Knight’s PoV “TAMA na iyan, Chan! Sinisira mo lang ang buhay mo dahil sa isang lalaki!” sigaw ko sa aking kapatid habang nasa loob ako ng apartment kung saan siya naroon. Nalaman ko sa isang kaibigan ni Chan na nandito ngayon ang aking kapatid at gumagamit ng injectable drugs. Itinulak ako ni Channel ng malakas. “Wala kang pakialam sa akin Kuya Chris!” Itinapon ko sa basurahan ang injections at binasag ko nag botelya ng drugs na ginagamit nito. “May pakialam ako dahil kapatid kita! At nangako ako kay Mama na kahit na ano pa ang mangyari hindi kita hahayaan na maging kagaya ka ng sarili mong ama!” Hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Chan at saka iyon niyugyog. “Tignan mo nga ang sarili mo!” “Huli ka na Kuya Chris!” Umiiyak si Channel habang nakatingin sa akin. “Sira na ang buhay ko

