Chapter 15 Peter's POV SINUNDAN KO ng tingin sina Belle at Jace nang pumasok sila sa bahay. Hindi ko alam pero hindi ko mapigilang isipin kung mabait ba si Jace o komportable ba si Belle sa kaniya, kung ayos lang ba na hayaan lang namin na sila lang magkasama sa loob. After all alam kong minsang kinainisan ni Belle si Jace dahil alam niya ang history nila ni Shin. "Peter?" Napabalik ang atensyon ko kay Shin nang bigla niya akong tawagin. Hawak niya lang ang bag niya habang nakatingin sa akin nang nakangiti, napara bang alam niya ang nasaisipan ko. "Peter, mabait si Jace, don't worry, wala siyang gagawing masama sa best friend ko," sabi niya. "Dapat lang, Shin." "Over protective, are you?" "Shin, she is my fiancée, remember?" "Ha ha ha ha!" tumawa siya ng fake at umupo sa isang

