Chapter-3 Part 2

2885 Words
Shylin's POV Umaga. Pagkamulat ko ng mata ko ay naipikit ko ulit yon dahil ang hapdi natamaan pa ng sinag ng araw kaya mas lalong humapdi. Ayaw kong tumayo ng higaan pero kaylangan ko, dumeretso ako sa banyo at naligo, wala na silang lahat dito nauna na silang pumasok sa mga trabaho at eskwela nila. Pagtapos naligo at magpatuyo ng buhok sa tuwalya ay nagbihis narin ako uniporme napansin ko na malapit ng mapigtas ang sabitan o lock at di ko alam ang tawag basta kumakabit sa palda ko wala na akong oras sa pagtatahi at wala na rin akong palda, di ko pa nalalaban maiingat nalang ako para di matuluyan maingat ko rin yung ikinabit at inipit na ang buhok ng paikot , dahil ang kapal kapal kapag natuyo na. Mukha na akong Leon . Tinignan ko ang oras sa orasan at alas nuwebe na late na late na ako sa school pero kaylangan ko paring pumasok. Kinuha ko ang bag ko sa kwarto at hinanap ko ang cellphone ko. Nilibot ko na ang buong bahay at kasuluksulukan ng kwarto ko pero di ko parin makita yon. Di ko naman kayang buksan ang kwarto nila mama dahil nilock nila yun. Ngayon ko lang rin napansin na pati ang laptop ko nawawala. Wala naman akong nagawa kundi ang lumabas ng bahay at magsimula ng maglakad papunta sa school wala akong dalang payong umiinit na din kasi di naman ako binibilan ni mama at meron lang si ate at Jino. Matagal na rin na ganun ang trato sakin nila mama pero di parin ako nasasanay, palagi ko kasing dinadamdam at inaamin ko rin yun na madamdamin akong tao di ko alam kung saan ko yun namana dahil di naman ako lumaki sa puder nila mama nung bata pa ako kaya wala rin akong pagkaalam sakanila. Pagkarating ko sa school ay hinarang ako ng security guard. "Bakit ka late?. "Kung makaasta feeling principal. "May emergency po kasi sa bahay, pinauwi po ako ng teacher namin pero po okay na po ang lahat kaya pinabalik na ako dito ng parents ko. "Nakangiti ako habang sinasabi ang mga salitang yan. *Peep peeeeeeeepppppp!!! Sabay naman naming nilingon ni kuyang guard ang motor na bumubusina. Ngumit naman ang guard sa delivery man na yun at itinaas pa ang kamay na parang nagsasabi na 'sandali ' , nilingon nya naman ako. "Dyan ka lang. "Duro nya pa sakin. Di naman ako masunurin kaya ng papaalis na sya ay mabilis ako pumasok sa loob. At kasabay ng pagpasok ko ay ang pagpunta ng Louis na yun sa gate , nakatingin sya sa cellphone nya kaya nag derederetso nalang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa room. Breaktime na kaya siguro kakaunti nalang ang mga kaklase ko rito sa room, inilapag ko ang bag ko sa upuan at lumabas na muna ng room pupunta ako sa cr para tignan ang pagmumukha ko. Habang naglalakad tinignan ko ang balat ko lalo akong umitim dahil naglakad ako kanina. *Blagg..... "Ay sorry!. "Automatic na nasabi ko at hinarap kung sino ang nakabangga ko. "It's okay. "Nakangiting sabi nya....ni Louis. "Okay. "Walang pakeng sabi ko nalang at nilagpasan sya nagderederetso na ako sa cr, di ko rin alam kung bakit nabaadtrip ako kapag nakakaharap ko sya, dahil ata di ako sigurado na di nya pinagsabi na nakita nya kung umiiyak. Bubuksan ko na sana ang doorknob ng cr pero narinig ko ang pangalan ko at alam ko na agad kung sino ang mga stundyanteng nasa loob, kahit kayo alam nyo na agad kung sino, sa buong campus ito lang naman ang hideout nila. "Bakit kaya wala ngayon si Shylin, satingin nyo nagdrop out na sya dahil sa mga grades nya? ."Dena. "Oo nga no? O kaya naman nag suicide na dahil sa grade nya. "Geny narinig ko pa ang mga ngisi at halakhak nila. "Uy ano ba kayo, kahit naman mababa grades non di non maiisipan magpakamatay! Baka kamo nalaman nya na di sya tunay na anak kaya di sya binibigyan ng baon ng mga magulang nya! Hahahahah. "Malakas na halakhakan nila Jenet, nahawakan ko ng mahigpit ang doorknob at di ko na napigilan ang sarili ko at binuksan ko agad ang pinto ng cr at nakita ko na natahimik sila ng makita ako lumapit naman ako sa alibabo at tinignan ang mukha ko, ang oily. Nilingon ko naman sila at ngumiti. "May pulbos ba kayo dyan?. "Nagtingin pa sila. "Here!. "Abot sakin Geny galing sa 'kikay kit' nya kuno. Naghilamos muna ako at pinunasan yun ng panyo ko bago naglagay ng pulbos. Hinintay din nila ako na matapos bago kami sabay sabay na umalis sa cr. Naglalakad na kami ngayon sa hallway papunta sa room. "Jenet chinat ako ng friend ko sa kabilang section and sabi nya dumaan daw dito sa hallway natin si Louis! Crush nya din kasi!. "Nakatingin sa phone si Dena habang sinasabi yun at tumingin sa gawi namin. "Kala nya naman ikakacrushback sya! Mas bagay kaya kayo ni Louis. "Naka cross arms pa nasabi ni Geny. "Ano ba kayo di lang naman ako ang pwedeng mag ka crush o magkagusto kay Louis.. "Pa humble pa ang imagination nasa langit na . "Actually nakabangga ko sya kanina, si Louis. "Halos sabay sabay silang tumingin sakin. "Really?. "Di parin kumbisadong sabi ni Dena. "Bakit ngayon mo lang sinabi?. "Natawa naman ako sa tanong ni Dena. "You're not asking. "Kita ko naman na nagkunwari din syang natawa at nagderederetso na kami sa room. Nagpapasalamat ako ngayon sa diyos dahil di ako nakapasok sa subject ng teacher namin sa math, di naman ako nagtatanda ng pangalan kaya yan ang tawag ko sakanya. Nagsiupo na kami sa sari sarili naming upuan dahil malapit naring matapos ang breaktime. "Goodmorning students of Prañia Gerald gusto ko lang ipatawag ang Senior Student, na si Shy.....Sino nga uli to?, ahh okay . Shylin Cereño Room 9 , Section 10 , Grade 11 come to the Principal's office right now....I repeat Shylin Cereño Room 9 , Section 10 , Grade 11 come to the principal's office.... Thankyou." Pinagtinginan naman ako ng mga kaklase ko. "Shylin ikaw ba yung pinapatawag?. "Di ko naman sinagot si Geny ,nakasalubong lang ang kilay ko at iniisip kung bakit ako pinapatawag sa principals office. "Sya nga! Di mo nadinig section natin sinabi!. "Iritang sabi ni Dena. Tumayo naman ako at mas lalo akong pinagtinginan ng kaklase ko. "Pupunta ka na?."Tanong naman, ni Jenet. Tumango naman ako habang nakangiti. "Oo—"Natigilan naman ako at muling umupo ng biglang pumasok ang teacher namin. "Sino si Shylin Cereño sainyo?. "Nagtaas naman ako ng kamay."You can go to the principals office now. "Tinignan ko muna sila Jenet kita ko naman sa mga mata nya na nakangisi sya, lumabas narin ako ng room. Naglalakad na ako ngayon sa hallway at deretso lang ang tingin ko dahil ayaw kong lumingon sa mga classroom. "Inlove si Louis!!!!!!!!! " Sigaw sa isang section nanadadaanan ko na ngayon kaya di ko na napigilan na lumingon at nagkasalubong ang mga mat naman di ko alam kung nakita nya ba ko o sadyang nakatingin sya sa labas ng room nila......nakatingin ba si Louis sakin?. Di ko nalang pinansin dahil ayaw kong maging si Jenet na pa humble kahit ang imagination nya ang layo na sa realidad. At saka isa pa lahat ng tao nagtatagpo ang mga mata , kapag tinignan mo ang isang tao na hindi nakatingin sayo lilingon rin sya sayo dahil nararamdaman nya na may nakatingin sakanila. Di ibig sabihin non may connection kayo, sadyang natural na yan sa bawat tao. Kung ayaw mong mag feeling na tinitignan ka ng isang tao ito lang ang tips ko sayo, 'Mag isip ka ng possibilities na maaring pwede nyang ginagawa kaya napatingin sya sayo. " Hindi yung napatingin sya at crush mo na agad at gusto mo na. Ang layo na ng narating ko dahil sa pag iisip ko ng kung ano anong walang kwentang bagay. Bwisit kasi ang Louis na yan. Pumasok na ako agad at nakita ko ang Principal tulog na tulog sa sofa habang nakanganga pa ang bibig. Gigisingin ko ba sya? Di nalang siguro, mukhang pagod. Hinintay ko nalang na magising sya. Mga ibang minuto na ang nakalipas kaya nagpagdesisyunan kong tignan ang mga pictures na nakasabit sa pader ng office. Di naman pamilyar ang mga mukha ang mga taong nandito. Pero nabaling ang atensyon ko ng makita ko ang picture ng may ari ng New Tech Company na pinagtratrabahuhan nila mama. Nilapitan ko yun at parang may kamukha ang may ari ng New tech Company na yun di ko lang mantandaan kung sino. Bigla namang gumalaw ang principal kaya bumalik ako sa kinatatayuan ko kanina. Kala ko patay na parang di kasi gumagalaw at di na humihinga. "Haaaaaaaaaaayyyyyy. "Nag unat unat pa sya at isinuot ang salamin at pinunasan ang labi nya ng sleeves ng damit nya. Natigilan naman sya sa ginagawa nya ng mapansin nya ko. "A-Anong ginagawa mo dito?. "Gulat na sabi nya at tumayo. Ipinatawag ako tas di alam kung anong ginagawa ko dito. "Pinatawag nyo po ako. "Nakangiting sabi ko. "Ikaw ba si Shylin Ceño?. "Tumango naman ako. Tumango tango din sya at pumunta sa table nya at naupo sa swivel chair nya. Pinaupo nya rin ako sa upuan sa harap nya. Kinuha nya muna ang telepono at may tinawagan. "Bakit nyo po ba ako pintawag?. "Di ko na mapigilang magtanong dahil inip na inip na ko dito sa office nya. "Wag ka munang mainip may hinihintay pa tayo. " Ikaw lang ata dinamay mo pa ako. *knock knock "Pasok!."Sigaw ni Principal at pumasok naman ang isang guard. Agad naman akong napaiwas ng tingin ng mamukhaan ko ang guard na yun sya yung tinakasan ko kanina. Naupo naman sya sa harap ko habang nakangiti sa principal. "Sya ba yung studyanteng tinutukoy mong studyanteng tumakas sayo?. "Wala naman akong nagawa pa at nilingon na sya. Lumaki naman ang but as ng ilong nya at mga mata nya at dinuro ako. "Sya nga!."Nilingon ko naman ang principal at tumango tango pa sya. May kinuha naman sya sa cabinet nya sa baba ng desk nya at binuklat ang folder na yun. "Mmmmm..... Shylin Ceño, nag aral ka sa Santiago Elementary sa Ligao isang public school, at nag aral ka rin St.Torio School sa Manila isang public school ?, hanggang sa maging fourth year ka at lumipat ka dito sa Prañia Gerald ngayong Senior ka na dito sa Albay?."Nilingon nya pa ako bago uling tumingin sa folder na hawak nya. "Ang dami mong school na pinasukan, bakit ka umalis sa mga school na yon?. Teka umalis ka o na - drop out ka dahil sa mga grades mo?."Di naman ako nagsalita , di dahil natatakot ako kundi ayaw ko na uling balikan ang mga alala ko sa school na yun."Pwes I dro-drop din kita. "Natigilan naman ako. "Ano? Bakit po? Wala naman akong nilabag na school rules. " "Anong wala tumakas ka kaya sakin!. "Inis na usal ng guard na to. "Pero pwede po bang first warning nalang , bakit po drop out agad? Please po wag nyo po akong I drop out!. " "Mmmm.... Pwede naman yun—"Di ko naman sya pinatapos. "Thank you po!. " "Wag ka munang magpasalamat!."Nakangising sabi nya, nawala naman ang ngiti ko sa mukha."Ahhh pwede ka ng umalis salamat sa oras mo. "Nakangiti naman na tumayo ang guard na to. "Walang anuman po Principal, mauuna na po ako. "Tinignan nya pa ako ng masama bago umalis. Nilingon ko naman ang principal. "Pwede nating dagdagan ang tuition mo ."Kumunot naman ang noo ko . "Bakit po dadagdagan? Illegal po yun ah?. " "Ganun ba? Illegal?. "Sarkastikong sabi nya at may pinindot sa laptop at iniharap sakin. Isang cctv footage."Diba illegal ang bullying?. "Nagtaka naman ako nung una pero namukhaan ko ang mga babaeng nambubully sa isang studyante nasa likod sila ng building. Tingin ko nasa likod ng Senior building. "Kung ikalat ko kaya to? Satingin mo di masasabihang illegal ang ginagawa ng ng ate mo?." "Please po wag nyong ikalat yan. Magsasabi na muna po ako sa mga magulang ko. "Tumango naman sya. "Okay....thats all you can leave now."Di na ko nagpaalam pa at tinalikuran na ang principal. Lumabas na ako sa office at habang naglalakad sa hallway papunta sa room ang nasa isip ko lang ngayon ay matatapos rin lahat ng to. Derederetso lang ako sa paglalakad at yun lang ang nasa isip ko. Ng malapit na ko sa room ay inayos ko na muna ang sarili ko at ang reaksyon ng mukha ko nakangiti ako habang papasok sa loob at pinagtinginan ako ng mga kaklase ko di ko nalang sila inintindi kahit alam kong nag iisip na sila ng kung ano ano sakin ngayon. "Kamusta?. "Nakangiti ko namang nilingon si Jenet. "Okay naman ako bakit? ." "Anong sinabi ng Dean sayo? Bakit ka pinatawag? At talagang pinage ka pa. "Ramdam ko naman ang inggit ni Dena. Mas maganda nga na ikaw ang pinage para nandito ka sa kalagayan ko ngayon. "Ahh yon? Ayy weyt may assignment bang ibinigay si madam?."Pag iiba ko ng usapan?. "Meron, here. "Abot ni Jenet ng notebook nya inabot ko din yun at kinopya, ibinalik ko rin agad. "So bakit—."Di naman naituloy ni Dena ng dumating na ang teacher namin sya rin ang adviser namin si Madam Lerona dalaga pa sya at walang asawa. "Goodmorning class please be seated we will start the.... "Trinay ko ring making pero wala akong naiintidihan kaya di nalang ako nakinig, tumunga-nga nalang ako sa bintana at bilang dumaan si Louis. Dinig ko nalang kinilig ang iba sa mga kaklase ko. Ano bang ka kilig kilig sa lalaking yun? Gwapo nga sya pero di lang naman sya ang gwapo sa mundo. Mas lalong kumukulo ang dugo ko dahil ngayon ko lang narealize na kapag nagkakaroon ako ng problema sa twing nakikita ko sya, iniisip ko sya at kapag maalala ko ang pagmumukha nya. Sya ata ang malas sa buhay ko. Natapos ang leksyon at uwian na. "Mga cleaners maiiwan .....Walang tatakas !."pagbabanta pa ni madam bago umalis. "Sana oll Shylin di cleaners!."Niyakap Pa ako ni Geny. Hinila naman sya sakin ni Dena. "Maglinis ka na!. "Ayaw nya lang talagang mapalapit sakin si Geny. "Mauuna na ko sa inyo. "Paalam ko sakanila. "Di mo kami hihintayin?. "Nilingon ko naman si Jenet. "Pass muna ako ngayon. "Tumango nalang sya nakangiti akong kumaway sakanila patakbo pa akong niyakap ni Geny at hinila sya uli ni Dena. "Mauuna ako bye!. "Kumaway uli ako bago ko sila tinalikuran, binago ko na uli ang reaksyon ko pag wala akong kasamang pekeng kaibigan wala akong emosyon na ipinapakita sa ibang tao. Pero kaylangn ko paring magpanggap kapag na masayahing tao kapag may nag approach sakin o kaya naman may mga taong tumitingin sakin.. Naglakad ako ngayon sa shortcutan ko sa harap ng building ni ate, Senior nadin sya Grade Twelve di kami magkasunod ipinanganak umulit sya kaya ganon. Wala naman ng mga studyante na dito dahil nagsiuwian na din ata. Naramdaman ko naman na may sumusunod sakin kaya numigil ako saglit sa paglalakad at nilingon kung sino yon pero wala naman. At saktong pagharap ko ay may bumangga sakin *Blagg! Kaya lumagapak naman ang pwet ko sa sahig. Nakagat ko naman ang labi ko, di naman ako makatayo dahil naramdam ko na kumirot ang tuhod ko tinignan ko naman ang tuhod ko inayos ko ang itsura ko at itinukod ang tuhod ko at may gas gas ako don saka ko naalala na sugat ko pala to dahil sa kagabi at di ko to nalagyan ng band aid .. "Are you okay?. "Nilingon ko naman kung sino yon, si Louis kaya pala minalas ako at kumukulo ang dugo ko. Inabot nya ang kamay nya, tinignan ko lang ang palad nya at kahit hirap na hirap ako ay tumayo ako mag isa at tinalikuran sya. "Hinablot nya pa ang kamay ko, kaya tinignan ko ang kamay nya na nakakapit parin sa kamay ko. Di mo ko jowa. Binitawan nya naman agad ang kamay ko, di sya nakangiti gaya ng kanina at tama lang ang reaksyon nya samantalang ako nakatingin ng deretso sakanya at walang emosyon pagdating sakanya. Nababadtrip kasi talaga ako. "Bakit ba?."Inis na sabi ko, tumingin naman sya sa ibang direksyon at biglang hinubad ang coat at iniabot sakin. "Nasira ata ang palda mo."Tinignan ko naman ang palda ko at bukas na nga ang zipper buti nalang at fit ang palda ng school na to naka tak in naman ako kaya itinaas ko nalang ang zipper at inalis sa pagkakatak in ang long sleeves na uniporme ko para matakpan ang palda ko dahil mahaba naman ang laylayan non, tinignan ko naman sya at nakatingin di sya sakin. "Anong gagawin ko dyan? 'Di ko kaylangan nyan'. "Pagdidiin ko pa at muli syang tinalikuran at nagmadali ng naglakad papalabas. Nakita ko pa ang guard na nakatingin ng masama sakin di ko nalang sya pinansin at naglakad na papunta sa waiting shed at sumakay na sa tricycle na nakaparada don, sumakay ako sa bandang motor dahil presko ang hangin, pumikit nalang ako at inalala ang ginawa ko kanina. Ngayon ko lang narealize na gumawa nanaman ako ng kahihiyan at gumawa ako ng alala na panggigilan ko kapag naalala ko nanaman . To be continued......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD