Chapter 12 Belle's POV Mariin na dinikit sa akin ni Peter ang isang basong hawak niya, kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. "Ano'ng problema mo?" pamaktol kong sabi habang hawak ang pisngi ko na dinikitan niya ng malamig na baso. "Ako ba ang may problema? E, ikaw itong nakabusangot diyan?" natatawang sabi niya. "Tapos kanina hindi mawala-wala ang ngiti mo. Hindi ka naman masiyadong moody ano?" Masiyado kasi akong masaya dahil sa nakuha kong balita na babalik na si Shin, kaya hindi mawala ang ngiti ko kanina. Iningusan ko siya at inirapan. "Hindi ako nakabusangot, masamang hindi ngumiti? Para naman akong tanga kung puro ngiti lang ako buong araw?" Kinunutan niya lang ako ng ilong at nakipagtitigan sa basong hawak niya. Anyway nandito kami ngayon sa bahay nila Peter, heto at n

