"San tayo pupunta? Bakit kailangan ganito pa ang suot namin?" Pangungulit ko kay Jake pero tinawanan lang niya ako. "Jake, please answer me." Ginulo niya lang ang buhok ko at mahinang itinulak papasok sa loob ng kwarto. Iniabot niya sakin ang isang color pink na gown at sinabing magayos daw ako. Wala naman akong nagawa kundi magayos nga. Kinulot ko lang ang buhok ko at naglagay na din ako ng light make up. Isinuot ko ang gown na ibinigay ni Jake atsaka lumabas na ng kwarto. I saw Jace and Macy na nakaformal attire din. Naka-pink din na gown si Macy at parehas namang naka-black tuxedo si Jace and Jake. Bakit parang nakikita kong magkakamuka silang tatlo? I shook my head at bumaba na para puntahan sila. Hindi naman pwedeng maging anak ni Jake ang dalawang anak ko kasi ayon sa kwe

