Zeus’ POV "Ano ready na ba ang gamit mo?" Hindi ko siya sinagot at nanatili lang akong nanonood ng TV. "Mr. Zeus Arkin Wang!" Sigaw niya at tumabi na siya sakin at kinuha ang remote sa kamay ko at pinatay ang TV. "Ano ba?! Basag trip ka talagang babae ka." Kinuha ko ulit ang remote at binuksan ulit ang TV. Pero kinuha na naman niya ang remote at pinatay na naman ang TV. Okay okay! Di na ako makikipagtalo. "Oo. Ayos na yung gamit ko. Bakit ba excited ka? Bukas pa naman ang alis natin?" Inirapan niya lang ako at ininom ang juice na hawak niya. Brat talaga! "Sige na. Aalis na ako. See you tomorrow best friend!" Hindi na ako sumagot pa sakaniya at kinuha na lang ang iPod ko. Mas mabuti pa sigurong maglaro na lang ako kaysa patulan ang babaeng yon. Pasalamat siya best friend na kami

