Clyde’s POV Nakatingin lang ako sakaniya habang nagkukwento siya samin. Hindi ko maiwasang matawa sa itsura niya. Ang lapad kasi ng mga ngiti niya at kumikinang kinang pa ang dalawa niyang mata. Ganyan ba talaga ang nagagawa ng inlove? Tangina! Kaya ayaw kong mainlove e. Ayokong mainlove ulit. Ginagawa ka kasing mukang tanga. Kagaya lang nitong gago sa harapan ko. Muka siyang ewan. "Congrats tol! Kelan ang kasalan?" Sabi ni Zeus. Hindi na ako nakikisali sa usapan nila. Bahala na sila dyan. Palibhasa mga biktima ng pagibig. "Baby na agad!" Nabato tuloy ng bottle cap si Jake. Gago e, manyak talaga kahit kailan. "Wag niyo akong itulad sainyo. Mahal ko si Yumi at papakasalan ko muna siya." This time ako naman ang bumato ng beer can sakaniya. "Tangina! Ang korni mo Madrigal!" Tumawa

