Nikolas’s POV Ilang linggo lang magmula nang mangyari ang pagdukot sa amin ni Larius ay bumalik na muli ako sa trabaho. Todo ingat pa rin kami dahil hanggang ngayon hindi pa rin nahuhuli si Candice. Si Tito Ryan ay nailibing na. Sobrang nalungkot si lola sa nangyari at sa nalaman niyang ginawa ng anak. Hindi niya raw akalain na hahantong sa kasamaan ang pagbibigay niya ng karapatan sa kanyang apo na si Chelsea. Speaking of Chelsea, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikita. Nakakulong na ang pekeng Chelsea at kinasuhan na rin dahil sa paggamit ng katauhan ni Chelsea. I tried to find her and also asked her friends, but they had no idea where Chelsea was. I was frustrated because I couldn't find her. I really want to make amends with her and apologize for what I've done. Tanging p

