Luna’s PoV NAGISING ako na masakit ang aking ulo. Nasobrahan ko na naman ang pag-inom ng beer kagabi. Tinignan ko ang suot kong relo at alas singko pa lamang ng umaga. Isinuot ko ang aking mga sapatos at saka ako lumabas ng nipa hut na kinaroroon ko. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Dean na nakaupo sa labas ng nipa hut. Nakapatong ang dalawang paa nito sa may lamesa at mukhang naalimpungatan ito dahil sa pagbubukas ko ng pinto. Nakatingin sa akin lang sa akin si Dean. Nilapitan ko siya at naupo ako sa tabi nito. “Bakit diyan ka natutulog? Hindi ka nagpunta sa nipa hut na nirentahan ninyo ng pinsan mo?” pag-uusisa ko rito. Hinilot ko naman ang aking sintido at saka bumuga nang malalim. “May ibinigay pala sa akin iyong may-ari ng bar kagabi.” Iniabot ni Dean ang credit card ko. “Hin

