Luna’s PoV MASAKIT ang aking ulo nang magising ako kinaumagahan kaya naman minabuti ko na mag-jogging para pagpawisan ako. Alas kuwatro ng madaling araw ako lumabas ng bahay ni Dean. Naging kaibigan ko na rin si Kuya Lindo kaya naman pinayagan niya ako na lumabas ng bahay ni Dean para mag-jogging. Nakasuot ako ng itim na dri-fit short at hoodie jacket na kulay gray. May suot akong sweat band na kulay puti at saka naka-sneakers ng itim. Dahan-dahan lang aking pagtakbo paikot sa subdivision. At habang tumatakbo ako ay nakasalubong ko si Rigo at ang mga barakada nito. “Miss… p’wede ba kaming sumabay?” nakangiting tanong nito sa akin. “Sige ba,” nakangising sagot ko rito na hindi ito tinitignan. Naririnig ko ang pagbubulungan ng mga ito na para bang may masamang binabalak sa akin. Binali

