Part 1 Little Change
Louis POV
Bigla nalang akong bumalik sa ulirat ng umalis na ang trycicle.
Hinarap nya ako at pinaghintay sa labas ng bahay nila.
Di ko alam kung bakit pero ginawa ko pa rin. Ngayon ko lang napansin na malapit ang bahay nya sa apartment na inuupahan ko.
"Hoy! Sino ka?. "Nilingon ko naman kung sino ang tumawag sakin.
Naka pamewang sya. Di pantay ang medyas nya , mataas ang ipit ng buhok, di nakaayos ang neck tie at magkasalubong ang kilay nya.
Medyo kamukha nya rin ang babaeng yon. Kapatid nya ata.
"Pinaghihintay ako ng k-kapatid mo rito. "Di ako sigurado kung kapatid nya yon kaya kinabahaan ako ng kumunot lalo ang at humawak pa sa baba nya.
"Isa lang naman ang kapatid ko na di nagpapasok sa bahay. Pasok ka. "Ginawa ko din ang sinabi nya at sinundan sya papasok."Upo. "Naupo din ako sa sofa. Pinagmasadan ko naman ang loob ng bahay nila, may mga family pictures din pero kaunti lang ang nakasabit sa ding ding. Wala din syang picture dito.
May marinig naman ako nagbukas na pinto kaya nilingon ko yun at agad akong napatayo.
Tinanong nya agad ako kung bakit ako pumasok, di ako nakasagot dahil inunahan ang mga ate nya. Nakasagutan pa sila bago nya ko hinila palabas ng bahay nila.
Humingi naman ako ng tawad sakanya pero ang sinabi nya lang ay 'Wala kang nakita' Habang nakatingin sa ibang direksyon.
Di ko na napigilan na mag tanong. Nag tataka ako kung bakit ganun ang sinasabi nya.
Imbes na sagutin ay inulit nya lang sinabi nya at binigyan ako ng isang daan para ata don sa kanina.
Bigla naman nya akong tinalikuran. Agad naman akong nag isip ng paraan para di sya umalis kaya mabilis kong tinanong ang pangalan nya.
Hinarap nya ako na magakasalubong ang kilay, kamukha nya ang ate nya dahil sa reaksiyon nya ngayon.
Tinanong nya agad ako kung bakit ko gustong malaman ang pangalan nya, nalaman nya din na sinusundan ko sya.
Nagsinungaling naman ako sakanya pero medyo to too ang sinabi ko dahil malapit naman talaga ang bahay ko sa bahay nya pero ilang kilometro nga lang ang layo. Gumawa din ako ng dahilan para magtagal ang pag uusap namin, para narin malaman ko ang pangalan nya.
Pero di nya parin sinasabi ang pangalan nya.
Sa buong buhay ko sya lang ang babaeng di sinasabi ang pangalan nya sakin, at ganito kasama ang tingin.
Bigla ko namang naalala ang batang babaeng yon, sya pala ang una. Itong babaeng to ang pangalawa.
Tinakot ko pa sya na di ako aalis dito. Iniwan nya lang ako na parang walang pake alam.
Akala ko di na sya lalabas kaya hahakbang na sana ako paalis ng marinig kong nagbukas ang gate kaya bumalik uli ako sa pwesto ko.
Naramdaman ko naman na binuksan nya ang zipper ng bag ko at pumunta sa harap ko may hawak na syang ballpen. Hiningi nya ang kamay ko kaya kahit wala akong alam sa gagawin nya binigay ko padin at may isinulat sya at pumasok na uli sa loob ng bahay nila.
Tinignan ko naman ang isinulat nya sa palad ko.
Jenet Kulam?
Basa ko sa isinulat nya.
Is this her name? Weird but unique. Just like her.
Nakangiti ako habang nalalakad papunta sa apartment ko. Habang nakatingin sa palad ko.
Paakyet ako sa hagdan papunta sa apartment ko at naalala ko ang babaeng nakasalubong ko dito kagabi. Ewan ko kung sino sya, napansin ko ang sya dahil ang bilis nyang bumaba.
Pumasok na agad ako sa apartment ko nilock ang pinto at dumeretso sa kwarto. Itinapon ko bag ko sa sahig at mabilis na na upo sa swivel chair. Sinearch ko ang pangalan nya sa sss pero di ko naituloy dahil nag video call si Loren sakin.
"What happened?."
Bungad nya sakin. Hawak nya parin ang pocket book at naka upo din sa swivel chair.
"I already know her name. "
"Congrats, what's her name?. "
"Jenet kulam. "Nilingon nya naman ako at ibinaba ang pocket book na hawak nya.
"I think I already heard that name. "
"Really?. "
"Sinearch mo na ba sa sss?. "
"I s-search ko sana kaso tumawag. "
"Ako nalang ang mang stalk para sayo. "Inend nya muna ang video call.
Hinayaan ko naman sya, dahil alam ko kapag pang s-stalk ang usapan lahat ng details hahanapin nya. Ilang minuto ang lumipas at may sinend na syang pic , inopen ko naman agad ang messenger app ko sa phone at tinignan kung ano yun.
Blured picture, kagaya ng filter na ginamit nya ang filter na nasa profile ko.
Napansin ko pa talaga yon.
Nag vc uli sakin si Loren kaya agad ko yung sinagot.
"This her profile pic, blured.... At wala na syang mga old profile pic in her f*******: account....I already search her surename in Google kung high profile sya and oo, may ari ng isang restaurant ang family nila yung sikat na Kulam's Resto marami ng branches sa
pilipinas kaya sikat na sikat. Palagi rin syang rank one sa section nila.....kaya pala pamilyar sya sakin , natatawag kasi palagi ang pangalan nya sa ceremony tuwing graduation......and meron Pa friend mo sya sa sss, she's following you on ig and other accounts that you have."
"But I think it's not her. Base kasi sa bahay nila parang hindi ganon ang pamumuhay nila sa mga sinabi mo."Nakita ko naman na natigilan sya sa sinabi ko.
"Alam mo na agad ang bahay niya?. "
Unti unti naman akong tumango.
"Malapit lang sa apartment ko. "
"So anong plano mo bukas?."
Kumunot naman ang noo ko.
"What plan? Para saan?. "
"Diba di ka sigurado kung sya nga to? I papa paging ba natin?. "
"Wag na....ako ng bahala. "
"Psh... Okay okay... End ko na , matutulog na ko."
"Liar magbabasa ka lang naman. Ge bye. "Inend nya na ang call. Tumayo ako sa swivel chair at humiga sa kama.
Bzzk bzzk
Tumayo uli ako at kinuha ang phone ko sa study table. Tumatawag si mom.
Sinagot ko naman agad ang call.
"Hello, kamusta ka dyan anak? Are you okay? May masakit ba sayo?. Kumakain ka ba dyan?. "Napangiti naman ako. Humiga uli ako sa kama.
"I'm okay mom. Kumakain naman ako dito. "
"Are you drinking you're medicines?. "
"Uhmm y-yeah, oo naman mom di ko yon makakalimutan. "Kundi pa sinabi ni mom ay di ko maalalang uminom ng gamot.
"I really miss you son. Bibisita ka ba ngayong weekend?."
"Ofcourse mom uuwi ako dyan. Sino ba namang di makakamiss sa pinaka magandang mommy ko sa buong mundo?. "
"Ikaw talagang bata ka!. Sige na kinamusta kita dahil di ka tumatawag sakin. Matulog ka ng maaga ha? Bye I love you son mag iingat ka dyan"
"I love you too mom, mag iingat ka rin dyan. "
"Yeah , bye. "Ibinaba nya naman na ang line kaya pinatay ko na ang phone ko. Tumitig lang ako sa kisame.
Close na close ako kay mom dahil sya lang ang napagkakatiwalaan ko. Simula kasi pagkabata ko si mom lang palagi ang kasama ko. Di kasi ako marunong makipag socialize, at dahil nga don si mom lang ang naging kaibigan ko. Di ko kasi nakakasama si Dad dahil sa trabaho nya pero nakaka bonding ko din sya minsan. Pero ng nagkasakit ako hindi ko na nakakabonding si Dad.
Lumipat kami sa bicol at tumira muna kami sa isang maliit na apartment dahil inaasikaso pa ni mom ang pag papa renovate sa lilipatan naming bahay si nya na kasi naasikaso dahil agad kasi kaming pumunta rito dahil lalo akong nagkakasakit kapag nasusufocate ako sa mausok na lugar. Mahina kasi ang baga ko madali akong hingalin , at may asthma din ako. Di na naasikaso ang bahay na lilipatan namin.
Habang tumatagal kami sa apartment na to ay palagi lang akong nasa labas lang ng apartment bawal akong pumunta sa kung saan saan. Pero isang araw nagbago ang lahat ng nakilala ko ang isang batang babae na yon. Palagi syang inaaway ng mga kaibigan nya kaya naging kasundo ko sya pero iba ang trato nya sakin palagi syang masungit pero kahit ganon naging magkasundo parin kami. Aalis na kami sa tinitirhan namin at akala ko makikita ko muli sya para mag paalam pero di na sya nagpakita pa.
Kaya kinalimutan ko na rin sya.
Umaga...
"Haayyyyy" Binuksan ko ang phone ko at alas singko palang, sanay naman na ako na maaga nagigising kaya di na ako mag aalarm. Tumayo na ko sa higaan at nag unat unat .
Pagkatapos magsipilyo ay naligo na ako. Ng matapos ako sa pag suot ng uniporme mag papabango sana ako ng naalala ko na parang nababahuan sya sa pabango ko . Di ko nalang itinuloy, inayos ko ang buhok ko at tama nga si Domson ni ruruler ko talaga ang buhok para maging pantay , dapat maayos ang pagkakasuklay at higit sa lahat dapat satisfied ako. Isa kasi ako sa mga Tao na gustong perfect ang lahat, perfectunese kumbaga. Agad naman akong natapos sa pag aayos binuksan ko na ang ref para kumuha ng lulutuin ko pang agahan. Ngayon ko lang nakita na ubos na lahat ng frozen foods ko dito.
Tinignan ko uli ang oras sa phone ko. Sa school nalang ata ako kakain. Kumuha ako ng jacket dahil malamig sa labas at kinuha ko rin ang bag ko.
Pagkalabas ko ng pinto ay may kasabay akong babae sa pagbaba, di ko gaanong kita ang mukha nahil nauuna sya sakin.
Hanggang sa paglabas ng apartment ay nauuna parin sya sakin.
Di ko nalang sya pinansin. Kinuha ko ang airpods ko sa bag at kinonek sa phone at isinuot sa teynga ko. Nag music nalang ako habang naglalakad.
Di talaga ako naglalakad kapag papasok sa school, madalas eh nag tra-tricycle ako minsan naman eh jeep. Naka face mask ako minsan kapag medyo mausok na ang lugar , baka kasi atakihin ako ng asthma.
Ang dahilan ng di ko pagsakay sa mga transportation na yan ay dahil kay jenet. Gusto ko kasi syang makasabay sa pagpasok kaya aabangan ko sya sa labas ng bahay nila.
Tumigil naman ako sa paglalakad at inalis ang isang AirPods ko.
Tumigil kasi ang babaeng yon sa paglalakad. Tumigil sya sa harap ng bahay nila jenet. Nagulat naman ng bigla syang humarap sa bahay at don ko nakita ang mukha.
She's Jenet!
Tumago agad ako sa kotse na malapit at sinilip ang gagawin nya.
Matagal sya bago pumasok. Huminga pa sya ng malalim bago binuksan ang gate.
Tumagal pa ako dito ng isang oras sa likod ng kotse at lumabas na sya ng bahay. Nakasuot na sya ng uniporme ng nag simula syang maglakad ay nagayos agad ako ng tayo at sinundan sya malayo ang distansya nya sakin, para di nya ako mapansin.
*Brrrrrrrooooooooommmm!!!!!!!
Maingay na patakbo ng isang motor kaya naagaw non ang atensyon ko at dahil pa don ay nag labas ng maraming usok ang motor nya, kinuha ko agad ang black na face mask ko sa bag at isinuot yon para di malanghap ang usok.
Itinuon ko uli ang atensyon ko kaya Jenet pero wala na sya don. Kaya binilisan ko ang palalakad at lumingon sa kaliwa at sa kanan may kanto na kasi pagkatapos ng dinaanan namin.
May naramdaman naman akong kung ano na idiniin sa likod ko. Napataas naman ako ng dalawang kamay
"Sino ka? Bakit mo ko sinusundan?. "Di naman ako sumagot. Pamilyar agad ako sa boses nya.
"I'm not following you—"Di ko naman itinuloy ng idiniin nya uli sa likod ang kung anong bagay man yon.
"Ibigay mo sakin ang ID mo!. "Kukunin ko sa bag ko ng pigilan nya ko. "Huwag kang haharap! ."Ginawa ko din ang sinabi nya at inalis sa pagkakasuot ang bag ko sa balikat ko at kinuha ang ID at inabot sakanya, inabot nya naman agad yon. "Hawak ko na ngayon ang ID mo! Bakit mo ko sinusundan?! Louis...Esteban?. "Pahina hina nyang basa sa pangalan ko "Teka? ."Iniharap nya naman ako sakanya at ibinaba ang face mask ko."Sinusundan mo ba ko? ."Inis na sabi nya, habang nakatutok sakin ang cutter nya nakabaliktad naman yon. Yon pala ang idinidiin nya sa likod ko.
Ini-iwas ko naman ang cutter na itinuturo nya sakin gamit ang hintuturo ko.
"Hindi kita sinundan, papunta rin ako sa school."
"Talaga lang?. "Di ko alam kung nakakabasa sya ng isip dahi di sya kumbinsido sa sinasabi ko.
"Pwedeng sumabay sayo?. "
Inilagay nya na ang cutter at magkasalubong ang kilay na tumingin sakin."Bahala ka, di naman sakin ang kalsada. "Masungit na sabi nya at tinalikuran na ako at naunan ng maglakad.
Agad naman akong sumabay sakanya sa paglalakad, ibinaba ko nalang ang face mask ko dahil ibinaba nya narin naman na.
Tinitignan ko sya habang naglalakad kami."Can I ask you a question?. "
"Akala ko kapag matalino di chismoso. "Walang ganang usal nya habang nakatingin sa dinaraanan namin.
"Chismoso na ba para sayo ang gustong magtanong. "
"Satingin mo?. "Naitiklop ko nalang ang bibig ko.
Di ko mapigilang tumingin sakanya, ang seryoso ng mukha nya, mataba ng kaunti at bilugan shape . Tama lang ang katawan nya, mga 5'6 ang height nya at medyo may katamtaman pagka-kayumanggi ang kulay ng balat nya. Habang mataas ang pagkakatali ng buhok nya na naka pa ikot, di ko alam ang tawag dahil di naman ako babae.
Palaging ganon ang ipit nya sa tuwing nakikita ko sya.
Nilingon nya naman ako habang nakataas ang isang kilay kaya natigilan ako sa ginagawa kong pagtitig sakanya."Kung 'titigan' mo ko parang nabilang mo na lahat ng tigyawat ko. "
"Sinong nagsabi na tinitignan kita?. "Sarkastikong bato ko din sakanya.
"Mga mata mo. Kahit matalino ka pa mahuhuling mahuhuli ka sa mata. "Pagkatapos nyang sabihin yon ay nauna na syang nag lakad sakinᴍ
Is their a written answers in my eyes?
Napa iling nalang ako at patakbo akong sumabay uli sa paglalakad nya.
Pumasok naman sa isip ko ang laptop na binili ko para sakanya
"Do you like laptops?."Nakakunot ang noo nya na tumingin sakim at bumalik uli ang paningin sa daan.
"Akala ko ba question lang bakit nag tatanong ka nanaman?."
" 'Nanaman?' Ngayon palang nga ako nagtatanong."
"Nagtanong ka na kanina , 'Sinong nagsabi na tinitignan kita? ' Tanong yon diba?."Sarkastikong sabi nya. "Mas magandang dumistansya ka sakin. "Tinignan nya Pa ako bago naunng naglakad pero di ko na sya sinabayan pa at dumistansya na ako sakanya gaya ng gusto nya.
The best way to be close to her is to create a distance from her.
Itinaas ko uli ang face mask ko at isinuot ko uli ang AirPods ko at nag music habang tinititigan sya.
Saglit akong tumingin sa paligid at nilingon ko uli sya dahil baka mawala nanaman sya sa paningin ko.
Ngayon ko lang nadiskubre tong dinaraanan namin. Shortcut pala to papunta sa school , akala ko kasi dead end lang to.
Malayo palang ay tanaw ko na ang kalsada na papunta sa school.
Hindi naman ako hinihingal dahil mabagal lang naman akong maglakad.
Pagkalabas ng shortcut ay nauuna parin sya sakin habang ako ay nakasunod lang sakanya, tumawid muna kami sa kalsada bago kami tuluyang pumasok sa school.
Mabilis syang maglakad , parang isang distansya ang bawat hakbang ng mga paa nya.
Bilinisan ko naman ng kaunti para maabutan sya .
Palapit na ako sakany—
"Louissssss!!!!." Sigaw ni Zoely kilala ko na ang boses nya.
Lumingon naman si Jenet sa gawi ko at mabilis syang umalis.
Naramdman ko naman ang pag akbay sakin ng kung sino kaya nilingon ko sya at tumigil ako sa paglalakad.
Nakatingin din pala si Zoely sa tinitignan ko kanina.
"Sinong tinitignan mo dyan. "Kunwaring tanong ko.
"Yung tinitignan mo kanina. Teka! Ikaw ahhh!! Sya ba yung babaeng yon? Ang nakapulot sa puso mo?. "
"What are you talking about? Psh.. I'm not inlove, gawa gawa lang yon ni Domson para mapag tripan ako."
"At sinong nagsabi na gawa gawa ko yon?."Pareho naman kami ni Zoely na nagulat kaya Domson na parang kabute nalang na sumulpot pagitan naming dalawa.
"Tae ka talaga! Epal!. "
"Kasalanan ko bang sa sobrang kagwapuhan ko ay nagulat ka?. "
"Kagwapuhan? Baka kapangitan! Di na nga mabilang yang Tigyawat mo eh!. "
Natigilan naman ako ng marinig ko ang salitang tigyawat na yan
"Kung 'titigan' mo ko parang nabilang mo na lahat ng tigyawat ko. "
Pasimple naman akong napangiti.
"Why are you smiling?. "Natigilan naman ako at tumingin sakanilang dalawa, seryoso din silang tumingin sakin.
Kaya tumawa ako uli.
"Nakakatawa kasi yung sinabi kaya Domson."Seryoso parin sila na nakatingin sakin.
"That's not a joke. "Seryosong sabi ni Zoely.
"Di na ata inlove kaibigan natin, nabuang na ata!."Agad naman akong nag seryoso at tinignan ng masama si Domson.
"Yeah you're right. "Pagsasang ayon pa ni Zoely sakanya.
"Di pa ba kayo pupunta sa room? Mauuna ako. "Sabay sabay naman kaming tatlo na hinanap kung sino ang nag sabi non.
"Kanina ka ba dyan?. "Takang tanong ni Domson kay Loren nasa likod pala namin sya. Tinignan nya naman kami saglit at bumalik na uli sa binabasa nyang libro.
"Yeah, nauuna ka saking maglakad kaya di mo ko napansin. "
"Awww tara! Ayaw akong malate!. "Nanguna Pa si Zoely samin na maglakad. Sumabay naman kami sakanya.
Nasa kanan ko si Loren at nasa kaliwa ko si Zoely at Domson.
"Wow bagong buhay?. "Hirit ni Domson sakanya , nakikinig lang ako habang nakatuon ang tingin sa dinaraanan naming hallway. Silang dalawa lang ang nag uusap. Nagbabasa kasi si Loren ng libro.
"Why would I change my life, I'm less perfect than you. "
"Less? Bakit less?."
"Because nasasapawan ako ng isang dyan na parang prime meridian na ang hati ng buhok sa sobrang pantay. "Nilingon ko naman sila sabay sabay silang natawa pati si Loren psimpleng ngumisi.
Di ko nalang pinansin.
"Hoy! Ikaw ba si Loren?. ".Halos sabay kaming tumingin sa gawi ng babaeng nagsalita.
Teka sya yung ate ni Jenet.
To be continued.....