabihin saiyo basta mag ready ka na at pumunta ka sa JMS bar sa VIP area at 7 pm.. good luck beshie love you!! Kwento mo mga mang yayari pag uwi mo ha bye!!” “Myca wait!” Salbaheng bata binabaan ako. Nahiga ako sa kama ko at inisip ko kung pupunta ba ako. I saw Mycas text at ang sabi niya send ko daw picture ng out fit ko. “Well sige na nga.. una para hindi mapahiya si Myca pangalawa para maka move on na ako sa feelings ko kay gurang” I shower and dressed up. Dahil bar naman ang pupuntahan nag suot ako ng tube pink dress of course I brought an elegant blazer. I did messy buns at nilagyan ko ito ng black ribbon. Very light lang din ang make up ko dahil una hindi bagay ang makapal na make up saakin pangalawa maganda na yung simple lang sa unang date. I wear my favorite perfume and feather toe heeled sandals. Nang makuntento na ako sa itsura ko I took a picture and sent it to Myca. Maya Maya lang ay tumawag na ito. “Wow!!! Beshie you look so gorgeous!” Naka video call pa talaga siya. “At ikaw Bakit bihis na bihis ka din saan ang gala mo akala ko ba bawal kang umalis?l” nag tatampo kong tanong. “Me and my dad will go out to dinner.. tapos drop off niya ako kila Tito Mark dahil mag baby sit ako sa mga pamangkin ko mag de- date Kasi silang mag asaw- “Sinong kausap mo” si Calvin biglang sumulpot sa video call namin. Shocks ang gwapo talaga niya. Naka suot ito ng suit and tie. Pwede bang siya nalang ang date ko char. “Dad si Mira po, nag outfit check lang kami ang ganda at sexy ng beshie ko no, o sige na beshie Alis na kami bye” hanggang sa mag end ang call mag kahinang ang mga mata namin ni Calvin. The way he stared at me eh para bang ayaw niya ang suot at itsura ko. “Well maybe my blind date will appreciate it” I left my house and drove to JMS bar. 6:45 palang nasa parking lot na ako. Nag palipas muna ako ng ilang minuto bago ako pumasok sa loob. This place is always packed, laging madaming tao, pwede ka ng pumasok sa loob basta you’re 18 and above but to order alcohol you must be at least 21. Sabi ni Myca punta daw ako sa VIP area not VIP room sa taas. Yung VIP area sa ground floor medyo malayo ka sa dance floor at wala din lakad ng lakad sa harap ng table niyo, so may konting privacy ka. Heto ako ngayon at palinga linga hinahanap ko ang lalaking naka kulay blue na long sleeve. Eh papano kung maraming naka blue long sleeve. “Mira!” Biglang may lumapit saakin he looks familiar. “Yes it’s me Chaos” si chaos ang anak ng boss ko. “You’re wearing blue long sleeves?” “And you’re wearing a pink dress with black hair ribbon, you must be my blind date” napalunok ako. Lagot talaga saakin si Myca anak pa talaga ng boss ko. Ano nalang sasabihin ni Sir Evans “Hindi ko alam mahilig ka pala sa blind date” inalalayan niya akong ma upo matapos ay tinawag ang waiter. “Hindi.. Ayoko lang tanggihan si Myca parang little sister ko na yun.. eh ikaw mahilig ka palang makipag blind date” natawa ako ng bahagya. “Nope, pinilit lang ako ni Myca.” At pinilit ko lang din ang sarili ko para makapag move on kay gurang. “What drinks do you want my beautiful date” bigla akong nahiya sa sinabi niya. “Orange juice lang ako” “What? We’re here to have fun orange juice? Give my beautiful lady a margarita and one screw driver for me” he also orders some food “I can’t drink too much I’m driving Chaos” I’m responsible naman, I never drink and drive. “Kailan ka pa sa Daddy ko nag wowork? Are you taking up law that’s why you’re working in our law firm?” Umiling iling ako. “No, I’m taking up pre med, I’m a working student at maganda offer ng daddy mo kaya tinanggap ko na” paliwanag ko. “Impressive, independent and hardworking woman, juts how I like it.. my ideal wife” halos mabulunan ako sa sinabi niya wife agad? Wow pag iba wife agad? Pero kay Calvin kagabi asawa tawag ko. “Are you ok?l” “Yes I’m ok.. May naalala lang ako” Pwede ba Mirasol tigilan mo na kakaisip kay gurang mag focus ka kay Chaos” kastigo ko sa sarili ko. Biglang umilaw ang phone ko kaya tinignan ko kung sino ang nag text pero number lang ito. “ stand up and go home” napataas ako ng kilay. “Is everything ok?” Tanong ni Chaos Sabay hawak sa kamay ko. Muling umilaw ang phone ko. “Let that bast@rd touch you again and I’ll rip his head off” Namilog ang mga mata ko. Sino ba ito Bakit parang alam niya ang ginagawa ko. “Who are you!” “Hmm.. you seems to forget me asawa ko” f*ck is this.. no Hindi si gurang ito. Ba Bakit naman siya mag te text saakin. “Stand up and go home Mira, I’m warning you” bakit ko ba siya susundin sino ba siya sa akala niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD