Decision
Shylin's POV
"Uuwi ka na?. "
"Oo. "Umupo muna ako saglit sa sofa nila.
"Napag isipan mo na ba?."Tumango tango naman ako. "Kung doon ka uli sa mama mo titira sabihan mo ko para sabay nalang tayong pumunta sa school nyo.....kung hindi naman sabihan mo parin ako ha?"
"Oo dami mong sinasabi. Pakisabi nalang sa magulang mo na salamat sa pagpapatuloy sakin, at salamat din sa damit mo akin na to ah. "Malaki to sakin pero mas gusto ko ng mga oversize shirt, feeling ko kasi nasasakal ako sa fitted.
Lalabas na sana ako sa gate ng pigilan nya ako.
"Ahhh.....Alam mo ba kung anong buong pangalan ni Zoely?. "
"Sinong Zoely?."
"Wag na nga mauna na kana. "Tumango nalang ako sakanya.
Pagkalabas ko ay agad na pumasok ang kyuryosidad sa utak ko.
Bakit nya tinatanong? At sinong Zoely?.
Suot ko ang damit na hiniram ko sa sakanya habang nakasampay sa balikat ko ang damit na pinagpawisan ko na.
Nakabuhag-hag ang buhok ko at sudsud ako maglakad.
"Shylin?. "
"Ngata?. "Si Risa, Ara at Mani.
(Bakit?)
"Ang taba mo na! At tignan mo yang mukha mo ang daming pimpol!. "Risa.....may kulay ang buhok nya, pati ng kasama nyang dalawang bakla. Para silang amerikanong hilaw.
Nahiya naman ako sayo.
"Mmm mauna na ako....ang panget kasi ng view dito. "
"Kami ba ang sinasabihan mong panget?. "
Sorry natamaan ka ba?
"Hindi kayo yung view. "Pero pwedeng umalis na kayo kasi nakakapangit kayo sa view.
"Kayo nanaman?! Ganyan pala ang mukha nyo pag umaga?.....Mas panget!."
"Huh! Ikaw yung englishera kagabi diba?!. "
"Oh yeah naalala nyo papala ako? I thought youre IQ is below to negative zero. "
"IQ daw ano yun?. "Sabi pa ng isang kasama nya.
"Heh! Tara na!. "Pagkaalis nila ay inikutan ako ng babaeng to habang pinagmamasdan.
"Their right. "Bigla nya namang kinuha ang magkabilang laylayan ng damit ko at pinagsama yon."Di ka naman mataba ahh may bilbil ka lang. "Tinignan nya ang tyan ko.
"Sino ka?. "
"You don't me?. "Di makapaniwala na sabi nya at napahawak sa noo nya.
Magtatanong ba ko kung oo?
"Oo. "
"I'm Zoely, bestfriend ni Louis. "
Sya ba yung tinutukoy ni Cov?
"Ahhh kilala mo na ata ako di na ako magpapakilala. "
"Yeah....teka nga whats youre decision sasama ka ba samin sa pag balik sa Prania?. "
"Ka—"Tumigil ako sa pananalita ng akbayan ako ng kung sino.
"Zoely?. "Iniiwas naman agad ni Zoely ang mukha nya at tumingin sa ibang direksyon.
"Cov anong ginagawa mo dito?. "
"Pupunta sana ako sa bahay nyo kaso, nakita kita dito...."
"Ahh kinakausap ko kasi sya....Sya ba yung sinasabi mo—"Tinakpan nya ng malaki nyang kamay ang buong mukha ko. Parang hinampas ako ng malaking pamaypay sakob buong mukha ko.
"Shhhhh!!!!. "
"Aray.. "
"Sorry.... "Hinawakan nya pa ang magkabilang mukha ko at tinignan.
"Ehem!. "Sabay naman naming nilingon si Zoely.
"Pasensya na...."
"Pupunta ka rin diba sa bahay ng lola ni Shylin sabay sabay na tayo. "
"I don't have any choice. "Bulong nya pa pero di ko nalang yon pinansin. Nauuna maglakad si Zoely samin at sabay naman kami ni Cov.
"Sya ba yon?. "
"Hinaan monng boses mo... Oo. "Hiya pa na sabi nya.
"Naks binata ka na, kanina ka lang ba natuli? Patingin nga?. "Pang aasar ko pa sakanya.
"Shylin naman eh..."
"Gusto mo ba sya?. "
"Wala....Gusto ko lang na humingi sya ng tawad sakin.."
"Para san?. "
"Kasi.... "Ikwenento nya naman ang buong detalye.
"Talaga? Model ka na?. "
"Oo at sya dapat ang partner ko kaso umayaw sya."
"Pero model ka nga?. "
"Oo ng mga merchendise gaya ng suot mo at iba pa. "Tinignan ko naman ang suot.
Inilapit nya pa ang bibig nya sa teynga ko at bumulong."Pinahiya nya ko kaya gusto ko syang kulitin hanggang sa humingi sya ng tawad sakin."
"Di ka parin pala tuli, isip bata ka parin. "Pailing iling na sabi ko at nauna ng maglakad sakanya.
Binilisan nya rin ang paglalakad at sumabay sakin. Nakarating din kami sa bahy ni lola ng di napapagod dahil narin ata sa pag uusap naming dalawa.
"Zoely were have you been?. "Salubong samin nung Loren, nasa tapat sya ng bahay ni lola.
"Dyan lang, kukunin ko lang ang bag ko para maka alis na tayo. "
"Kahit pananalita ang arte. "Bulong uli sakin ni Cov.
Pagkapasok namin tuluyan sa loob ay may lumabas sa kwarto ko.
"Ate?. "Nilingon nya naman ako. "Pwede ba tayong mag usap?."Tumango naman sya.
Pumasok uli sya sa loob ng kwarto . Nakita ko pa si Louis pero agad kong nilingon si Cov tumango naman sya sakin kaya pumasok narin ako sa loob.
"Ate tungkol sana don sa pinag usapan natin kagabi... "
"Okay lang naman kung ano ang magiging desisyon mo susuportahan ko. "Seryoso na sabi ni ate at umupo sa kama ko.
"Hindi ate, babalik ako sa Prañia naisip ko na mas makakabuti kung babalik ako don....pero sasabay ako kay Cov sa pagpunta don. Diba sabi mo next week ay pwede na akong pumasok?. "
"Oo. "
"Dito ko nalang uubusin ang araw na yon, para makasama ko si lola."
"Alam na ba ni lola yan?. "
"Sasabihan ko palang sya...."
"Teka yung Cov na yun sino yon?. "
"Kaibigan ko dito. "
"Talaga? 'Tunay na kaibigan?'. "Pagdidiin pa ni ate sa sinabi nya.
"Mmm oo. "
"Mabuti... "Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya pero pinagpatuloy lang namin ang pag uusap..
Pagkatapos kong sabihin sakanya ang desisyon ko ay mukhang naintindihan nya naman.
"Sigurado ka na ba sya sa desisyon mong yan?."Tumango naman ako.
"Mmm....Sigurado na ako pero wag mo ng isabi sakanila ang pinag usapan natin. "
"Bakit naman?. "
"Malalaman lang naman nila. "
"Sige mag iingat ka rito, at sorry sa pag sigaw ko sayo kahapon at sa pananampal sayo. Di ka kasi nakikinig sakin kaya ginawa ko yon. "
"Sorry din sa pananampal sayo. "
"Pwede ba kitang yakapin?. "Ibinukas ko pa ang dalawang braso ko na parang winewelcome sya at saka nya ko niyakap.
Niyakap ko rin sya pabalik.
"Magiingat ka dito susuportahan ko yang desisyon mo. "Sabi nya habang nakayakap padin akin.
"Ikaw rin. "Kumalas naman agad sya at kinuha na ng bag nya at isinuot sa isang balikat nya.
"Pano ba yan mauuna na ako, pakisabi nalang kay lola na aalis na ako. "
"Pwede naman ikaw nalang ang magsabi diba?. "
"Dina ikaw nalang. "
"Sige. "
Binuksan nya naman ang pinto at nakita namin si Domson na nag hahanap ng signal sa pinto habang naka dapa , Naka indian sit naman si Zoely sa lapag , Busy naman si Loren sa libro kahit baliktad, Nagpapaypay naman si Cov gamit ang kamay nya at nag s-stretching si Louis.
