Chapter 10

2482 Words
Louis POV "Bakit parang biyernes santo ang mukha mo?."Nilingon ko naman si Ate na naglalagay palang ng bag sa bubong ng tricycle. "Okay lang yan kaka biyernes santo palang naman. "Tinignan ko naman ng masama si Domson. "Mmm... Alam ko na kung bakit, dahil di sasama satin si Shylin?. "Umiling iling naman sya. "At di na sya babalik sa Prañia. "Pakikisabat din ni Zoely. "Di sya satin sasabay pero babalik sya. " "Really?. " "Mmm....di ko sana sainyo toh isasabi to pero dahil di naman ako mahilig sumunod sa sinasabi sakin sasabihin ko parin. "Nag Cross armed muna sya bago tumingin sakin."Tutal next week panaman ang sure na pagpapabalik ng mga napa alis na studyante sa school, next week na rin sya pupunta at magsasabay sila nung Cov na kaibigan nya pagbalik , alam nyo na ngayon? Oh tara na. " "Di ako sasama......pakigawa nalang ako Loren ng excuse letter yung convincing, dito muna ako. " "Bakit? Magpapaiwan ka pa?. "Nakataas kilay na sabi ni Ate. "K-kasi ano—" "Sige bahala ka sa buhay mo pero di kita kargo ah?....."Pumasok naman sya sa loob. "Catch!."Sigaw ni Loren at sinalo ko rin ang bag ko, naka tayo kasi si Domson at si Loren sa likod. "Tara na!. "Sigaw ni Domson. Pagkaalis nila ay nanatili parin ako dito sa labas. "Oy!." "Why?. "Walang reaksyon na sabi ko. Para nalang kusang may nagsignal sa utak ko na magalit sakanya. "Ako si Cov ikaw?!. " "I know. " "Ikaw anong pangalan mo? Buti ka pa alam mo pangalan ko. "Parang bata na sabi nya. "Bakit gusto mong malaman?. " "Mmm may galit ka ba sakin?. " Meron "Wala....bakit naman ako magagalit sayo?. " Pabor na pabor sayo ang lola ni Shylin! "Oo nga naman no?.....Teka mauna na ko mag iimpake na ako para sa pag alis namin ni Shy!...b-bye!. "Tumakbo pa sya paalis. "Psh. "Inis na singhal ko at may bigla akong narealize. Next week pa alis nila diba? Tumagal pa ako dito sa labas ng mapag desisyunan ko na pumasok , kaso saktong pagharap ko ay nasa likod ko pala si Shylin. Naka angat ang ulo habang nakatingin sakin. May katangkaran kasi ako sakanya. Samantalang yung kaibigan nyang Cov eh halos kasing tangkad nya lang. "Bakit nandito ka pa?. " "Napagdesisyunan ko na dito muna ako mag sstay hanggang next week. " "Bakit?. " "Dahil.....Trip ko?. " Seriously? Trip ko? "O-okay....."Nauna naman syang maglakad. "San ka pupunta?. " "Sa bahay nila Cov. "Nandon sya natulog kagabi at pupunta nanaman sya don? "Wait for me. "Di ko naman sya kayang pigilan dahil wala naman akong madadahilan, alangan naman na sabihin ko uli na trip ko lang. Sumabay ako sa paglalakad nya. "Can I ask?. " "Ano?. " "How come na mas close kayo ng lola mo? Mukhang mabait naman ang mama mo at ate mo."Nauna naman bigla syang maglakad. Kaya binilisan ko rin sa paglalakad. "Kala ko kapag matalino—" "Di chismoso? Di ko naman ipagkakalat. I just wanted to know. "About you. All about you. "Di mo na kaylangang malaman pa. " "Why?. " "At bakit ang kulit mo?. Ayaw ko sa lahat eh yung pinipilit ako kahit ayaw ko naman. "Inis na sabi nya at nauna ng maglakad. Wala naman akong naging reaksyon sa sinabi nya ang pumasok lang saisip ko eh. Kaya pala naiinis sya kapag tinatanong sya. That would help to be friend 'again' with her.. Sumabay uli ako sa paglalakad at nauna uli sya sakin, kaya mabilis din akong naglalakad para masundan sya. Ayaw ko ng manatili na sumunod sakanya, dahil mas masaya kapag kasabay ko sya. "Oh? Pupunta palang ako sainyo. "Salubong samin ng Covid na to. "Bat may una at kumot ka na dala? Wala naman bagyo ah?. " "Matutulog din ako sa bahay nyo!....Teka patulong nga!. "Bigla nya namang iniabot sakin ang tatlong unan na dala dala nya. "Salamat! Tara na Shylin. "Inakbayan nya pa si Shylin at nauna ng naglakad. Para syang virus, lakas kung kumapit! Daig pa linta. Hirap naman akong naglakad dahil sa mga bitbit ko. Pagkarating sa bahay ng lola ni Shylin ay ibinagsak ko yun lahat sa sahig ng sala. Wala naman sila dito.. "La asan po sila Shylin?. " "Di ko man aram, di ko man sindra nakita eh. " (Di ko alam, hindi ko naman sila nakita eh) Kahit di ko masyadong naintindihan ay tumango nalang ako. Binuksan ko naman isa isa ang mga kwarto at wala sila don. Bubuksan ko na sana ang isang kwarto ng may humawak sa balikat ko. "Bakit mo binubuksan yan?." "I'm just finding you. " "At bakit?. " "Dahil—" "Trip mo? Okay. "Agad naman syang pumasok sa loob ng kwarto nya. Dahil gusto kitang makita. "Louis pala pangalan mo?. "Tinanong nya kay Shylin panigurado. Ano bang pake mo?!. "Bakit gusto mong malaman ang pangalan ko?. " "Kaylangan ba ng dahilan? Syempre gusto kong makipag kaibigan. "At ayaw kitang maging kaibigan. "Sure...."Nakipagkamay pa ako sakanya. "Cov pasok ka dito. "Nauna naman akong pumunta sa tapat ng kwarto ni Shylin at naramdam ko ang pag akbay sakin ni Cov."Cov lang hindi ikaw. "Napahiya naman ako na nagbigay epasyo at naupo nalang sa single bamboo sofa . Walang kaalam alam sa pinag uusapan nila. "Bakit nandito ka?. "Di ko naman alam ang isasagot sa lola ni Shylin kaya ngumiti nalang ako. Naalala ko naman na di ko pa nasasabi na mag sstay ako dito. "Uhm la pwedeng mag stay muna ako dito hanggang next week?. " "Pwede naman pero diba may pasok ka pa?. " "Ahh nag bigay na po ako ng excuse letter para mag bakasyon. "Nasan na ang utak mo Louis? "Ganon ba? Pwede palang magbigay ng excuse letter para makapag bakasyon?. " "Opo. "Alangan na sagot ko. "Marunong ka bang umigib sa poso?. "Dahan dahan naman akong tumango kahit di ko alam ang isinabi nya."Sundan mo ko. "Tumayo naman sya at naglakad sumunod naman ako hanggang sa makarating kami sa likod ng bahay at nakita ko ang sinasabi nyang poso. May ibinigay naman syang isang balde. Mabuti para di ako masyadong mapagod. "Ilang pong balde ang iigiban ko?." "Isang balde lang at gamitin mo yan para punuin ang dalawang drum na nasa banyo.....sige. "Nabitawan ko nmn ang balde na hawak ko. D-dalawang Drum? Wala naman akong magagawa at sinimulan ko naman agad. Makalipas ng isang minuto..... "Huh!. "Singhal ko, pagod na agad ako. "Isang balde palang naman na iigib mo pagod ka na agad?. "Nilingon ko naman si Cov. "No I'm not. "Sinimulan ko uling mag igib. "Okay, just call my name Cov and I'll help you. "Kumindat pa sya. I don't need you're help.... Get lost! "Okay, just get lost—go." "Sige, Shylin~! ayaw nya naman ng tulong~! ko~!."Dinig ko pang pakantang sigaw nya. Isip bata. Halos mapuno ko na ang isang Drum mga kalahati. Pawisan narin ako. "Tara? Kaya pa?. " (Tara - it's "Oh? " or "let's go "also .) "Yeah. " "Mukhang pagod ka na.....tama nayan—"Di ko naman sya pinatapos. "I'm okay, I know you're worried but I'm really really okay. Thanks for you're concern. "Nakangiting sabi ko. "Sinong nag aalala sayo? Bahala ka na nga sa buhay mo. "Tinalikuran nya naman agad. Binuhat ko na agad ang napuno kong balde at binilisan ang paglalakad para maabutan sya pero biglang nanlabo ang paningin ko at nanghina ang tuhod ko at parang kusang nahulog ang katawan ko sa Bermuda. Shylin's POV "Di mo naman sinabi na di ka sanay sa trabaho?." "Sorry po la. " "Pasensya den. " "Patingin nga ng kamay mo?. "Ipinakita nya naman kay lola ang namumulang kamay nya. Hinawakan naman ni lola yon. "Kamay mo palang alam ko ng sa marangya kang pamilya galing. "Dahan dahan nya nalang yung pinisil na parang minamasahe."Ayyyyy. "Singhal ni lola at hinawakan ang kamay nya na ginamit para masaihin ang kamay ni Louis. "Sumasakit ang kamay ko. Shylin? Ipagpatuloy mo ang paghilot sa kamay nya. " "La bat ako?."Iritang tanong ko. "Isa?. "Pagbabanta nya kaya wala akong nagawa kundi ang tumabi kaya Louis at hinila ang isang kamay nya. Sinumulan ko nalang hilutin yon. Ang laki ng kamay nya. Pinipisil ko ng malakas ang palad nya. "Ah!."Singhal nya. "Shylin.....Alam ko yang ginagawa mo...ayusin mo. "Ginaanan ko naman ang paghilot sa kamay nya. "Pagkatapos nyo dyan ay kumain na tayo, tanghali na pala at di pa tayo nag aalmusal....pupunta muna ako sa kwarto. "Padabog kong binitiwan ang kamay nya ng wala na si lola. "Tama na yan.."Tumayo na agad ako. Maglalakad na sana ako ng bigla syang magsalita."Salamat." "Ginawa ko lang ang inutos sakin. " "Salamat padin, teka nasan na si Cov?. " "Sa bahay nila, alangan naman na dito sya tumira diba?. " "Sabi nga pala sakin ng mama mo ay tulungan kita sa mga subject na bagsak ka. "Grabe bagsak talaga? "Di na kailangan, hanggat sa may pang tuition ako makakagraduate ako. " "Pero mas maganda paring may matutunan ka, di ginawa ang school para lang makakuha ng papel na may pangalan mo diba?."Tinutukoy nya ang diploma. "Sige."Hinarap ko naman sya at naupo sa upuan."Bigyan mo ko ng isang magandang dahilan. " "Tuturuan kita ng walang hinihinging kapalit. "Kunwari naman akong nag isip. "Sige. " "That fast?. " "Ayaw mo ba na pumayag ako?. " "Hindi naman, pero kaylan tayo magsisimula?. " "Pagbalik ko nalang sa Prañia. "Pagkatapos ng usapan namin ay pumunta na ako sa dining table at naka hain na ang pag kain. Nauna na akong kumain. Pumayag lang ako dahil si mama ang nag sabi. Ito rin lang ang paraan para tumaas ang grado ko at mapansin din ako ni mama kahit minsan. "Di ka man lang nagtawag, di lang ikaw ang tao sa bahay.....Louis? Kain na. "Narinig ko naman ang yapak ng paa nya at tumabi sya sakin sa katabing upuan. Mabilis lang akong natapos kumain at pumasok narin agad ako sa kwarto. Uupo na sana ako sa kama ng may kumatok sa pinto, padabog akong naglakad at binuksan yon.. "Sabi ng lola mo ikaw na raw ang maghugas ng pinggang, because you just massage my hands erlier. It will get worse daw. " "Mmmm."Sagot ko nalang at pumunta na sa alibabo nakatambak na ang hugasin dito, inilagay nya na ata. Sinimulan ko na ang paghuhugas. "Ng isilang ka sa mundong ito! ~ laking tuwa ng ng mga plato! ~ pati narin ang sponge na hawak mo~."Tinignan ko naman ng masama si Cov. "Tenenenenen tenenenenen! At ng tumangkad ka na! ~ naabot mo ang alibabo kaya ikaw na ang taga hugas ng plato~."Babatuhin ko sana ng sponge si Cov.. "Stop bothering her. "Sita sakanya ni Louis kaya alam ko na ang kasunod nito. "Diba kaibigan mo si Zoely?. " "Bakit?." "Gusto ko syang humingi ng tawad, ang maldita nya kasi."Medyo maldita nga sya pero mukha naman syang matulungin. "You don't know her so don't judge her. If you don't really like her just said 'no'. "Over protective. "Kapatid mo ba sya?. " "Hindi. " "So bakit ang OP mo?. " "Out of place?. " "Over protective...di mo rin alam ang dahilan ko kaya makinig ko muna sakin. " "What's youre reasone?. " "Ginawa nya akong janitor...pinag utus utusan nya ko, kahit paraeho kaming model na kinuha ng newtect. " "Newtect?. " "Oo, ginawa akong ambassador ng mga merchendies. "Pagmamaybang nya pa. "I think patas lang kayong dalawa, ipinahiya ka nya at ipinahiya mo rin sya, so why bother right?. " "Tama ka naman, pero gusto ko ring humingi sya ng tawad sakin. " "Is apologizing to someone is important? Hayaan mo nalang yon at kalimutan mo nalang ang nangyari. "May naalala naman ako bigla sa sinabi nya. Nasa dulo na ng utak ko pero di ko mapunto punto. Di ko nalang yon inisip dahil wala naman akong utak at nagpatuloy na sa paghuhugas hanggang sa matapos. "Shylin?." "Oh?. " "Nasabi mo na ba kay. "Ininguso nya pa si Louis na prenteng nakaupo. "Su uno?."Nagtaka pa ako sa itinanong nya. (Yung alin?) "Su pagsabay mo sako papaydtu sa eskwelan nyo. "Medyo may kalasan ang boses nitong kupal na to. (Yung pagsabay mo sakin papunta sa school nyo.) Tinignan ko pa muna si Louis bago tumingin kay Cov."Di pa man, babaan mo raw kan pagbisara mo. Marungog ngani ika nikadto. " (Hindi pa naman, babaan mo nga ang boses mo, marinig ka nga nyan) "Di man kan, di man sya nakaintindyar ning bisara ta. " (Hindi yan, di naman sya nakakaintindi ng salita natin.) "Matod?. " (Totoo?) "Amu ngani, napansin ko lang. " (Oo nga, napansin ko lang.) "Dami mong pinapansin, kaya ka napagkamalang janitor. " "Hahahaha, nakakatawa."Sarkastiko na sabi nya at tinignan ako ng masama."Uuwi muna ako, aasikasuhin ko pa pinapagawa mo sakin. " "Gege samalat. "Tumango naman sya at ngpaalam na rin muna kay Louis bago umalis. "Anong pinapagawa mo saknya?. "Nagulat namn ako ng makita ko nalang na nasa tabi ko na si Louis. "Wala. " Pagkatapos ng araw na yon ay parang ulap lang na biglang nawawala ang bawat araw ko dito sa bahay ni lola. Wala akong ginawa kundi checking sa website ko. Tulog, at tinuturuan ko rin ng mga gawaing bahay tong si Louis. Wala syang alam kahit isa. Marangya kasi. Huwebes na ngayon at di parin nya makuha ang paghuhugas ng plato, amoy diswashing liquid parin. "Nanood ka ba ng TV?. "Si Cov kanina pa kumukuha ng prutas sa altar. Di sana sya mbulunan. Naka crossarmed lang ako at nakasandig sa pader habang pinapanood silang ng uusap. "Yeah Why?. " "May commercial?. " "Ofcourse, and what's the point of asking me that?" "Paulit ulit ng sinabi don diba? Isang patak di isng katutak?. " "Anong commercial yon? I think mali yng commercial na napanood mo. Trailer movies ang napapapanood ko na inaadvertise sa TV. " "Hayst! Suko na ko! Ikaw na mayaman! Kami kasi maghihintay ng ilang oras para lang makanood ng mga movie na parang alien ang nag dudubbing samantalang ikaw na pinapanood nalang ang trailer?! Ahh!!! Ewan! MALAKING SANA OLL NLANG SAYO! . Uuwi na muna ko. "Inis padin na sabi nya. Di nya parin tapos ang pinpaggawa ko sakanya. "What happen to him?. " "Di ka ba naturuan ng mga magulang mo sa gawaing bahay?. "Inagaw ko naman sakanya ang sponge. "Nope, I live alone sa isang apartment malapit—"Tumigil naman sya sa pananalita kaya nilingon ko sya at tumingin uli sa hinuhugasan ko. "San?. " "Sa 12:51 Store. " "Mmm. "May 12:51 store ba?."Kung ganon sino ang nag huhugas ng hugasin mo?. " "Ahh may online services na pwede kong contact-kin para maglinis at mag ayos ng apartment ko. " "Sayang ka sa pera. Pero barya nalang yan sayo kasi mayman ka. " "May problema ba kayo sa mayaman?. " "Si Cov wala oa lang talaga sya." "Eh ikaw?. " "Uh..."Di ko alam ng isasagot ko, wala akong maisagot. Dahil sa pagiging mayaman nya nawala sya sakin. To be continued..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD