Louis POV
"Ikaw ba si Loren?. "Pag uulit nya pa. Nakatuon lang ang tingin nya sa gawi ni Loren.
"Bakit? Anong kaylangan mo sakanya?." Tinignan ko naman si Zoely naka cross armed at deretso ring nakatingin sa kapatid ni Jenet.
Di ko rin alam kung anong kaylangan nya kay Loren. Tumingin uli ako sa gawi nya.
Di naman sya lumingon kay Zoely at deretso paring nakatingin kay Loren na nakatingin din ng deretso sakanya."Pinapatawag ka ng teacher......"Tumingin pa sya sa ibang direksyon at nag isip. "Ehem!.... Basta pumunta ka nalang sa English Dept. pinapatawag ka ng isang teacher don. "Tinalikuran nya na kami agad pagkatapos nyang sabihin yon.
Nagtinginan pa kaming tatlo maliban kaya Loren na nakatingin parin sa babaeng yon na naglalakad paalis.
"Hayst! Pigilan nyo ko! Sasampalin ko ya—"Magalalakad sana si Zoely papalapit kaso napansin nya na di namin sya pinipigilan kaya paatras syang bumalik papunta muli sa pwesto namin."Bakit di nyo ko pinipigilan?. "
"Di mo sya kaya.... "Sabay sabay naman kaming nilingon si Loren na nagbabasa nanaman.
"What did you say?. "Nang hahamon na usal ni Zoely .
"Mauuna na ko. "Tanging sagot nalang ni Loren at nauna ng naglakad.
"Hayy!!!! Talo nanaman! Bakit puro pabuhat ang nakukuha ko!. "Nagtinginan nalang kami ni Zoely at nauna ng naglakad.
"Hoy! Hintay matatalo ako! Weyt!. "Dinig naming usal ni Domson pero di na.min sya pinakinggan.
Nakarating narin kami sa room at buti wala pang teacher.
"Teka nga pala, okay na ba kayo ng ex mo?. "Nilingon naman ako ni Zoely pagkatapos nyang ibinaba ang bag nya.
Naupo sya sa desk ng upuan nya habang hawak ang phone nya."Yeah, were fine. Bestfriend na kami and may boyfriend na sya ngayon kaya naka move on na agad sakin. "
"That's good. "
"Yeah that's really, really good. Sya lang kaya ang ex ko na naging kaibigan ko ."Tumingin pa sya sa gawi ko ng sabihin nya yon.
"You? Sino yung babaeng tinitignan mo kanina ha?. "
"No one... Wala naman akong tinitignan na babae at andaming babe sa campus alangan naman na tumingin lang ako sa isa. "
"You can just say 'wala' ba't ang dami mo ng sinabi?. You can really caught a fish by their mouth. "Sarakstiko na sabi ni Zoely habang tumatango.
"I don't care if you believe me or not."Tinignan nya pa ako habang nakangisi. "Wala nga. "Nakangisi din na usal ko.
"Tumatawa may gusto nagagalit totoo. "Pakanta na usal ni Domson.
"Bahala kayo dyan. "Tanging naisagot ko nalang.
Makalipas ng isang minuto ay wala pa rin si Loren, dumating na ang pangalawang teacher namin at sumunod naman sya don.
Tinignan ko naman sya saglit."San ka galing?. "Bulong ko sakanya habang nakatingin sa teacher namin.
"Sa Dept. "Di naman ako kumbinsido pero nakinig nalang ako sa teacher namin.
"That's all for todays lesson, just wait for your next subject teacher to come at wag kayong mag lalabas at mag iingay. "
"YESSSSS MAAAAMM. "
"San ka ba galing?. "Tanong ko uli kaya nilingon nya ako at tumingin uli sa librong hawak nya.
"Sa dept. Nga. "
"You're not convincing. "
"Basta... Nandyan na si madam. "Kumunot naman ang noo ko dahil sa ikinikilos nya ngayon pero di ko nalang pinansin at hinayaan ko nalang na lumipas ang oras.
At breaktime na.
"Mauna na kayo mag ccr muna kami ni Louis. "
"Sana oll sabay ang sched ng pag cr. "Pagpaparinig ni Zoely habang may ka chat sa phone.
Kahit nagtataka ay sumunod parin ako Kay Loren at pumunta nga kami sa cr.
Short POV of Zoely
Ng naramadaman kong malayo na sila ay agad kong ibinulsa ang phone ko."Let's follow them."Agad akong naglakad at sumunod sakanila.
"Teka bakit natin sila susundan?. "
"They seemed off, parang may tinatago sila satin. "
"Tama ka sundan na sila. "Nilingon ko naman si Domson naglalaro parin sya mg game kaya inagaw ko amg phone nya at pinawer off.
"Stop playing!."Agad naman syang nag pout .kaya ibinigay ko ang phone nya pabalik sakanya.
"Mananalo na kami eh.."Naluluha pa kunwaring sabi nya. Di ko nalang sya pinansin at nag derederetso na sa cr kung saan pumunta sila Louis.
Halata naman na nilock nila. Idinikit ko ang teynga ko sa may pinto dininig ang pinag uusapan nila pasalamat nalang ako at may pagkamatalas ang ko pagdating sa gossiping.
O sadayang manipis lang ang pinto dahil plastic lang yon.
Kita ko rin na ganon din ang ginawa ni Domson kaya nagsimula narin kamimg pakinggan sila. "
Jenet Kulam?
Nagtinginan pa kami ni Domson ng marinig namin ng sinabi ni Loren.
Nakinig pa kami bago ko napag desisyunan na umalis na dahil malapit na matapos ang breaktime sa tagal nalang mag usap.
"Let's go. "
"Were? Saan? Kaylan?. "Sunod sunod na tanong ni Dom sakin.
"Sa paging room , I have plans. "Mabilis kaming pumunta doon.
Continuation of Louis POV
Tinignan nya muna ang bawat cubicle kung may iba pang student at nilock nya ang pinto.
"What?. "Tanging naitanong ko nalang sakanya ng hinarap nya na ako.
"Dito tayo mag usap tungkol kay Jenet Kulam .......ang babaeng 'gusto mo'. "
"Psh... Kala ko kung ano na. Hinintay ko sya sa harap ng bahay nya kanina para sabay kami na pumunta rito sa school and my plan worked pero may distancing kaming dalawa. "
"Distancing?. "
"Pinapalayo nya ako sakanya. Maybe she's not really friendly. "
"Baka nga. "
"Teka bakit puro nalang ako. Aminin mo nga sakin san ka ba talaga pumunta kanina?. "
"Sa Dept. May pinaayos sakin na.....folder yung teacher natin. "
"Mmm. Pero may problema ka pwede mo namang isabi nandito lang kami. "Ngumisi naman sya at tumango.
"I know."Nag usap Pa kami tungkol sa kung saan pero hindi ko na isanabi sakanya ang napag usapan namin ni Jenet at tumingin ako sa oras.
Malapit ng matapos ang breaktime kaya lumabas na rin kami sa cr.
"Satingin hinintay pa tayo ng mga yon?."Nakapamulsang sabi ni Loren sakin.
"Di na at—"
"Good morning students of Prañia Gerald.....Ehem! Gusto ko lamang papuntahin si Jenet Kulam sa room 1 , Section 1 sa building First year Senior high school, someone will gonna confess a feeling for you! So kung naririnig mo to I repeat.... "
Nagtinginan naman kaming dalawa ni Loren at mabilis kaming tumakbo papunta sa paging room.
"How did Zoely new?. "Humahangos na tanong ni Loren habang tumatakbo parin kami.
Ng makarating kami sa tapat ng pinto ay nagbukas na yon ng kusa at unang lumabas si Domson na nakatingin ng masama saming dalawa.
Sumunod naman na lumabas si Zoely at ng makita nya kami ay nanlilisik ang mga mata nya na parang pinapatay na kami sa tingin.
"Zoely why did you do that?. "Hingal parin na tanong ko.
"Parusa nyo yon. Di nyo samin sinabi so parusa nyo yon! Let's go Dom. "Inirapan nya pa kami ni Loren at naka Cross armed na naglakad paalis.
Bigla naman akong hiningal. Di kasi ako sanay na tumakbo ng mabilis.
"Are you alright?. "Hinawakan pa ako ni Loren.
Tumango naman ako. "Yeah let's go. "Dahil ata yon sa biglaang pagtakbo ko.
Ng malapit na kami sa room ay tumigil sa paglalakad si Loren kaya tumigil din ako at nilingon sya, nakapamulsa lang sya.
"Are you gonna confess your feelings to her?."Kumunot naman ang noo ko at nag cross armed.
"No, and I'm sure she's not gonna come, I think she's not an attention seeker. "
"Are you sure?."Nilingon ko naman si Zoely naka Cross armed padin sya at nanlilisik padin ang mga mata nya habang nakatingin samin. "Nandito na sya nauna pa satin . Anong sinasabi mong di attention seeker?."Tinalikuran nya kami at nauna ng pumsok sa room nagtinginan pa kaming dalawa ni Loren at sumunod na din kay Zoely.
Marami na ring studyante na nandito nakikiusyosyo.
Ano pa nga ba dahil yung lahat kay Zoely.
Nakisiksik pa ako bago ako nakapasok sa loob ng room.
At nandon nga ang babaeng yon nakatayo sya sa harap ng upuan ko, nakatalikod sya. Ganon parin ang ayos ng buhok nya naka pabilog ang ipit ng buhok.
"So you are Jenet Kulam?. "Unti unti naman syang lumingon ng tanungin sya ni Zoely.
"Yeah, who's gonna confess to me?. "Nakangiting sabi nya. Nilingon nya pa ako, magulo ang pagkaipit ng buhok nya basa din ang uniporme nya.
"Louis Esteba—"
"Hindi sya yon. "Seryosong sabi ni Loren.
"What? Hindi sya yon? Are you sure Loren?. " Domson.
"I promise the President for nothing?. "Dismayadong usal ni Zoely.
Di ko naman sya pinansin at nilapitan ang babaeng to.
"Are you really 'Jenet Kulam'? "Pagdidiin ko pa sa pangalan na ibinigay sakin ng babaeng yon.
"Yeah here's my ID ." Ipinakita nya naman sakin yon at sya nga talaga .
Bakit sya nagsinungaling sakin?.
"Mag c-confess ka ba sakin? ." Binitawan ko naman agad amg ID nya. "Kahit wag na I'm gonna say yes naman... "Nakangiting sabi nya pa.
"No. "
"Why?. "Naluluhang sabi nya.
"Hindi ikaw ang babaeng yon, sorry sa abala. "
"Sino ang babaeng yon?!. "
"Di mo na kaylangang malaman pa. "Mahinahong sabi ko habang nakatingin ng deretso sa mga mata nya bigla namang tumulo ang luha nya at patakbo syang lumabas ng room.
Hinarap ko naman sila Loren na nakatingin din sakin maliban kay Zoely na nakatingin sa ibang direksyon.
Makalipas ng isang oras ay nagsibalikan na lahat ng studyanteng nakiki usyosyo.
Nagsibalikan narin kami sa sari-sarili naming upuan.
"Okay lang yan mga lods mahahanap din natin ang babaeng yan!. "Buhay na buhay na sabi ni Domson.
"Sino ba kasi ang babaeng yan?."Iritang sabi ni Zoely.
"Di rin nga namin alam. Actually di pa naman sigurado si Louis kung Jenet Kulam nga ang tooto nyang pangalan, nangialam na agad kayo. "Walang ganang sabi ni Loren.
"What ever, kundi dahil sakin di nyo naman malalaman na di nga sya yon!. "Zoely.
"Shylin Cereño Room 9 , Section 10 , Grade 11
come to the Principal's office right now....I repeat Shylin Cereño Room 9 , Section 10 , Grade 11 come to the principal's office.... Thankyou."
"Huh? Diba pinatawag din yan kahapon?. "Takang sabi ni Domson, nilingon ko naman sya tumingin nalang sa labas.
Iniisip ko kung bakit nya pa kaylangang gumamit ng ibang pangalan.
"Oo nga."Dinig kong sang ayon ng isang kaklase ko sakanya.
May mabilis naman na babaeng tumakbo sa labas ng sa room pero agad akong napatayo ng marealize kong sya ang babaeng tumakbo na yon kaya agad akong tumayo at patakbong lumabas ng room at hinabol sya.
Naramdaman ko naman ang unti unting pagsikip ng dibdib ko kaya tumigil ako sa pagtakbo at napahawak sa dibdib ko.
"Teka!!. "Malakas na sigaw ko dahilan para mapahinto sya sa paglalakad at mapalingon sakin .
Umayos ako ng tayo at unti unting lumapit sakanya.
"Bakit ka nagsinungaling sakin?."
"Saan?. "Nakakunot noong sabi ni Jen—ng babaeng to.
"Sa pangalan na ibinigay mo sakin. "
"Ahhh." Tumingin pa sya sa ibang direksyon at tinignan ako ng masama. "Satingin mo ibibigay ko talaga sayo ang pangalan ko?."Ngumisi pa sya na parang di makapaniwala." Sino ka ba para ibigay ko sayo ang pangalan ko?, at anong mapapala mo kapag ibinigay ko sayo?. "Tinalikuran nya naman ako kaya agad akong pumunta sa harap nya.
Huminga muna ako ng malalim bago ko sya tinignan ng deretso sa mga mata nya.
"Gusto—"
"Shylin? Anong nangyayari dito?. "Agad kong nilingon kung sino yon.
"Wala ma , pwedeng kakausapin ko muna sya Ma , bago tayo umalis. "Nakatingin sya sakin habang sinasabi nya yon.
"Sige bilisan mo lang, mauuna na ko sumunod ka nalang. "Pagkaalis ng Mama nya ay nag Cross armed sya at magkasalubong ang kilay na sabi nya.
"Anong gusto mong sabihin?. Bilisan mo."
"Gusto.....kong malaman kung bakit ka aalis ?."
"Wag mo nalang alamin, kung di mo naman kayang baguhin ang dahilan ng pag alis ko at kalimutan mo na ako. "Inis na sabi nya tinalikuran ako . Wala naman akong nagawa kundi ang panuorin nalang ang pag aalis nya.
Wala ako sa wisyo na naglakad papunta sa room iniisip ang mga sinabi nya sakin.
Bakit hindi ko kayang baguhin? Ano ba kasi ang dahilan?!
"Hayst!!!."Malakas na sigaw ko sa hallway at ginulo ang buhok ko.
"Mr. Esteban are you okay?. "Natigilan naman ako at umayos ng tayo.
"Yes sir I'm okay. "
"Gusto ko lang sabihin sayo na pumunta ka sa dept ko mamayang uwian. "Nag aalala padin na sabi nya.
"Okay sir. "
"Are you sure that you're really okay?. "Tumango nalang ako sakanya.
Pagkarating ko sa room ay dumukdok agad ako sa desk ko at di inintindi ang teacher na nagtuturo.
Di naman ako pinagalitan at pinagpatuloy nya ang pagtuturo nya sa classroom.
Pagkalipas ng isang minuto ay umalis na rin ang teacher sa room.
Umayos na rin ako ng upo pero tulala parin ako.
Iniisip ko kung paano ko malalaman ang dahilan ng pag alis nya.
"Hey, are you okay?..... Louis?."
"Ha? May sinasabi ka?. "Umiling iling naman si Loren.
"What happened bakit ka tumakbo kanina?. "
"Oo nga! Bakit ka tumakbo kanina. "Pakikisabat samin ni Domson.
"Kinakausap ka pa namin!."Inis na sabi ni Zoely
"Nakita ko kasi sya na tumakbo sa harap ng room kaya hinabol ko sya.... "
"And?. "Ikwinento ko naman sakanila ang buong detalye.
"So aalis sya? Papunta san?. "Magkasalubong na kilay na sabi ni Zoely.
"Di ko rin nga alam."
"Pero diba sinabi mi na alam mo na ang pangalan nya?. "
Tumango naman ako kay Domson."Mmm......Shylin ang totoong pangalan nya. "
"I already stalked her, wala syang profile sa sss account nya at wala na syang ibang account maliban sa sss, di rin sya high profile. "
"You know Louis just forget about her di lang naman sya ang babae sa mundo and di mo naman ata sya ganun kagusto diba?. Just stop thinking about that girl you're just wasting you're time. "Naramdaman ko pa ang paghawak ni Zoely sa balikat ko at bumalik narin sya sa upuan nya.
Dumating na rin kasi ang teacher namin. Wala pa rin ako sa wisyo para makinig.
Dahil sakanya.
"Wag mo nalang alamin, kung di mo naman kayang baguhin ang dahilan ng pag alis ko at kalimutan mo na ako. "
Mas mabuti bang kalimutan ko nalang sya?
Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa teacher namin.
"Alam nyo class may naalala akong kwento, tungkol sa lola ko isang araw may nagpadala ng letter sakanya, inamoy nya muna bago buksan kasi dati class kapag may manliligaw sayo kapag papadalan ka ng letter mabango daw yon sabi ng lola ko, mas romantic no?!. "
"Oo nga madam!. "
"Sana oll nalang!."
"Shhhhh! Tahimik!, kase ngayon puro ambabaho ng panliligaw! Sa cellphone kayo nag liligawan pero ang to too parehas lang kayong naghahanap ng bagong liligawan diba? Tama ako?. "
"Awwww madam naman eh!. "
"Tsk tsk..... Sige ipapatuloy ko na...Pagkabukas nya ng letter may tula don, tungkol sakanya maikli lang..... Ang sabi sa tula ay, " Unang tingin ko palang sayo , balahibo ko'y tumayo". Tumigil saglit ang lola ko, nagtaka daw sya bakit tumayo ang balahibo? Mukha ba akong multo non?."Nagtawan naman ang mga kaklase ko pero wala ako sa mood na makitawa. "So ipinapatuloy nya ang pagbabasa. 'Dahil sa kagandahan mong parang rosas na ka'y ganda, Kinilig naman ang lola ko, ang sunod na linya. 'Sana kahit sa tula ay maipadama ko sayo ang aking nadarama sinta'. At yon sya na ngayon ang lolo ko. Nainlab ang lola ko dahil sa tulang isinulat ng lolo ko para sakanya."Bigla nalang may tumaas ng kamay.
"Madam anong konek nyan sa subject natin?. "Si Domson.
"Good question Domson! Gagawa ka ng tula o spoken poetry tungkol sa pag ibig. "
"Ala madam! Ako lang?. "Nagtawanan naman uli ang mga kaklase ko.
"Tanong ka kasi ng tanong!. "Pang aasar ng isang kaklase namin sakanya.
"Lahat kayo gagawa, sige na, tapusin yan ngayon ."Kumuha naman ako ng isang pad ng papel.
"Madam sa one whole?. "
"Hindi sa notebook syempre sa one whole!. "Sarkastikong sabi ni madam.
"Tama na ang daldalan Rica! Ashley gumawa na kayo!. Ikaw rin sim! Gumawa na kayo!. "Pangsisita ni madam sa ibang kaklase namin.
Makalipas ng isang minuto ay natapos na rin ako sa pag gawa kaya pinasa ko na.
"Tapos ka na agad Louis? Ang bilis naman. Mukhang inspired ka ah "Pang aasar pa sakin ni madam. Binasa nya muna at pagkatapos ay iniabot sakin."Medyo bitter, pero okay na rin, basahin mo sa harap... Para mas inipired yan mga kaklase mong expired na ang utak. Ikaw palang ang unang nagpapasa tsk tsk tsk.....Makinig kayo kay Louis! Para mainspired naman kayo....Sige na basahin muna. "Gumita naman ako at umayos ng tayo, inayos ko din ang boses ko bago magsimula.
"Hakbang papalapit sayo" Basa ko sa pamagat at tumingin sa mga kaklase ko, nakatingin silang lahat sakin , hinihintay ang sunod na babasahin ko.
"Kada hakbang ko ang paglayo mo
Hindi ko kaya na tumakbo
Kung ikaw ay lalayo
Mas magandang gawin ko ang gusto mo
Ang dumistansya sayo" Napa awwwww naman ang ibang kaklase ko samantalang sila Loren, Zoely, Domson ay parang nag aalala sa sinulat ko.
"Nakasabay na kita sa paglalakad
Ngunit utak ko ay makupad
Di ko mukaha ang mga linya na binibitawan mo
Kaya ako'y pinalayo mo
Kaya ngayon kada hakbang ko ang paglayo mo"
"Ang gusto ko lang naman ay mapalapit sayo
Ngunit hindi ko makuha ang gusto mo
Papalayo ka ng papalayo
Dito sa distansyang ibibinigay mo
Di mo ba napapansin na iniiwan mo na ako?"
"Wala na ako akong magagawa pa
Paghakbang ko ay wala ng silbi pa
Bawat lakad mo kasi ay parang isang distansya
Hinding hindi na kita maabutan pa
Kahit ang hakbang papalapit sayo ay wala ng kwenta."
*clap clap clap
"Ang sabi ko kumuha kayo ng idea! Di mangopya!. "Inabot ko naman uli kay madam ang papel at bumalik na sa upuan.
"Ang ganda ng tula na ginawa mo. Halatang bitter ka. "Nilingon ko pa si Loren nagsusulat pa sya ng tula.
Di ko nalang sya sinagot.
Mga ibang minuto ang lumipas ay natapos din ang subject namin, sumunod din ang ibang subject pero parang dali lang natapos ang oras at uwian na.
"Di ba tayo tatambay sa mall?. "
"Mauna na ko, pupunta pa ako sa office ng adviser natin. "Paalam ko sakanila.
"Ahh sige. "Pag sasang ayon nila sakin kaya nauna na akong umalis at dumeretso na sa dept. Ni Sir. Roblen. Papasok sana ako ng makita kong may kausap pa sya kay naghintay muna ako sa labas.
"Sir nabalitaan nyo ba yung student na nabiktima nanamn ng principal?. "
"May nabiktima nanaman ang bugnutin na lalaking yon?. "
"Oo sir Grade twelve senior, actually student mo sya, Shylin Cereño ba ang pangalan?, Oo ."Natigilan naman ako.
Possible bang sya yon?
"Grabe na talaga yang principal na yan—!."Di ko naman napigilan ang sarili ko at pumasok na ko sa loob.
"Sir please help her. "Nakita ko namang pakagulat nilang dalawa sakin.
"Mr. Esteban, kanina ka pa ba dyan?. "Tumango naman ako.
"Please sir tulungan nyo po ang kaibigan ko para makabalik sya dito sa school. "
"Mr. Esteban di ganon kadali yon, kung irereport natin sya ay kailangan ng mga ibedensya. "
"I can get evidence. "
"Are you sure Mr. Esteban?."
"Yes sir. "I will prove to you Shylin that you're wrong, na kaya kong baguhin ang dahilan ng pag alis mo. I promise that I can bring you back.
Di ko alam kung bakit ginagawa ko to pero dahil sayo parang may kaunting parte sakin na nagbago..
To be continued