Nasa harap ng kwarto ko silang lahat.
"Anong ginagawa nyo dito?. "
"Meditating. "Zoely
"Stretching. "Louis
"Reading. "Loren
"Papaying"Cov
"Signaling?. "Domson at ang isang to.
Mukhang magkakasundo sila ni Cov.
"Bakit nasa tapat ng kayo ng kwarto ko?. "
"Ahh—"
"Tra na. "Aya sakanila ni ate at nauna na.
"Wait how about you're sibling?. "
"Di sya sasama hayaan nyo na sya tara na nagsasayang na tayo ng oras dito. "Isa is a na silang nag silabasan.
Sakto naman na paglingon ko ay nagkasalubong ang mga Mata namin ni Louis.
Sya nalang ang natira dito.
"Di ka na ba babalik?. "
"Mmm...."
Napansin ko naman na ang lumbay ng mga mata nya.
"Mauuna na ako. "
"Teka sandali. "Hinarap nya uli ako."Sana wag mo ng ulitin ang pag tulong mo sakin... "
"Sige, di naman na ata magagawa pa yon."Pahina hina na sabi nya.
Bakit ba nakokonsensya ako.
Tumingin muna ako sa ibang direksyon bago nagsalita.
"Salamat. "Atsaka uli tumungin sakanya.
"Walang anuman. "
Lumabas na rin sya at nagpaalam narin ang iba sakanila kay lola.
Bigla ko namang napansin na dinaaraanan lang ni ate si lola at nauna na sa tricycle.
Anong nangyari don?.
Pumasok na agad si lola dito pagkatapos nilang umalis. Sumunod din si Cov.
"La may sasabihin ako sayo...Pati narin sayo Cov. "Naupo muna kami sa sala.
"Ano ba yon Shylin?. "
"Diba sabi mo next week pa ang punta mo sa school?. "
"Oo bakit?..... Teka! Wag mong sabihing!. "
"Ano ba yon Shylin?. "
"Napag desisyunan ko na bumalik sa Prañia....."Ngumiti naman si Lola sakin.
"Mabuti yon. "
"Teka Shylin uuwi muna ako sa bahay mag iimpa—"
"Next week Pa!!. "Sabay na sigaw namin ni Lola sa kanya at sabay rin kaming natwa.
"Edi wow. Pero uwi muna ako. "
"Geh. "
"Lola uwi na muna po ako. "
"Sige na wag ka munang mag impake ha?. "Tumawa naman si Cov at nauna na nga.
"May sasabihin dn ako sayo Shylin, tungkol sa ate mo. "
"Ano yon la?. "
"Di to too ang sinabi sako ni mama mo na nagkailang ang ate mo kaya ka winatak ika saku... Ang totoo nyan ay iniwan din ang ate mo ng mama mo sa mga magulang ng papa mo. Nasabi sakin ng ate mo kagabi..."Inikwento pa sakin ni lola ang detalye na isinabi sakanya ni ate."Sana Shylin kahit ganon ang ate mo maintindihan mo sya. Di ko alam na ganon ang dinanas nya at kapag naka usap mo sya ihingi mo ko ning tawad sakanya sa mga nasabi ko. "Nanggigilid na luha na sabi ni lola.
(Di to too ang sinabi sakin ni mama mo na nagkasakit ang ate mo kaya ka iniwan ka sakin... Ang totoo nyan ay iniwan din ang ate mo ng mama mo sa mga magulang ng papa mo. )
(."Sana Shylin kahit ganon ang ate mo maintindihan mo sya. Di ko alam na ganon ang dinanas nya at kapag naka usap mo sya ihingi mo ko ng tawad sakanya sa mga nasabi ko.
"Makaka asa ka la. At alam ko naman na mahal ka ni ate kahit ganon sya. "
"At satingin ko kaya sya naging masayahin kahit nagtatago sya sa rurom eh dahil nag ayat sya ning matod na pagmamahal....gaya mo."Tinignan ko naman si lola sa mga Mata nya. "Alam ko na paryo man sana kamo ni ate mo, nag ayat ika ng pagmamahal at humihing din sya ng matod na pagmamahal sa mga magulang nyo. "Kinuha naman ni lola ang dalawang kamay ko at hinawakan yon ng kamay nya. "Ang maipapayo ko lang saymo apo, isipin mo sana na di ka nag uusad sa sitwasyon na yan. Kung iniisip mo na nag iisa ka merong ibang Tao dyan na nag iisip na nag iisa din sya..... May ibang tao na humihingi ng pagmamahal ng isangbabae, meron ding pagmamahal ng mga magulang, pagmamahal ng pamilya at naghahanap ng pagmamahal. Kung iisipin mo apo di ka nag iisa dahil maraming Tao na dinadanas din ang sitwasyon mo pero sa ibang paraan nga lang. Palagi mong iisipin at ibutang mo iyan sa isip mo na ngamin ng bagay natatapos din, para lang pag g-guhit hanggat satingin mo pangit parin ang kinalabasan ng gawa mo di pa yon ang oras para sumuko, nagsisimula palang ang oras mo para isipin ang mga mali para itama yon at wag mong ituon ang atensyon mo sa mga taong sumisita sa gawa mo, dahil hindi ka nila sinisira, sinisira nila ang buhay nila. Sa bawat guhit mo makikita mo ang pagbabago, ang magiging kinalabasan non ay maganda at maayos. Sa madaling salita apo, di lahat ng bahay minamadali, basta dahandahan ka sa pag iisip ng desisyon mo sa buway, matatapos din ang lahat at makikita mo nalang na maganda ang magiging kinalabasan non, ang hinihingi mo mas marami ang balik sayo kung mananalig ka rin sa panginoon. "Sa lahat ng sinabi ni lola wala akong nagawa kundi yakapin sya.
(At satingin ko kaya sya naging masayahin kahit nagtatago sya sa dilim eh dahil humihingi sya ng tunay na pagmamahal....gaya mo."
( "Alam ko na pareho lang kayo ng ate mo, humihingi ka ng pagmamahal at humihing din sya ng tunay na pagmamahal sa mga magulang nyo. ")
( "Ang maipapayo ko lang sayo apo, isipin mo lang na di ka nag sa sitwasyon na Yan. Kung iniisip mo na nag iisa ka merong ibang Tao dyan na nag iisip na nag iisa din sya..... May ibang tao na humihingi ng pagmamahal ng isangbabae, meron ding pagmamahal ng mga magulang, pagmamahal ng pamilya at naghahanap ng pagmamahal. Kung iisipin mo apo di ka nag iisa dahil maraming Tao na dinadanas din ang sitwasyon mo pero sa ibang paraan nga lang. Palagi mong iisipin at itatak mo to sa kukote mo lahat ng bahay natatapos din, para lang pag g-guhit hanggat satingin mo pangit parin ang kinalabasan ng gawa mo di pa yon ang oras para sumuko, nagsisimula palang ang oras mo para isipin ang mga mali para itama yon at wag mong ituon ang atensyon mo sa mga taong sumisita sa gawa mo, dahil hindi ka nila sinisira, sinisira nila ang buhay nila. Sa bawat guhit mo makikita mo ang pagbabago, ang magiging kinalabasan non ay maganda at maayos. Sa madaling salita apo, di lahat ng bahay minamadali, basta dahandahan ka sa pag iisip ng desisyon mo sa buhay, matatapos din ang lahat at makikita mo nalang na maganda ang magiging kinalabasan non, ang hinihingi mo mas marami ang balik sayo kung mananalig ka rin sa panginoon.)
"Salamat la dahil sayo satingin ko susuko na ako."Humiwalay naman si lola at hinarap ako.
"San ka susuko?, tsk tsk kahit saan man yan wag kang susuko madami ka ng dinanas sa buhay ngayon ka pa ba susuko?. Bata ka talaga.."
"Salamat talaga la...."
"Mmm...teka at magluluto lang ako. "
"Oo la pupunta muna ako sa bahay nila Cov. "
"Sige... "
Pagkalabas ko sa pinto ay dumeretso ako sa gate at tumigil ako sa paglalakad dahil sa taong nakita ko.
"Bakit nandito ka pa?. "
To be continued