Itinigil ni Jake ang sasakyan niya sa isang black and white na bahay. Elegante ang kulay ng bahay, black and white kasi. Even the flooring and kisame ay sobrang ganda. Kapag isa kang Architect, mapapansin mo bawat detalye ng bahay. Natigilan ako dahil sa naisip ko. Parang nasabi ko na ito dati pa. Di ko lang talaga alam kung kelan, sabagay may amnesia nga pala ako. So wala talaga akong alam sa lahat. "Ako na ang bahala sa mga bata at sa gamit natin. Pumasok ka na sa loob." Kalmadong sabi niya pero ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Nasasaktan ako kapag ganito siya. Bakit pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala? Matagal ko na siyang nakasama. Sabagay, siya nga pala ang totoo kong asawa, diba? Sinunod ko ang sinabi niya at pumasok ako sa loob. Mas lalo akong namangha sa bahay

