Nikolas’s POV “Sweetheart. . .” tawag ko sa kanya. Napalingon siya at gulat na gulat nang makita niya ako. Hindi ko akalain na siya si Chelsea. Kaya naman pala ganoon na lang ang kabog ng dibdib ko sa tuwing magkalapit kaming dalawa, dahil siya naman talaga ang tunay na Chelsea. Lumabas sa silid ang kapatid ni Chelsea na si Lyka para bigyan kami ng pagkakataong makapag-usap ng sarilinan. Nginitian niya ako bago ito lumabas ng pintuan. Ang kaninang pagkagulat ay napalitan ng pagseryoso ng kanyang mukha. Napalunok ako. Nakararamdam na ako ng kaba, hiya at takot sa sasabihin niya sa akin. “Ano’ng ginagawa mo dito? Paano mo nalamang narito ako?” tanong niya habang seryosong nakatingin sa akin. I cleared my throat before I speak. Tila kasi may bumara sa aking lalamunan at kailangan kong ma

