Kabanata 14: Paghanga

1495 Words

Dean’s PoV BILIB na bilib ako kay Shyra lalo na ngayon habang kausap ko siya. Marami akong mga bagay na natutunan sa kanya. Ang hindi pagsuko sa hamon ng buhay at ang maging matapang upang mabuhay. Mahirap ang naging buhay nito na mag-isa at wala na itong takas sa malungkot na kapalaran na naghihintay para sa kanya. Ang pinagkaiba lamang namin ay nagpursigi ako na makapag-aral upang makaahon sa hirap ng aking buhay. Sinundan ko si Shyra kaninang umaga dahil nagdududa ako sa kanya ngunit nawala ang pagdududa na iyon matapos nitong aminin sa akin ang mga problema nito sa buhay. Parang gusto ko na protektahan si Shyra dahil kailangan nito ng isang kaibigan na katulad ko. “May dumi ba ako sa mukha ko, bossing? Kung makatingin ka sa akin parang gusto mo akong kainin.” Sumeryoso ako ng mukha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD