Chapter 8 Belle's POV Hawak ko ang ulo ko nang bumangon ako sa kama. Ang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung bakit, hindi naman ako naglasing, a. Ang naaalala ko lang kahapon ay ang pag-iyak ko kay Peter. Bukod doon ay wala na akong matandaan na puwedeng maging dahilan ng sakit ng ulo ko. Nilibot ko ang paningin ko. Hindi ko kwarto ito... Nasaan ako? "Oh, ano, masakit ulo mo?" Napalingon ako sa gawi ng pinanggalingan ng boses. Si Peter. "Nasa kuwarto mo ako? Pero parang-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumingit na kaagad siya. "Hindi ito ang apartment ko. Nandito ka mismo sa bahay namin. Nakatulog ka kagabi kaya rito na kita dinala dahil mas malapit ito kaysa sa apartment natin. Naisip ko kasi na mas magiging komportable ka sa pagtulog kung sa kama ka. Kaya nagmadali

