Chapter-5 Part 2

3346 Words
Bahay ni Lola Lyli's POV Dumeretso kami ni Loren sa treehouse "Why did you call me?." "Bakit di ka na pumupunta dito sa Treehouse?." "Di ko lang gusto na pumunta and malapit na ang exams . I need to study to learn, kahit kasali ako sa pamilya na to kaylangan ko paring mag aral. "Napasinghap nalang ako.. Ang tinutukoy nyang pamilya ay ang mga tao dito sa treehouse oo mga dating gangster o sabihin nalang natin na mga tarantadong tao ang may ari ng lote na to pero gumawa sila ng bagong organisasyon nila. Kapag sumali ka sa grupo nila pwede kang maglamasmasok sa treehouse. Pamilya ang turingan namin dito, sumali ako dito dahil parang di pamilya ang turing sakin ng totoo kong pamilya. Isa narin sa dahilan kung bakit ako sumali dito ay dahil kay mama palagi nya akong kinakampihan na parang palagi akong tama at di ko nararamdaman kung may pake ba talaga sya sakin. Gusto ko ring makasundo si Shylin pero palagi syang umiiwas sakin. "Parang may problema ka.. " "Wala, teka binasa mo na yan ahh. "Ngumisi naman sya. "Sa lahat ng kaibigan ko ikaw lang ang nakapansin...wala pa kasi yung Next book di Pa nilalabas. " Kaibigan? Tama kaibigan ko si Loren, kaibigan lang di na ako nag aasume ng iba pa. Bago ako pumasok dito nauna sya nakasundo ko sya dahil sa mga librong binabasa nya alam ko kasi lahat yon. "Anong chapter ka na? ."Inagaw ko pa sakanya ang libro na binabasa nya. "Chapter 5 We can't be friends. "Basa ko sa Title ng chapter. Kinuha nya uli sakin yon. "Ahh yung part na nag away yung panganay na bida tapos yung nanay nung bida?."Tumango naman sya."Satingin mo kung di sila nag away anong mangyayari?. " "I don't know maybe the story is near to it's end, 'there's always a falling action to everyone's story at ang panget ng buhay kung palagi nalang happy diba?. "Tumango naman ako. "There's always a falling action... "Mahinang usal ko. "Oy loren. " "Mm?. " "Kapag ba nag away kayo ng magulang mo....Masakit ba yon sa pakiramdam mo?. "Kumunot naman ang noo nya. "Oo, bakit?. " "Wala lang kasi di ako inaaway ni mama. "Ngumisi naman sya. "Gusto mo pang awayin ka ng mama mo?. " "OO any tips?. "Isinirado nya ang libro na hawak nya at tinignan ako ng deretso. "Gumawa ka ng bagay na magagalit sya at ikagagalit nya , patayin mo tanim nya." "Andami ko ng ginawa na ganyan pero di talaga sya sakin nagagalit ... Maliban nalang sa isang kapatid ko. "Pahina hina na sabi ko. "Sinong kapatid?. " "Ah wala, teka nga kala ko ba mag aaral ka pa bakit di ka pa bumalik?." "Magpapalipas lang ako ng oras dito atsaka ngayon nalang ako nakapunta rito susulitin ko na.. " Tumango nalang ako at tumingin tingin sa ibang direksyon. *Hindi tayo pwede pinagtapo—~ "Ringtone mo?. "Nakangising sabi nya , tinignan ko nalang sya ng masama at itinapat sa teynga ko ang cellphone . "Bakit ka ma tumawag??. "Tinignan naman ako ni loren. "Nandito na ako sa school nyo, san ba ako pupunta? ." "Sa principal's office. " "O sige, hanapin mo na rin si Shylin di nya dinala yung cellphone nya kaya hanapin mo at sabihin mo nandito na ko.Yun talagang anak kong yon —" "Ma sasabihan ko na, wag ka ng magsabi ng kung ano ano. " "O sige na. "Pinatay ko na ang cellphone ko at hinarap si Loren. "Anong nangyari?. " "Mauuna na ako hahanapin ko pa kapatid ko." "Sabay na ako. "Sumabay nga sya sa paglalakad habang nag babasa ng pocketbook nya. "May pader!. "Malakas na sigaw ko kaya tumigil sya sa paglalakad at tinignan ang dinaraanan nya at tinignan ako ng nakataas ang isang kilay...Napahalakhak nalang ako at inagaw ang pocket book na hawak nya at kunwari ko yung ilalaglg sa baba ng second floor , napalapit pa sya sakin. "Kung papipiliin ka ako o itong libro mo?. " "Libro ko. "Seryosong sabi nya, napanguso naman ako at iniabot sakanya ang libro, pero ngumisi ako at malakas na pwersa kong itinapon ang libro nya dito sa may second-floor. "What the f*ck?!." Tinapik tapik ko pa sya sa balikat."Wrong choice....Mauuna na ako."Tinanguan ko pa ang mga barkada ko at nagsabaysabay kaming naglakad. "Alam mo bagay kayo ni Loren."Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ng isa sa barakada ko. "Alien kami di kami bagay."Nagsitawanan naman kami. "San tayo?." "Sa building ng kapatid ko." "May kapatid ka pala?" "Pupuntahan ko ba kun wala?."Nagngisihan uli kami. Malayo ang nilakad namin papunta lang sa building pagkarating namin ay natigilan ako dahil sa nag page . Parang narinig ko na ang boses na yon. Di ko nalang inintindi at naglakad muli pero nakita ko na si Shylin kaya tinawag ko sya iniangat nya pa ang ulo nya dahil may katangkaran ako sakanya. Palaging seryosong mukha nya kapagkaharap ako. Di ko alam kung bakit ganito palagian ekspresyon na pinapakita nya sakin kahit nung kalilipat nya palang sa bahay. Inaya ko sya na dalin sa treehouse at pumayag din sya, kahit ganon an ipinapakita nya sakin na ekspresyon kapatid nya parin ako kaya alam ko na may problema sya at malungkot sya dahil sa desisyon na yon ni mama. Pagkarating namin don ay idineretso ko agad sya sa treehouse dahil bawal talagang magdala dito ng di kasali sa pamilya na to. Di naman ako mahilig sumunod sa batas kaya wala na ako pake dahil ito lang ang oras na nakasama ko sya. Mabilis lang ang naging pag uusap namin dahil pinapage na ata sya ni mama. Sinundan ko sya at di ko na hinintay ang ibang barakada ko. Ngayon ko lang nalaman na ang bilis nyang tumakbo. Bigla namang may lumabas na lalaki sa isang section at naunang tumakbo sakin. Pinigilan nya si Shylin at napahinto naman ito . Tumago ako sa lab room at sumilip sakanilang dalawa , mabuti nalang at naririnig ko ang pinag uusapan nila. Di ko alam kung ano ano ang pinag uusapan nila pero bumilib ako kay Shylin sa ginawa nya base kasi sa kilos nitong lalaki eh masasabi ko na may gusto sya kay Shylin. Conclusion lang....Pero wala akong pake alam kung meron man o wala ang pinagtataka ko lang eh bakit umeepal sya sa buhay ng kapatid ko? Pagka alis ni Shylin ay biglang nawala ata sya sa wisyo ang lalaking to at nagsisigaw at nakita ko ang mukha nya sya yung lalaking nasa harap ng bahay noong isang araw. Lalapitan ko na sana sya, pero naunahan ako ng teacher na papalipit din sakanya. Agad ako muling tumago sa loob ng lab at inintay na umalis sila, lumabas ako don na pawisan . Dumeretso agad ako sa room at pinalipas ang oras. Ng sumapit ang uwian ay agad akong nagpaalam sa mga barkada ko na mauuna na. Pupunta ako sa office ng teacher na kinausap ng Louis na yon kanina. Di pa ako tuluyang nakakapunta ay nakita ko na nakadungaw si Louis habang nakikinig sa pag uusap ng teacher sa loob . Lumapit din ako ng kaunti di nya ako napansin dahil tutok na tutok sya sa pakikinig. Bigla naman syang pumasok at nagprisintang tutulong . Sumunod din agad ako na pumasok. "Kaya ko ding makakuha ng ebidensya.....Kapatid po ako ng studyanteng pinaalis ngayong araw ....gusto ko rin pong tumulong." "Mas marami mas maganda."Tumango naman ako sa teacher na nasa harap ko. "Before that , we need to plan and a plan ."Usal ni Louis . Sumang ayon ako sa sinabi nyang yon. Pero na kahit tumutulong sya sa pag hahanap ng paraan , di parin maalis sa isip ko kung bakit nya gingawa to. Shylin's POV "Maray man ang buway idto sanyo?."Tumango naman ako kay lola. (Mabuti naman ang buhay don sainyo?.) Di naman kalaliman ang bicol dialect na sinasabi ni lola dahil di naman sya kami nakatira dito, dinala lang sya dito ni lolo dati para manirahan nung nabubuhay pa si Lolo. "Amu la maray man. "Nakangiting sabi ko. Dito ako lumaki kay lola kaya impossible na di ko rin maadopt ang pananalita nya. (Oo lola mabuti naman) At kapag kasama ko si Lola kaylangan akong magpanggap na masaya dahil ayaw ko syang bigyan pa ng problema, kahit may edad na malakas parin si Lola. Alam nya na palagi akong pinapagalitan at pinag iinitan ni mama pero minsan di ako nagsasabi sakanya dahil maa iistress lang sya. "Si mama mo iintan payka pirmi?."Natigilan ako sa paginom ng tsokolate sa tanong ni lola. (Yung mama mo pinapagalitan ka pa palagi,?.) "Di man maray, minsan lang ." (Hindi naman palagi) "Inistorya ko na ba saymo na di man ganyan ang ugali ning mama mo?." "Amu la inistorya mo na sako kadto. " (Oo na la ikwenento mo na yon sakin) "Pero di man ngamin na detalye.... Ang nasabi ko pa sana saymo ay dahil nagkakilala sila ning ama mo pero di ko pa sayo nasasabi na ang dahilan ng pag iwan sayo ning ina mo. Nagkasakit si Lyli halos walang wala si mama mo wala na syang maraniyan , maliban sakin may galit sakin ang mama mo di ko na muna ngayon sasabihin ang dahilan. Pero kahit na may galit sya sa sako, di sya nagduwang isip na magrani sako para iwatak ika at para narin maalagaan tayka ayaw nilang humingi pa ng ibang tabang sako kundi ang atabanon ka. Walang ina na di matyus ang anak kaya ginibo ko ang muya nya na mangyari." (Pero di lahat ng detalye, Ang nasabi ko pa lang sayo ay dahil nagkakilala sila ng papa mo ko pero di ko pa sayo nasasabi na ang dahilan ng pag iwan sayo ng mama mo. Nagkasakit si Lyli halos walang wala si mama mo wala na syang malapitan , maliban sakin may galit sakin ang mama mo di ko na muna ngayon sasabihin ang dahilan. Pero kahit na may galit sya sakin , di sya nagdalawang isip na lumapiin sako para iwan ka at para narin maalagaan kita ayaw nilang humingi pa ng ibang tulong sakin kundi ang alagaan ka. Walang ina na di matiis ang anak kaya ginawa ko ang gusto nya na mangyari.) Nagkasakit si ate? At anong galit ni mama kay lola? "Kaya pansin mo na palaging may topak ang ate mo kasi lumaki yan sa gamot. "Nakangisi pa na sabi ni lola. "Ngata mo la sako kadi sasabi? At ngata ngwana sana. "Tumayo si Lola sa upuan nyat tutulungan ko pa sana sya kaso di nya na ako pinatulong pa. (Bakit mo sakin to la sinasabi at bakit ngayon lang?) "Mmm ngwana ko pa sana naalala.... At nasa tamang edad nayka para maaraman mona. "Pero may hindi pa sya sakin sinasabi kung ano ang dahilan ng pag aaway nila lola at mama. (Syempre ngayon ko lang naalala.... At nasa tamang edad ka na para malaman mo.) Satingin ko di naman tungkol sa pera dahil di naman mayaman ang lola ko gaya ng sinasabi ng mga plastik kong kaibigan at di ko sinabi sakanila na ganon ang pamumuhay ni lola. Nasabi ko lang na may lola ako pero conclusion na ng utak nila yon. "Ika anong namang dahilan ta ngata ika idi nanaman sa puder ko?. "Kunwaring pagalit na sabi ni lola. (Ikaw ano namang dahilan at bakit nandito ka na naman sa puder ko?) "Abo mo na ako ide la?."Pabiro na sabi ko. (Ayaw mo na ba ako dito lola?) "Di man, di ko man aram kaya nag unga ako. Bigla bigla nalang nag kulaw kan mama mo! Sabi pa 'Iuuwi ko dyan ang apo mong kasing ugali mo! ' Di na nagsabi ning dahilan at idi na tulos ika?!. Kahit aki ko kadto sarap nyang ingudngud sa bangbangan ko!." (Di naman, di ko kasi alam kaya nagtatanong ako. Bigla bigla nalang tumawag yang mama mo! Sabi pa 'Iuuwi ko dyan ang apo mong kasing ugali mo! ' Di na nagsabi ng dahilan at nandito ka na agad. kahit anak ko yon ang sarap nyang igudgud sa gatungan ko) "Ibinagsak ako ng principal namo, nalawat kaya ako tapos pinakulaw pa ako para lang mag paydto sa opisina nya. " (Ibinagsak ako ng principal namin, nalate kasi ako tapoa pinakulaw pa ako para lang pumunta sa opisina nya) "Nalawat sanayka?! Pinaali nayka sa iskwelan ninyo? At ning ina mo sa baluy nyo? ." (Nalate ka lang? Pinaalis kana sa eskwelahn nyo? At ng mama mo sa bahay nyo?) "Di naman lang sa dahil lang sa nalate ako, mababa kasi grado ko la at kaya naman ako pinaalis ni mama dinoble pa ang principal ang tuition ko ikinagalit yon ni mama kaya pinaalis nya ako. Di naman ako matalino kagaya ni kuya na manang mana kay papa." "Mana ka sa ina mo, ganyang ganyan sya akala mo lang, matabil yang mama mo nayan? Sus ko di basang yan makabasag pinggan. Nung mabisto nya ang ama mo yan saka sya nagkangwan. Pero kahit ganyan sya? Madiskarte yan sa buhay di nahihiya kung tama sya pero madalas syang magpanggap na maray sana sya, di sya minsan nagsasabi ng problema nya maski sa ama mo......."Pa iling iling pa nasabi ni lola . Kahit papaano pala may namana ako kay mama. "Teka mabuti pang matulog ka na, lalakarin mo pa bukas requirements mo para makapag enroll ka na. "Nauna ng umali sakin si lola sa sala nagpaiiwan ako dito para isipin ang sasabihin nya sana kanina. (Mana ka sa ina mo, ganyang ganyan sya akala mo lang, madaldal yang mama mo nayan? Sus ko di yan makabasag pinggan. Noong makilala nya ang papa mo yan saka sya nagkaganyan. Pero kahit ganyan sya? Madiskarte yan sa buhay di nahihiya kung tama sya pero madalas syang magpanggap na okay sya di sya minsan nagsasabi ng problema nya maski sa papa mo.......Teka mabuti pang matulog ka na, lalakarin mo pa bukas requirements mo para makapag enroll ka na.) Inayos ko ang pinag inuman kong baso at hinugasan yon bago pumasok sa kwarto ko. Dito sa bahay ni lola may desente akong kwarto, kesa ang kwarto ko sa bahay nila mama pagkalipat kasi naman don dati yong imbakan ng mga abubot nila mama mga gamit lumang gamit na wala ng gamit. Ako pa naglinis non para may kwarto ako na magamit, halos ilang linggo akong nag tyaga na matulog sa sofa bago ko nalinisan lahat yon. Di kasi ako paburitong anak kaya wala akong choice kundi ang kunin ang matitira sakin. Bawal akong mag inarte, dahil wala naman magagawa yon. Pinalpagan ko muna ang higaan bago ako nahiga. "Kaya mo to, marami pang nagdaan sa buhay mo na mas malala sayo. Ngayon ka pa ba susuko?. "Sabi ko sa sarili ko. Matatapos din lahat to mapapakita ko rin sakanila na kaya ko kahit wala silang naitulong sakin. Papahalagahan ko nalang ang taong sumusuporta sakin. At si lola lang yon di ko na kaylangan humingi ng ano mang pagmamahal sa pamilya ko. Tumayo ako uli at nagpalit ng damit tumingin Pa ako sa whole body mirror ko sa kwarto. Ang lake ng bilbil ko. Kaylangan ko naring wag kumain ng marami dahil baka di na magkasya sakin ang mga damit ko na pinag liitan nalang rin ni ate. Pagkatapos non at natulog narin ako. Kinaumagahan Nagising ako sa ingay ng manok ng kapit bahay. Tumayo ako at dumeretso sa cr at naligo may hinanda na ako kaggabi na damit sa cr para di na ako maghanap pa. Pagkatapos maligo ay di na ako nag abala na manuklay nandito naman na ako sa puder ni lola kahit di ako mag-ayos walang sisita sakin , walang mamando at walang mag iingay pag umaga. Walang magbibilang ng kasalanan ko. Dumeretso ako sa sala at naupo sa bamboo. Di kasi uso samin ang upuan bamboo set ang nilalagay sa sala. Ng marinig ko ang tsinelas ni lola "Sayn ika la nag paydto?. " (Saan ka lola pumunta?) "Iyan lang nanigid, at bumakal narin ako ning pandesal sa naglalako. "Itinabi ni lola ang walis at inilapag sa mesang bamboo. (Dyan lang nagwalis at bumili narin ako ng pandesal sa naglalako.) "Nagkape nayka?. " (Nagkape ka na ba?) "Oo na la. "Kahit hindi pa sinabi ko lang yon dahil magtitimpla sya ng kape ko kapag sinabi kong hindi at isa pa ayaw kong mag agahan dahil madami nanaman akong kakainin. Mas magandang kontrol ko ang pagkain ko. Plano ko kasing kumain nalang sa isang araw di ko alam kung pwede yong gawin pero di na kasi ako nakakaramdam ng gutom pero kain parin ako ng kain. Stress eating ba tawag don pero gagagawin ko nalang ang plano ko. "Naayos mo na ba lahat ng requirements mo?." "Oo na la, kompleto na ngamin. "Tumayo ako at kinuha ng laptop ko sa bag ko at bumalik uli sa sala at na naupo. (Ngamin=Lahat) "Yan parin ang gamit mo? Itinaw pa baga saymo kan ni kuya mo?. "May halong pag sisita ni lola sa laptop na gamit ko. (Ibinigay pa diba sayo yan ng kuya mo?) "Mmm di ko naman kaylangan ng bago, nagagamit ko panaman kasi la. " "Ang buhay talaga ay parang kalsada. "Problemadong sabi ni lola kaya nilingon ko sya. "Ngata man la? " (Bakit naman la? ) " 'Di mo maaraman kung sayn ika may paydtu kung di mo sisimulang mag agi'. Alam amo Shylin di man importante kung di ika magayon, di ika magalang, di ka payaba ng mga magulang mo. Ang importante ay alam mo sa isip mo kung sayn patungo ang buway mo."Pero kahit yon la di ko rin alam, kahit alam ko sasarili ko na lahat ng sinabi nyo ay ako lang ang tinutukoy, di ko parin talaga kilala kung sino at ano talaga ang papel ko sa mundo. (Di mo malalaman kung saan ka pupunta kung di mo sisimulang mag lakad. Alam mo Shylin di man importante kung di ka maganda di ka magalang, di ka mahal ng magulang mo. Ang important ay alam mo sa isip mo kung saan patungo ang buhay mo.) "San naman yan la nanggaling? "Pabiro na sabi ko kaya hinarap nya ako habang nasalikod ang ang dalawang kamay. "Wag mo nalang intindihin teka samahan mo nalang ako sa palengke....Mamalengke ako ng mga ibang kaylangan mo kulang ang mga gamit ko ide sa baluy ko. " (Ide sa baluy ko=dito sa bahay ko) "Shylin? Nakapag bihis ka na ba?. " "Tama na ata la tong suot ko. " "Magpalit ka magpapadyama ka sa palengke?. " "Di naman ako maganda para magbihis ng maganda at isa pa palengke lang naman yon la di fashion hallway, di naman ako gaya ng iba na mag susuot ng maganda para magpapansin lang sa mga lalake sa palengke. At wala akong damit na ipangpapalit ang liliit na ng damit ko rito at wala na akong ibang damit pa na idinala. "Kapag nasa puder ako nila mama palagi ako nalang sinisita pero sa puder ni lola nagagawa ko ang gusto ko at.... "Sige na tama na yang suot mo kahit anong suot mo naman bagay sayo. ".....Pinapayagan nya ko bagay na di sakin ginagawa ni mama. Lumabas kami para maghintay ng tricycle at pumunta na sa palengke. Extra Chapter "Shylin dito ka nalang magkwarto, patulong ka sa ate mo na maglinis ha?. " "Oo ma. " "Mauuna na ako sa trabaho. "Umalis naman na agad si mama pagkatapos nyang magpaalam sakin. Pinigilan ko naman si Ate na lumabas alam kong magpapaload lang sya para sa kapritsuhan nya. "Bakit?!. "Iritang sabi nya.. "Sabi ni mama tulungan mo raw ako na linisan yung magiging kwarto." "Ayst! Kaya mo na yan!. "Inis na sabi nya. *Blag At malakas na isinirado ang pinto. Kesa pilitin sya ay sinimulan ko na sa pagliligpit. Habang nag aayos ako ng gamit ay nakita ko ang isang picture frame, ako yung isang bata at meron pang isa.....possible bang sya yung bata na iniwan ako? Hayss ipinatong ko na yon sa cabinet. Dumaan ang araw at napansin ko nalang na nasa pinaka likod na yon. Inilagay ko lang yon don dahil yun lang ang picture ko dito sa pamilyang to. To be continued.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD