Shylin's POV
Ng naramdaman ko ng papaalis na ang tricyle ay idinilat ko na ng mga mata ko at umayos na rin ako ng upo.
Di pa namin nadadaan ang school ay nakita ko Louis at may kasama pa sya na nag aabang din ng sasakyan kaya agad akong nag iwas ng tingin ng malapit na kami sa tapat ng gate dahil baka malasin nanaman—
"Paraaaa!!!!!!. "—Ako.
Agad namang nag preno ang driver ng tricycle kaya nauntog ako sa mala pader na likod ng driver.
Nilingon ko naman kung sino ang sumigaw non at tumakbo sila papunta sa tapat namin.
"Sorry boy puno na. "Sabi ng driver sa grupo nila Louis , kaya minalas nanaman pala ako.
Nagkasalubong naman ang mga mata namin kaya nag iwas agad ako ng tingin.
"Dipa yan puno kuya. "Sabi ng kasama ni Louis.
Nilingon ko naman ang driver at nakakunot ang noo nya..
"Pwede po bang magparaya kayo?. "Usal uli ng kasama ni Louis .
Pinapanood ko sila sa salaming motor nitong tricycle.
"Okay lang kahit wag na kung di lang gwapo Yang katabi mo! Oo na sayo na to. " B-Bakla.? Bat ka nag paraya?!
Ramdam ko naman na umalis na ang katabi ko at may umupo don, humarang naman ang driver nitong tricycle kaya di ko na nakita kung sino ang tumabi sakin.
Sana wag sya.
"Okay na ba?. "Tanong ng driver at pinaandar na ang tricycle.
"Okay na okay boss. "Sagot ng kasama ni Louis.
"Teka nga 'kayo' sya lang ba ang sasakay? Ikaw?. "Tanong ng driver sa kasama nya.
"Ahhh sya lang po . "
Tinignan ko ang kasama ni Louis.
"Mauna na ko. "Sya pala yung Loren?
Ngayon ko lang sila nakita.
May itsura yung Loren maputi at matangkad tahimik napansin nya naman ako na tumitingin sakanya kaya inilipat ko ang tingin sa ibang direksyon.
Umalis na din sya pagkatapos nyang magapaalam sa Louis na to.
Habang nagbyabyahe di ko mapigilan na lumingon sa gawi ni Louis ang tapang kasi ng pabango nya at ang kati sa ilong.
Teka sinunsundan nya ba ako?
Bigla ko kasing naalala na mayaman sya sa pabango nya palang at impossible na sumakay sya sa tricycle.... Eh pake ko ba? Malay ko bang trip nyang sumakay?.
Pero? Ayst! Maraming possibility! Wag mag feeling!
Inis ko syang nilingon at agad akong nag iwas ng tingin ng mapansin nya na nakatingin ako sakanya.
"Para!. "Bigla namang pumara ang tricycle kaya nauntog ako sa mala pader na likod ng driver at napausog si Louis sakin, umusog naman uli sya pabalik sa pwesto nya.
Dumaan ang isang minuto at sumigaw din ako ng 'para' tapat ng bahay namin.
Kinapa ko ang wallet ko sa bag , natigilan naman ako ng bumaba din si Louis at nagbayad.
"Isang daan?. "
"Keep the change kuya."Nagmamayabang ba sya.
"Wag na boy susuklian nalang kita. "Di nya lang ata alam kung magkano ang ibabayad nya.
Tinignan ko naman ang wallet ko, saka ko lang naalala na wala pala akong pera. Kaya wala akong choice kundi...
"Wag mo na sya kuya suklian! Ililibre nya daw ang pamasahe ng ibang nakasakay sa tricycle mo!. "Nakangiting sabi ko at nakangiti ko rin na tinignan si Louis at nakatingin din sya sakin.
"Ganun ba? Ang bait mo naman pala boy sige mauna na ko. "Umalis naman na agad ang tricycle kaya bumalik na uli ang dating ekspresyon ng mukha ko at hinarap sya.
"Dyan ka muna. "Di naman ako aasa na mag hihintay sya kaya nabihis muna ako ng pambahay na damit bago kumuha ng isang daan sa baboy kong alkansya.
Sinilip ko naman loob ng alkansya at wala na ni isa kahit barya wala akong nakita.
Nagdadalwang isip na tuloy ako kung ibibigay ko pa.
Mayaman naman sya eh, barya nalang sakanya ang isang daan samantalang ako pang pa load ko na ng isang linggo samantalang sya pamasahe nya lang sa tricycle.
Pero baka kasi naghinhintay pa yung Louis na yon sa labas.
"Asa naman ako. "Usal ko at binuksan na ang pinto ng kwarto ko.
Nagulat naman ako sa nakita ko nakaupo sya sa sofa, ng mapansin nya naman ako ay bigla syang tumayo.
Lumapit naman ako ng kaunti.
"Bat ka pumasok?. "Takang tanong ko na may pagkainis sa tono ng pananalita ko.
"Pinapasok ko sya.. "Nilingon ko naman si ate naka sandal sya sa pinto ng kwarto ko at lumapit din ng kaunti sa pwesto ko."Alam mo tanga tanga ka talaga ikaw kaya paghintayin ko sa labas? Di mo man lang pinapasok! Pinaghintay mo pa sa labas! Bagubaguhin mo nga ugali!. "Napairap nalang ako sa kawalan.
"Di naman kami close para papasukin ko sya."Natigilan naman sya sa sinabi ko "'Lalabas lang ako ' kasama to 'babalik din ako agad, '.....Gusto mong ulitin ko pa para marinig mo?. "Pagpapaalam ko umirap muna sya bago tumango at nauna na akong naglakad palabas ng bahay.
Tumigil agad ako sa palalakad ng nasa tapat na ako ng bahay.
Hinintay ko naman si Louis na lumbas.
"I'm sorry. "Nilingon ko naman sya.
"Wala kang nakita."Usal ko habang nakatingin sa mga sasakyan na dumadaan.
"Bakit palagi mo nalang sinasabi yan?. "May pagka sa bakla din pala ang hay*p.
Hilig magtanong.
"Wala kang nakita, kalimutan mo ang nakita mo. Ito ang isang daan mo 'salamat sa pamasahe kanina, salamat din sa paghihintay ' umuwi ka na. "Kinuha ko ang palad nya at ibinigay ang isang daan at tatalikuran ko na sana sya ng.
"What's you're name?. "Bakit gusto nyang malaman?
Hinarap ko naman sya at magkasalubong ang kilay.
"Bakit gusto mong malaman ang pangalan ko? Atsaka alam akong sinusundan mo ko , impossible naman kasing sumakay ka ng tricycle dahil trip mo lang, itigil mo yang gingawa mo , 'dahil naiirita na ko sayo'. " Dinuro ko pa sya.
"Di kita sinusundan, malapit lang ang bahay ko sa bahay nyo, and :I just want to know your name' 'because I just want to thank you ' , dahil ginawa mo yon kanina di ko talaga kasi alam kung magkano ang ibabayad. "Napahiya naman ako.
De wow.
Pero bakit di nalang sya nag pa baba sa bahay nya bakit sa tapat ng bahay ko pa?
Ayst bahala sya hahaba lang ang usapan kung tatanungin ko pa sya ..
"Okay. "Walang ganang usal ko nalang.
"Ano ba kasing pangalan mo para mapasalamatan kita?. "Para yun lang mag papasalamat pa?! big deal na ba sakanya ang di mapahiya?.
"Wag na di na kailangan, umuwi ka nalang. "
"I'm not gonna leave until you give me you're name. "Inirapan ko lang sya.
"Bala ka dyan. "Pumasok naman ako sa loob ng gate maataas ang gate namin at di kita ang nasa labas, sumandig muna ako at nag hintay ng ilang minuto bago muling lumabas ng gate.
Sinilip ko naman si Louis at nandon pa nga sya.
Pumunta naman ako sa likod, bag nya at binuksan ang zipper, at kumuha ng ballpen at hinarap sya. "Kamay mo. "Iniabot nya naman yon kaya hinablot ko yon at isinulat ang pangalan ko kuno."Yan okay na ."Agad ko naman syang tinalikuran at pumasok na sa loob, at ngayon ko lang napansin na nakalimutan Kong ibalik sakanya ang ballpen nya, kaya lumabas uli ako pero wala na sya, ibinulsa ko nalang yon at pumasok na sa loob ng bahay.
"Sino yon?. "Nakangiting usal ni ate habang nakasandal sa refrigerator kumukuha kasi ako ng tubig sa pitsel.
"Kakilala lang. "Sagot ko nalang at naupo sa dining.
"Walang jowa yun?. "Nilingon ko naman sya at tinignan ang baso na hawak ko.
"Di ko nga sya close kaya di ko sya pinapasok dito, tapos tatanungin mo pa ako kung may jowa sya."
"Sorry nga pala sa pagsampal ko sayo kagabi, nag aalala kasi ako kahit di halata at pati sila mama kaya patawarin mo nalang. "Tumango nalamg ako kahit ang nasa isip ko..
Patawarin? Pano?
Papaalis na sya ng mapansin ko ang band aid sa likod ng braso nya.
Kaya tumayo ako at hinila ang braso nya.
"Napano to?. "Gulat nya namang hinila pabalik sakanya ang braso nya.
"Wala. "Di naman ako kumbinsido lalo pa sa ipinakita sakin ng principal na yon kanina.
"Nambubully ka na naman ba?. "
"Hindi! Ahh! Tumama lang to sa pinto ng room."
"Dinagdagan ng principal sa school ang tuition ko. "Gulat nya naman akong tinignan.
"Kaya ka ba pinatawag kanina?. "Tumango naman ako.
"Di lang yon, kapag hindi yon babayaran drop out ako sa school o kaya naman kapag pumasok ako sa school na yon ng hindi binabayaran ang tuition ko na dinagdagan nya, ikakalat nya ang video mo. "
"Video ko? Anong video ko?. "
"May pinakita saking vid, ang principal na yon na may binubully ka sa likod mismo ng building mo. "
"Anong binubully? Teka.... Likod ng building namin?....Ahh! Yung bwisit na babaeng malakas akong tinulak sa pinto kaya meron ako nito!."Turo nya sa braso nya na may band aid yung napansin ko kanina.."Di namin sya binubully! Pinagsasabihan lang namin at yung isang kasama ko sinampal sya pinigilan ko pa nga, anong sinasabing ng principal na yon! Sunugin ko bahay non eh!."Inis at di nya makapaniwalang sabi.
Di nya naman alam adress ng bahay non.
"Kahit di ka na nambubully, nandon ka pa rin sa cctv footage ng pesteng principal na yon."Problemadong sabi ko.
"Anong gagawin natin?. "
"Isasabi ko nalang kaya mama bahala na."
"Anong isasabi?."Sabay naman naming nilingon si mama."Ano ang pinagagawa mong kalokohan Shylin?!."
"Dinagdagan ng principal ang tuition nya. "Sagot ni ate.
Lumapit naman sakin si mama.
"Inuulit ko Shylin! Ano ang pinagagawa mong kalohohan?. "Pahinahinang sabi nya pero pinipigilan nya ang galit nya.
"Wala akong ginawang kalokohan, na late ako kanina, at bigla nalang ang pinatawag ng principal I dro-drop out nya sana ako dahil sa grades ko pero nagmakaawa ako sakanya, pero kaylangang dadagan ang tuition ko. "
"Illegal yon ah?!. "Inis na sabi nya sakin.
"Yun din ang sinabi ko sakanya pero, may ipinakita syang video ni ate na may binubully pinapili nya ko kung drop out at kapag sinabi ko ang ginawa nya ikakalat nya raw ang video na yon ni ate. "Nilingon naman ni mama si Ate.
" Lyli? "Patanong na tawag nya kaya ate.
"Totoo yon pero di naman namin sya binubully! Tinulak nya kaya ako ng malakas. "Turo nya pa sa braso nyang may band aid.
Tumango naman si mama kaya ate.
Atsaka tumingin sa gawi ko.
"Bakit ka kasi nagpalate?! Okay na nga tayo dito dadagan mo nanaman ang kunsumisyon namin ng papa mo!. "
So pano ko sya papatawarin?
"Di ko naman kasalanan na di nyo ko ginising."Bulong ko.
"Pumasok ka bukas pupunta ako sa school nyo ng tanghali, kukunin natin ang requirments mo para itransfer ka na sa Ligao don ka na titira sa lola mo at don ka narin mag aaral. "Kumunot naman ang noo ko at di makapaniwalang ngumisi.
"Bakit ako titira kay lola?! Diba sabi mo kapag inulit ko ang ginawa ko kagabi bakit pati to? Di ko naman kasalanan na kinuha mo ang cellphone ko na tanging gumising sakin kahit karag karag na!."Inis na sigaw ko sa mismong pagmumukha nya.
"Shylin wag mo ngang sigawan si mama!."Tinignan ko lang si ate at hinarap uli mama .
"Wala ka ng magagawa, kahit sigawan mo pa ako! 'Buti kung mababago mo ang ginawa mo sa eskwelahan nyo!' . Nag papakanda kuba kami ng papa mo at ng kuya mo para sa inyo! Ilan Pa kayong pinapaaral namin?! At sa pagkain pa natin sa araw araw! Kulang na kulang ang sweldo namin para lang satin!. Tapos malalaman ko nalang na dagdagan ang tuition mo? Alam mo ba kung magkano ang tuition nyo?! At dahil lang yon sa nalate ka at mababa ang grade mo?! Mas mabuti ngang sa lola mo ka nalang tumira!."Nakagat ko naman ang labi ko para mapigilan ang luha ko at tumakbo palabas ng pinto.
"Shylin?! "
Tawag pa ni ate sakin pero kahit naman bumalik ako di naman mababago ang desisyon ni mama.
Tumakbo ako kahit di ko alam kung saan ako pupunta hanggang sa dalin ako ng mga paa ko sa apartment na pinuntahan ko rin kagabi.
Umakyet uli ako don at naupo sa upuan at umiyak ng umiyak.
Bakit palagi nalang akong minamalas?!
Dahil ata naka usap ko sya ng matagal kanina?!
O dahil sadyang walang kwentang tao lang ako sa paningin nila?.
To be continued