Khalid
"Baka naman bumigay na naman 'yang punching bag mo sa lakas ng mga suntok mo, kuya?" tanong ni Khol na prenteng nakaupo ngayon sa bench.
He came over to see how I'm doing, and to inform me that he wants to do another shoot with me for the new branch of his gym.
Kahit hingal na at tagatak ang pawis ay sinuntok ko pang muli ang punching bag. I was so lost in my own thoughts that I ended up breaking the chain of my punching bag.
Umismid si Khol. He stood up and grabbed the punching bag to put it on the side. Nang maitabi ay makahulugan siyang tumingin sa akin.
"Tell me who's making you lose your cool these days. Pati si kuya Kaius ay nag-aalala dahil hindi ka na naman daw nakakausap nang hindi mainit ang ulo mo," aniya.
Tinalikuran ko siya't dinampot ko ang tumbler para sandaling uminom. "No one. I'm just preparing for my upcoming match."
He scoffed. Halatang hindi naniniwala sa akin.
"Let me get this straight, brother. The last time you became like this was when you finally let Teissa get back with Armani. The first time? You were heartbroken after pushing Francia to realize she was in love with Abram." Itiniklop niya ang mga braso niya sa tapat ng dibdib. "Tell me the truth."
Umiwas ako ng tingin at nagpanggap na mas interesante pa ang tuwalyang hawak ko kaysa sa kanya.
"I'm fine, really."
Khol sighed. "Are you into someone already?"
I pursed my lips. No. Maybe? But I'd be so f****d up if it's the latter. Nagagalit ako sa sarili ko ngayon dahil palagi kong naiisip ang halik na iginawad ni Anie sa akin noong isang linggo. I feel so guilty for not stopping her. For . . . actually liking how it felt.
Mali na nakaramdam ako nang gano'ng bagay. Mali na hanggang ngayon ay pakiramdam ko nakalapat pa rin ang mga labi niya sa akin. I taught her how to walk. I rock her to bed and watched her grow up. What right do I have to feel something out of that kiss?
Is it because she reminds me of Teissa? Kasi kung oo, putangina mas magagalit ako sa sarili ko. Anie doesn't deserve that, at kung ibabang lalake ang gagawa no'n sa kanya ay baka makapatay ako.
"Kuya?" agaw ni Khol sa atensyon ko.
I sighed. "I don't really wanna talk about it, Khol. I'm sorry. Tell Kaius I'm gonna be fine."
Tinapik ko siya sa balikat saka ako nagpaalam na maliligo na. I took a bath and thought about things while in the shower, but no matter how hard I try, Anie's teary eyes keep on invading my mind.
Nanikip ang dibdib ko nang mas luminaw ang imahe ni Anie sa isip ko. She's been acting differently since that night. Kung makipag-usap sa akin ay parang trabaho lamang ang relasyong namamagitan sa aming dalawa. She doesn't call me Daddy anymore, too. Palaging Sir Khalid kaya naiirita at nasasaktan akong lalo.
May karelyebo na rin siya ngayon dahil hindi na rito sa akin nananatili. She moved out a day after I told her I could never love her the same way. Balita ko ay binilihan ni Armani ng condo at niregaluhan naman ni Argus ng kotse'ng ginagamit niya ngayon para pumunta sa akin tuwing oras ng duty niya.
I went out of my room dressed in white polo with folded long sleeves. Naabutan ko sa sala si Nowlan, ang kapalitan ni Anie bilang personal bodyguard ko.
"Do you want me to drive, Sir?" tanong ni Nowlan.
I shook my head. "No. You can use your own car to tail me instead. Sa sementeryo lang naman ang punta ko." Tumikhim ako sandali. "Anong oras ang duty ni Anie ngayong araw?"
"Hindi siya makakapasok, Sir."
Kumunot ang noo ko. "Why?" Umiiwas na naman ba iyon sa akin?
"May sakit ho, Sir. Ang sabi sa office, mataas ang lagnat at halos hindi makabangon. Si Sir Kameron ho mismo ang nag-request ng sick leave ni Anie sa RSSA."
I blinked. She's sick? Why didn't she tell me? Dati naman kapag nagkakasakit iyon ay ako palagi ang unang sinasabihan. Ganito ba katindi ang sama ng loob niya sa akin para hindi niya ipaalam sa akin ang kalagayan niya?
Bumuntonghininga ako. "Who's looking after her right now? Nandoon ba si Kameron?"
Umiling si Nowlan. "Ang alam ko ho umalis kaninang umaga ro'n si Sir Kameron dahil may emergency ho sa Yokohama tungkol sa tiyuhin niya. Wala ho yatang kasama ngayon si Anie dahil si Sir Toby naman ho, pinaharap ni Sir Kameron sa conference meeting."
"Then we'll go there. Bukas na ako dadaan sa sementeryo."
Tumango si Nowlan. "Sige ho, Sir."
Bumuntot siya sa akin nang lumabas na ako ng bahay. Nagtig-isa kami ng kotse, at dahil may sakit si Anie ay dumaan ako sa drugstore. I relied on Nowlan's info. Tinawagan ko rin ang kaibigan kong si Silver para ikonsulta ang kundisyon ni Anie.
"Kung ilang araw na under extreme stress and fatigue ang anak-anakan mo, talagang bababa ang immune system niya. Give her paracetamol every four hours. Do not cover her up nor wipe her body with water mixed with alcohol. I'm sick and tired of telling this to my patients. Also, grab some vitamins for her."
"Got it. Thanks—"
Nagpapasalamat pa lang ako ay pinatayan na ako ng lintik na si Silver. Napailing na lamang tuloy ako saka na itinago sa bulsa ang cellphone.
"Sir?" tawag ni Nowlan habang hawak ang cellphone niya.
I turned to him. "Why?"
Napansin ko ang pag-aalangan niya. "Huwag na raw ho tayong pumunta kay Anie. Nandoon na raw ho si Atreus."
I sighed. "Bakit mo kasi sinabi?"
"Akala ko ho kasi ay pwede. Hindi ho ba kayo okay ni Anie?"
"Chismoso ka rin," I murmured. "Don't tell her we're coming. Baka mamaya dinahilan lang niyang nandoon ang kapatid niya. Besides, may pasok si Atreus."
Tumango na lamang si Nowlan. Nagpunta naman ako sa kahera at binayaran lahat ng binili ko. We then went out of the drugstore but just before I got inside my car, a new message pop up coming from an unfamiliar account.
I paused to see what it is, but the moment I saw the image that was sent to me, I nearly dropped what I was holding.
It was a photo of me and Anie outside the club . . . kissing.