bc

Infinite Agreement

book_age0+
878
FOLLOW
7.3K
READ
possessive
arranged marriage
goodgirl
hollywood
bxg
like
intro-logo
Blurb

Infinite Agreement

Teaser

This story is about;

What will you do in the middle of agreement if the agreement can change your entire life but it can't change your feelings.

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue Belle's POV DAHAN-DAHAN kong binuksan ang pinto ng bahay namin at pumasok. Nilibot ng paningin ko ang halos kabuuan nito. Halos wala nang laman, iilan na lang. ''Papa!" ta'wag ko sa papa ko. Nandito ako ngayon sa bahay namin, sa totoo kong bahay. Lumaki ako sa halos marangyang buhay pero mas pinili kong mamuhay sa normal na buhay kung saan mararanasan ko ang maghirap, dahil sa isang rason na bitbit ko sa puso't isipan ko hanggang ngayon. "Rishabelle..." Napatingin ako sa may kusina kung saan nanggaling ang boses ni Papa. Mayamaya pa'y lumabas na siya doon at pinuntahan ako. Ngumiti ako sa kaniya dali-daling yumakap. "Papa na miss kita." Kaagad kong naramdaman ang yakap niya pabalik. Ang tagal kong tiniis na hindi makita ang papa ko, kaya naman sa tuwing uuwi ako sa madalang na panahon ay sabik na sabik ako sa yakap niya. "Akala ko hindi ka na babalik, anak." Humiwalay ako ng yakap sa kaniya. "Papa, hinanap ko lang ang sarili ko at binago pero Papa, pwede ba namang hindi kita balikan?" "Anak naman, 'wag mo na kasing sisihin ang sarili mo." Hindi ako sumagot at niyakap lang sya. Ayokong maging dagdag pa sa iniisip ni Papa. Sa hitsura ngayon ng bahay namin ay alam kong may problema. Nilibot kong muli ang paningin ko at humiwalay ng pagkakayakap sa kaniya. "Papa, bakit iilan na lang ang mga gamit natin? Asan na iyong iba?" "Anak, I'm sorry.." Sa mahina niyang tinig ay naramdaman ko ang dismaya at hiyang nararamdaman niya. Iginaya niya ako paupo sa sofa na nakatakip na ng puting tela at may nakadikit na pulang papel bilang simbulo na hindi na sa amin ang sofa na ito kagaya ng halos lahat ng gamit na makikita mula dito sa living room. "May malaki akong ninakaw sa kompaniyang pinapasukan ko anak, pinakiusapan ko ang boss ko na ibabalik ko ang ninakaw ko huwag lang akong ipakulong. Sana lang mabayaran ko iyon bago matapos ang palugid niyang ibinigay." Napailing ako. "'Pa bakit? Hindi ka magnanakaw!" Kahit matagal ko nang hindi nakakasama ang papa ko ay alam ko pa rin na mabuti siyang tao, kaya naman hindi ako makapaniwalang nagawa niyang magnakaw. "Anak hindi ko iyon ginusto! Kaya ko lang ginawa iyon ay dahil may nanakot sa akin na sa oras daw na hindi ko pirmahan ang kontrata na pinapipirmahan nila ay papatayin nila ako, pati ikaw. Kaya napilitan akong pirmahan ang kontrata kahit na nagsisimbolo iyon na iwi-widraw nila ang laman ng bank account ng kompaniya," pagpapaliwanag niya. "Sino Papa? Sila dapat ang magbayad sa kasalanan nila!" Umiling siya. "Hindi ko sila kilala, first time ko lang silang makita, hindi rin sila pamilyar sa akin. Pero may pinakita kasi sila sa akin na picture mo. Hindi ko alam kung nasaan ka kaya madali akong kinabahan na baka saktan ka nga nila. sorry Belle." Sinandal ko ang sarili ko sa kaniya. "Papa sorry din, naging dagdag pa pala ang pag-alis ko sa oportunidad nilang takutin ka bilang accountant ng boss mo." Umiling siya at hinawakan ang may pisngi ko. "Wala kang dapat ihingi ng sorry anak, Ok lang, ako nang bahalang mag-ayos nito." Tumingin lang ako sa kaniya at tiningnan ulit ang halos kabuoan ng bahay, ang kisame at ang pader kung saan nakasabit ang malaking frame na pinagawa pa ni Papa para sa amin ni Mama. Ang nasa letrato ay kaming tatlo na magkakasama. 10, years old pa lang ako roon. Nalulungkot akong isipin lahat ng nakaraan, sa tuwing naiisip kong hindi na namin pwedeng mabalikan ang dati naming buhay nang dahil sa akin. "Papa ibenta na lang din kaya natin itong bahay kagaya ng mga gamit nang mabawasan naman ng malaki ang utang." "Anak hindi puwede.'' Naramdaman kong humaplos ang palad niya sa pisngi ko at pinunasan ang luhang lumandas doon. "Hindi ko ito puwedeng ibenta dahil nandito ang alaala natin sa Mama mo." Umiling ako at hinawakan ang palasingsingan sa kanang kamay ko, at kinapa ang singsing na nakasuot doon, ang wedding ring ng mama ko. "Papa, nandito pa naman itong singsing ni Mama-" "No! Dito kami gumawa ng pangarap, dito ka nabuo, dito ka pinanganak, dito ka nagkaisip, dito ka lumaki, dito natin nabuo ang pmilya natin, dito tayo naging kompleto, dito tayo naging masaya. Anak, dito tayo nakabuo ng mga alaala kasama ang mama mo, kaya gusto kong ingatan natin ito kagaya ng pag-aalaga natin sa alaala ng mama mo." Tama si Papa. Kaya kailanganko na siyang tulungan sa paghahanap ng solusyon sa problema naming ito. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Broken Angel

read
4.0K
bc

His Cheating Heart

read
41.7K
bc

Unexpected Romance

read
38.6K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

My Husband's Mistress

read
298.1K
bc

Unwanted

read
512.1K
bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
482.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook