Chapter 5-Part 1

3153 Words
Bahay ni lola Shylin's POV Di ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko pero patuloy parin ako sa paglalakad. Tumigil muna ako para tignan kung nasaan na ako. Nasa tapat nanaman ako ng apartment na to. Di ko alam kung bakit nandito nanaman ako, kusa nalang naglakad ang mga paa ko at umakyet sa hagdan hanggang sa makarating ako sa rooftop. Lumapit ako sa dulo ng rooftop at naupo habang sumisipa sipa ako sa ere. Gusto kong tumalon pero di naman ganon kataas ang rooftop baka madama ko lang ang sakit ng pagkakalagapak ko. Unti unti nanamang tumulo ang luha ko pinunasan ko kaagad yon.. Walang magagawa ang mga luha ko para mabago ang mga desisyon ni mama. Dapat pala pinili ko nalang na manatili kay lola kesa mabuhay kasama sila. Kahit wala akong ginawang kasalanan ako palagi ang may kasalanan. Gusto ko pang mabuhay pero hindi sa ganitong paraan na parang kasalanan ko pa na nabuhay ako sa mundong to. Nagpalipas ako ng oras dito sa rooftop hanggang sa napagdesisyunan kong bumaba na. Ramdam ko na may kasabay akong bumaba kaya binilisan ko ng kaunti. Hanggang sa paglalakad ko ay may nakasunod parin sakin. Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko at di na pinansin yon. Ng makarating ako sa tapat ng bahay ay nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako kung hindi. Pero nandito na ako bahala na. Huminga muna ako ng malalim at binuksan na ang gate at dumeretso ako sa tapat ng pinto at binuksan din yon. Walang tao dito. Tumingin ako sa wall clock at umaga na pala. Wala akong tulog. Pumasok agad ako sa kwarto ko at nag impake na.Inilibot ko ang paningin ko sa buong parte ng kwarto ko di ako emosyonal na tayo pero nalulungkot ako. Palagi naman. Alam ko namang di na mababago lahat ng nangyari. Pagkatapos mag impake ay naligo na ako at nagpalit ng uniporme. Plano kong mauna ng pumasok sa school , ayaw ko silang makasabay. Lumipas ang oras at natapos na ako sa lahat gagawin ko, lumbas na ako ng bahay at nagsimula ng maglakad. Naramdaman ko uli na may sumusunod sakin kaya binilisan ko ang paglalakad. Gusto kong lumahanghap ng sariwang hangin pero may mabalis na motor na umandar kaya agad akong napatakip ng bibig at ilong dahil sa inalabas na usok nito. Naalala ko naman ang sumusunod sakin kayaagad ko syang nilingon may kung ano syang kinukuha sa bag nya kaya agad akong patakbo na tumago sa isang pader at inabangan sya. Kinuha ko rinang cutter ko sa bag. Ng makita kong sumunod na sya sakin ay agad akong lumapit sa likod nyaat idiniin ang cutter na hawak ko. Dineny nya pa na sinusundan nya ko kaya hiningi koang ID nya at laking gulat ko ng binasa ko. Pagkatapos ng nangyari ay sumunod sya sakin at sinabayan nya ako sa paglalakad. Ang daldal nya. Ganito rin ako kapag may kasama akong iba pero kapag sya ang kasama ko nabwibwisit ako sakanya. Pero natigilan ako sa huling tanong nya. Paano ny nalaman na gusto kong laptop? Gusto ko syang komprontahin pero ayaw ko syang makausap pa. Tama na yung meron akong maipagmamayabang kay Jenet na nakasabay ko sa paglalakad si Louis. Pinalayo ko sya sakin. Gustong gusto ko ring magkaroon ng kaibigan lalo na ng kaibigang lalaki pero natatakot di dahil sa lalaki sila pero kasama na ata yon pero may isa pang dahilan baka di nila matanggap na puro pagpapanggap lang parati ang ipinapakita ko. Masaya ako pero nagtatago ako sa lungkot , nakangiti ako pero sa loob loob ko nagdadalamhati ako. Iniisip ko na baka ang turing lang nila sakin ay isa lang topic sa pag uusap nila. Oo takot ako na maging mag isa Pero kaylangan kong mag panggap palagi na masaya para di ako layuan ng iba. Ramdam ko parin na nakasundo sya sakin Pagkarating sa school ay nasa likod ko parin sya pero naaagaw ang atensyon ko ng may sumigaw ng pangalan nya kaya napalingon ako sa gawi nya at nagtagpo rin ang paningin namin, nakita ko rin ang nakaakbay na babae sakanya kaya binilisan ko na ng paglalakad ko ay pumunta na sa room. "My ghad! Mapapaalis na pala sya!? Hahaha. " "Tagala Dena?. " "Yeah, nakausap ni mom ang principal at mapapa alis na nga sya dito. " Dinig kong pag uusap nila. Halata naman na ako ang pinag uusapan nila , alangan naman na di ako natamaan ng bato kahit sapul na sapul sa ulo ko. Narinig ko ang nagbulungan sila bago ko naramdaman ang paglapit nila sakin. "Shylin are you okay?. "Jenet "Oo bakit mo naitanong?. "Sarap mong hampalusin ng sapatos sa mukha. Eto ka oh ? Pero hanggang salita lang naman ako sa utak ko. "Nabalitaan kasi namin na mapapaalis ka na, I mean na madro drop out ka. "Dena. Ganun pala ang pinalabas ng principal na yun. "Oo, Sa Ligao na ako mag aaral ngayon. " "Talaga? good! I mean good for you.. "Geny "Bakit gusto mo rin bang mag aral sa Ligao?."Kumunot naman ang noo ni Geny at tumingin pa sa mga kaibigan nya. "Ofcourse! No.... Kasi I'm comfortable here at may mga kaibigan ako dito. "Tumango tango naman ako. "Good for you."Kaibigan mong plastik din sayo? Di lang naman ako ang binabackstab nila. Kapag wala si Jenet topic sya nila Geny at Dena di naman ako nakikisali at sumasang ayon nalang ako. Kapag wala naman si Geny topic sya nila Jenet at Dena ganun din ang ginagawa ko tumatango at sumasang ayon. At kapag wala si Dena topic sya ni Jenet at Geny. Kapag nagsama sama naman silang tatlo ako ang topic nila. Anong sinasabi ngayon ni Geny na kaibigan? Baka backstaban. Nagsimula na ng klase at natapos na ang mga subject na di ko alam kung ano. Tinawag din ako para mag define ng kung ano ng teacher namin sa math pero di ako nakasagot, wala naman na akong pake kung bumagsak ako sa subject nya aalis na naman ako dito. Makalipas ng isang minuto ay breaktime na. "Shylin tara na?. "Aya sakin ni Jenet papunta sila sa canteen. "Pupunta pa ako sa dept ng adviser natin. " "Ahh okay, teka pwedeng pasabay nito. "May kung ano syang hinalungkat sa bag nya at iniabot sakin, inabot ko rin yon. "Attendance yan for whole week. " "Sige ibibigay ko."Ngumiti naman sya. "Thanks una na kamin. "Ngumiti rin ako at tumango. Ng tinalikuran nila ako ay agad akong sumibangot at inilapag ang ibinigay nyang attendance notebook. Wala na akong nagawa kundi ang tumayo at pumunta sa dept. Ni madam. "Goodmorning to all. "Nakangiting sabi ko at nginitian din ako ng ibang teacher. Ginawa ko na nag pakay ko at pumunta sa desk ni madam. "Ipinapabigay ni Jenet madam, at gusto ko lang po kunin ang requirements ko. "Kumunot naman ang noo ni madam. "Why? What requirements?. " "Mag dro-drop out na po ako madam, itratransfer po ako ng mama ko sa school sa ligao. " "Huh? Di ako na inform. "Gulat na sabi nya habang nagtataka sa mga sinabi ko."Teka nung pinage ang pangalan mo? Kahapon ?."Tumango naman ako."Nabiktima ka ba nya?. "Kumunot naman ang noo ko, may alam ba sila?. "Isabi mo sakin ang totoong mga sinabi ng principal sayo."Wala naman akong nagawa kundi isinabi sakanya lahat ng nangyari. "Mas okay po madam na umalis na ako. " "Are you sure? Magagawan pa natin to ng paraan, hihingi ako ng tulong—" "Okay lang po talaga madam, di na po kaylangan. "Tumango nalang sya, pinaghintay nya muna ako saglit bago nya iniabot sakin ang requirement ko."Mauna na po ako. "Tumango nalang sya. Nauna na ako na mag lakad at dumeretso sa banyo. Wala naman ibang matambayan sa school kundi ang cubicle dito. "Alam mo mas bagay ang ipit sayo na ganyan kesa kaya Shylin, feeling nya naman ang ganda nya sa ipit nyang yon! Pwede na ngang landingan ng eroplano ang noo nya!. "Psh Dena. "Salamat! Wala ng magpapaplibre sakin!. "Sigaw ng kung sinong pumasok sa loob ng cr. Geny "OA mo! Aalis lang naman, diba sinabi nya satin dati may lola sya sa ligao, baka namatay kaya naghirap sila."Nakumos ko naman ang hawak akong envelop sa sinabi ni Dena. "Oo tapos di na talaga sya mag aaral! Baka umaasa lang naman sila sa lola nya na mayaman! Buti nalang at namata—" *Blag! Malakas na bukas ng pinto ng cubicle kung nasan ako. Di ko na napigilan ang sarili ko. "Shylin? Kanina ka pa ba dyan?." "Matatanggap ko pa na pwedeng landingan ng eroplano ang noo ko pero ang pinapatay nyo ang lola ko sa pag uusap nyo!? Di ko yun matatanggap. "Agad kong hinawakan ang buhok ni Jenet at inilublob sa alibabo binuksan ko ang gripo. At inilapit ang mukha nya don. "Shylin! Itigil mo na yan!!."Naramdaman ko naman ang paghawak sakin nila Dena at patapon akong inalis sa pagkakahawak ko kay Jenet. "Pasalamat ka Jenet! Kahit ganyan ang turing nyo sakin, isang topic lang sa kwentuhan nyo di ako gumanti sa inyo! dahil turo yan ng lola ko na pinapatay nyo!. Pero dinamay nyo ang taong nagturo non sakin! Kaya di ko na napigilan na gumanti sa inyo! Mga Tangina nyo!."Kinuha ko ang requirement ko na nahulog na sa lapag at nauna ng umalis. Kaya pala palaging nakikipag away si ate, masarap pala talaga sa pakiramdam kapag nakakaganti ka. Natigilana naman ako sa paglalakad ng tumunog ang paging sound. "Good morning students of Prañia Gerald.....Ehem! Gusto ko lamang papuntahin si Jenet Kulam sa room 1 , Section 1 sa building First year Senior high school, someone will gonna confess a feeling for you! So kung naririnig mo to I repeat.... " Pinagpatuloy ko uli ang paglalakad ko. "Parang boses ni Zoely, yung bestfriend ni Louis!. "Narinig ko pang sabi ng babaeng nadaanan ko. Inutos nya ba yon sa kaibigan nya? Ganon ba sya kadesperado? Dumeretso ako sa room at kinuha ang bag ko. Wala na akong planong hinatayin pa si mama sa room. Mag c-cut nalang ako ng class. Wala naman silbe kung papasok pa ako eh aalis lang naman ako. "Shylin. "Tumingala naman ako dahil nakayuko ako habang naglalakad."Nandito na si mama, nasa office na sya kinakausap ang Principal. "Walang ganang sabi ni ate. Tinig ko pa ang mga kasama pa syang ibang babae marami sila pero yung iba nasandal sa pader ng hallway , nakaupo naman ang iba sa sahig."Ahhh... Mga kaklase ko, kaibigan ko yung iba galing sa ibang section ."Napansin nya ata na nakatingin ako sa mga kasama nya. "Mmmm.."Paano nya nagagawang makipagkaibigan? "San ka pupunta? Bat dala mo bag mo? Mag c-cut ka ba? Sumama ka nalang samin, basta wag mo nalang isabi kay mama. "Tumingin muna ako sa kasama nya. "Aalis din ako agad. " "Ikaw lang bahala. "Nauna na syang naglakad kaya sumunod na ako agad. Nakasunod lang samin ang mga barkada nya. "San ba kayo pumupunta kapag nag c-cut kayo?."Di ko napigilan na mag tanong dahil, himala na para sakin na kinakausap nya ako ngayon. "Minsan sa mall, minsan naman sa......Likod ng building, don. "Lumapit naman sya ng kaunti sa teynga ko. "Kapag di ko sila kasama sa lab ako natutulog. "Tumango tango naman ako. "San tayo pupunta?. " "Sa tree house. " tree house? "Nandito na tayo."Nandito kami ngayon sa likod ng building, madamo at maraming dahil ng niyong sa pader."Dito ka tumingin. "Tinignn ko muna si ate bago tumingin sa itinuturo nya. Pader. Inalis nya ang mga dahon niyog na nakasandal sa pade na kaharap namin. Unti unti ko nakita ang butas ng pader. Hanggang sa natanggal nya na lahat ng dahon. "Welcome to the world of para c-cutting!....pasok ka. "Nag aalangan pa ako pero ginawa ko din ang sinabi nya. Napa wow nalang ako ang daming studyante dito kumpara sa pumapasok sa school. "Ang ganda diba?."Ngayon alam ko na kung bakit gustong gusto nilang mag cut ng classes. May mga tindahan dito at malinis din, may mga bench din. "Matagal na ba tong nandito?. "Tanong ko habang naglalakad kami. "Oo mga mayayaman na gangster may ari ng lote na to pinatayuan lang mga tindahan.....di to pinapaalis ng principal dahil bayad sya ng mga gangster dito.....kurakot talaga. " "Don muna kami tatambay. "Paalam ng mga kasama ni ate. "Ge.....Don tayo sa loob ng tree house. " "Nasan ba yon?. " "Yun. "Turo nya sa isang bahay na nakadikit sa puno, kumbaga parang ginawang pader ng bahay ang puno na yun. "Hindi naman sya totally na tree house dahil di naman nasa puno ang bahay pero katabi sya ng puno kaya napagkatuwaan ng mga gangster na yon na tree house ang tawag. "Pagkapasok namin ay may mga lamesa at bawat lamesa ay barnish ang kulay pati ang bangko. Ang buong parte ng lugar ay parang makaluma. "Pansitan to pero ang may ari nito ay si ..ate Linda , kaya Linda's pansitan ang pangalan nito . Tree house ang pangalan ng buong lugar na to pero iba ang pangalan ng mismong treehouse."Umupo naman kami "Gusto mong mag pansit?. " "Hindi na—. " "Magsisi ka ang sarap pa naman ng pansit dito. " *kruuuu "Pati yung tyan mo nag mamakaawa na sayo. "Di naman pala ako kumain kanina."Papaluto lang ako. "Tumayo naman sya at lumapit sa counter. Bumalik na rin sya agad. "Kilala mo ba yung mga gangster na may ari ng lote?. " "Mmm oo yung iba dito sa mga barkada ko anak ng mga gangaster dati sa school kaya kilala ko na rin ang may ari nitong lote, pinakilala kasi nila ako, ng mga barakada ko sa mga magulang nila ."Sumangayon nalang ako. Paglipas ng ilang minuto ay nandito na agad ang in order ni ate. May kung ano ano naman si ate na nilagay sa pansit nya. Mga sangkap ata. "Di ka mag lalagay nito?. "Pano ba maglagay nyan?. "Humalakhak naman sya. "Ako ng maglalagay sayo. "Sabi nya habang ngumingisi parin. Isa isa nyang inilagay lahat ng sangkap. "Tikman mo na. "Kinuha ko naman ang kutsara at pinuno yon ng sabaw. *oho *oho! "Ang anghang!"Hiyaw ko "Ay! sorry!."Inabot agad sakin ni ate ang baso na may lamang tubig at agad ko yung ininom."Di ko alam na di ka pala mahilig sa maanghang. "Ng kumalma na ang lalamuna ko ay saka ako nagsalita. "Okay lang, pero masarap naman. "Humigop uli ako pero naanghangan muli ako kaya uminom uli ako ng tubig. "Tanga... Ito nalang sayo. "Ipinalit nya ang mangko naming dalawa. "Di ko pa to nalalagayn ng sili. "Sinimulan na naming kumain. Pagakatapos kumain ay lumabas na kami ng treehouse. "Di ka nagbayad?. " "Ahh parte ka na rin kasi ako ng gru—"Natigilan naman sya. "Anong grupo? ." Nilingon nya pa ako at tumingin uli sa ibang direksyon."Wala ....." "Ate—"Di ko naman natapos ang sasabihin ko ng marinig ko na pinage ang pangalan ko. "Dibale na, mauuna ako."Tumango nalang sya. Tumakbo agad ako hanggang sa makarating ako sa loob ng school. Malapit na sana ako sa office ng may tumawag sakin. Napahinto agad ako sa paglalakad at nilingon kungsino yon. Nakita kong nahihirapan sya sa pahinga, lalapitan ko sana sya kaso bigla syang umayos ng tayo kaya nanatili lang ako kung nasan ako. Unti unti naman syang lumapit sa pwesto ko. Nagtaka ako sa tanong nya dahil di ko maintindihan ang sinabi nya. Pumasok naman sa isip ko ng sinabi nya kung ano ang ipinupunto nya. Napa "ahhh" nalang ako at tumingin sa ibang direksyon para mag isip ng isasabi sakanya. Alam kong masasaktan sya sa sasabihin ko pero ito lang ang paraan para layuan nya na ako. Tinalikuran ko na sya pero pumunta sya sa harap ko kaya wala akong ibang nagawa kundi ang harapin sya. Nakita ko pa ang pag hinga nya ng malalim bago tumingin ng deretso sa mga mata ko. Di ko mabasa ang mga mata nya, gusto kong tumingin sa ibang direksyon pero parang ayaw ng mga mata ko. Gusto? Anong ibig sabihin nya don? Nakilala ko agad ang boses ni mama kaya di na ako nag abalang lumingon. Nakatingin parin ako ng deretso sa mga mata nya habang nag papaalam ako kay mama. Pagkaalis ni Mama ay nag Cross armed ako at magkasalubong ang kilay ko. Di ko na mapigilan na mainip kaya nagtanong na ako. Nagtaka ako sa tanong nya dahil parang di ganon ang sasabihin nya pero sinagot ko nalang sya. Bahala na at to too naman na wala syang mababago tinalikuran ko na agad sya at ng medyo malayo na ako ay tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa gawi nya. Naglalakad na sya papaalis. Merong parte sakin na nag-guilty pero yun lang ako paraan para tigilan nya na ako. "Pasensya na... "Tanging naibulong ko nalang at nag tuloy tuloy na sa paglalakad. Gumagawa tayo ng mga bagay na di nakakabuti satingin ng iba, pero yun talaga ang paraan para mas mapabuti sila. Alam ko sa sarili ko at kutob ko rin na may gusto sakin si Louis... Relax kutob lang nga diba?. Kung wala man edi kalimutan nalang na nasabi ko yon. Dumating na rin agad ako sa tapat ng gate at nakita ko ang guard na nagbabantay. Ngumiti pa sya sakin pagkalabas ko mg gate ay nakita ko sa mma nasa tapat na sya ng tricycle na maghahatid sakin sa ligao. Nakakabit narin ang mga bagahe ko sa likod non. Ng napansin ako ng mama ay pumasok na sya sa loob ng tricycle kaya pumasok na rin ako. Magkatabi kami. "Sino yung kausap mo kanina?."Hindi ko nilingon si mama at nakatingin lang ako sa labas ng tricycle habang umaandar. "Kakilala. " "Galit ka pa rin ba sakin? Alam mo namang ginagawa.... "Ko to dahil ito ang makabubuti sayo.... Tuloy ko ng sasabihin nya sa isip ko. Narinig ko narin yan 12 years from now. "Naiintidihan mo ba ako Shylin?." "Mmmm. "Sabi ko nalang kahit wala ako ni isa na narinig, mas mabuting wala akong narinig o natandaan sa mga sinabi nya. Lalo lang sasama ang loob ko. Lumipas ang oras at marami na kaming barangay na nalamapasan.....at nandito na nga kami sa barangay kung saan ako lumaki. *Screeeetchhhh Dinig komg preno ng driver. "Idi na tabi kita "Nilingon ko naman si mama....tulog di ko na sya ginising pa. Nagpatulong ako kay kuya Gin ibaba ang mga bagahe ko. "Kuya Gin pakihatid nalang si mama sa bahay, wag mo syang gisingin sabihin mo na nandito na ako at saka tatawag din ako sakanya. "Nakapaymewang si Kuya Gin habang kausap ko sya. Kapitbahay namin sya at kumakayod sya bilang tricycle driver. "Sigurado ka? Baka ako pag initan nyang nanay mo ang daldal pa naman nyan. " "Ang lahat ng maingay na hayop tumitigil din kapag pagod na kuya, ibalato mo sako kadi. " "Dami mong alam manang mana ka sa ina mo sige sige... Mag iingat ka digdi. "Tumango nalang ako. Pagkatapos nyang magpaalam ay hinarap ko na ang bahay ni lola. Wala paring nagbabago.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD