Shylin's POV
"Antagal mo namang umuwi?. "Bungad sakin ni mama.
"Wala nalang tricycle kaya naglakad nalang ako
. "Tanging nasagot ko nalang at pumasok sa kwarto.
Nagpalit muna ako ng damit bago lumabas uli.
"Kain na! ."Sigaw ni mama habang may bitbit na ulam at inilapag yon sa lamesa "Asan si Ate mo?wala paba?."Di ko naman sya pinansin at dudukot nasana ako ng ulam na nasa lamesa nya ng paluin nya ang kamay ko."Masiba ka talaga!, asan na ang ate mo!. "Hinarap ko naman sya bago huminga ng malalim.
"Di ko alam! Hanapin mo kung gusto mong makita! Bat palagi nalang ako ang pinagtatanungan mo?! Mukha ba akong tanungan ng nawawalng bugnutin na kapatid?! Ni minsan ba hinanap mo rin ako?! Ni minsan ba nagkaroon ka din sakin ng pake?!. "
*plak!
Malakas na palo ni mama ng sandok sakin sa tagiliran nagising naman ako sa katotohanan na di ko yun kayang isigaw sakanya. Nakatulala lang ako kay mama habang nakatingin sya sakin ng nakasalubong ang kilay.
"Nandito na ako!. "Bungad ni ate lumapit rin sya kay mama niyakap nya rin si mama, dumukot din sya ng ulam na kakalagay palang ni mama sa lamesa.
"Ikaw talagang bata ka! San ka nanggaling?. "Nakangiting sabi ni mama ,tinignan naman ako ni mama ng masama at naupo na, nauna na ako sakanilang umupo.
"Sa library ma nagbabasa ng libro malapit na kasi periodical exam namin kaylangan kong mag review para maka habol. "Napangisi naman ako.
"Huh! Nagrereview?!. "Usal ko habang nagsandok ng kanina at pagkatapos ay ulam , nilingon naman ako ni mama ng masama tinignan din ako ni ate na nangbabantang tingin.
"Gayahin mo ang ate mo!. "Napangisi din si ate sakin at dinilaan ako.
"Ayaw ko nga ano ako walang originality.. "Bulong ko nalang. Naupo na din sila at sabay sabay na kaming kumain.
"Anong binubulong bulong mo dyan?!. "Inis na usal ni ate at aastang pupukpukin ako ng kutsara.
"Tama na yan! Nasa harap tayo ng pagkain!. "Natahimik nalang kaming dalawa."Jino ang cellphone mo kapag di mo yan binitawan kukunin ko na yan sayo... "Pagbabanta ni mama kay Jino, bunso kong kapatid Kinder palang yan pero may phone na , pinatratrabahuhan kasi nila mama ay kumpanya ng mga gadgets, manager si papa sa branch sa manila at manager si mama sa isang branch sa mall dito naman sa bicol, pati si kuya sa kumpanya nila mama nag tratrabaho bilang secretary ng may ari ng kumapanya, kaya madali lang kaming makabili pero di nila ako binibili bakit? Dahil nga sa grades kong baon na baon gaya ng sabi mama. May laptop lang ako kay kuya pa yon nag hahang na yon at old version na smartphone mahina ang signal pero maganda ang design kaya napansin ng mga kaibigan akong plastik.
"Opo... "Ibinaba nya agad ang phone nya at kumain, ang cellphone nya ay ang newest version ngayon.
Nag kwekwentuhan lang sila sa tungkol sa nangyayari sa school di naman ako isinasali ni mama at ni ate naman nakikisali din.
"Ikaw Shylin kamusta ang school mo."Takang tanong mama.
"Okay naman—"Di naman ako pinatapos ni Ate.
"Maa! Naalala mo ba yung blah blah blah blah... " at hahahaha nila okay lang sanay ka na diba?
Kahit kaylan naman di ka itinuring na pamilya ng mga yan.
Pagkatapos kong kumain tumayo na agad ako ng upuan
"Hoy san ka pupunta?."Sita sakin ni mama kaya tumigil ako sa paglalakad at nilingon sya.
"Sa kwarto. "Sagot ko.
"Anong sa kwarto ikaw ang nakatokang maghugas ngayon. "Kumunot naman ang noo ko.
"Ako rin kahapon ng gabi ah. "Takang tanong ko pinigilan kong maging irita ang tono ng pananalita ko at maging sarkastiko.
"Pwes ikaw din ngayon dahil mag rereview ang ate mo!. "Wala naman akong magawa kundi ang umupo sa sala at hintayin silang matapos.
Ng matapos na sila ay agad kong inilipat ang ang pinagkainan nila sa lababo at sinimulan ng hugasan.
"Ansarap talag ng buhay kapag di ikaw ang nag huhugas ng pinggan. "Pagpaparinig pa ni Ate.
"Kala ko ba mag rereview ka?. "Nakatingin parin ako sa hinuhagasan ko habang sinasabi yun, nakasandig sya sa pader ng alibabo
habang may hawak na baso.
"Mmm mag m-ml lang naman ako."
"Huh sabi na ngaba ma! Si ate mag mml lang naman!. "Malakas na sigaw ko.
"Tigiltilan mo ko Shylin may mas tiwala ako sa ate mo kesa sayo."Tinignan ko naman si ate at dinilaan nya lang ako.
Matatapos na sana akong maghugas ng inilapag ni ate ang hawak nyang baso kanina.
Tinignan ko naman sya ng masama at hinugasan ko nalang yon saka padabog na pumasok ng kwarto.
Kinuha ko ang bag ko nakalagay sa upuan ko at ako ang umupo sa upuan inilagay ang bag ko sa lap ko, niyakap ko pa yon saglit bago ko binuksan.
Di naman ako nag susulat ng mga notes kaunti lang rin ang notebook na dala dala ko.
Inilapag ko muna ang bag ko sa sahig at binuksan ang laptop ko.
"Bwisit nagloko nanaman. "Iritang bulong ko habang binubuksan yun.
Mga ilang minuto bago yun nagbukas.
Kaylangan ko na talaga mag ipon para sa bagong laptop at kaylangan ko narin maghanap ng laptop na bibilin.
Nabili na kasi yung laptop na gusto. Limited edition at newest version yon ng New Tech isa lang ang nakarating na ganon dito sa bicol at sa Zentro Mall lang ang meron.
Dahil kung wala ng laptop di ko ma babantayan ang website na ginawa ko.
Gumawa ako non dahil sa sobrang stress ko, may mga alam din ako sa coding at paggawa ng websites dahil sa kababata ko na iniwan na ko, magaling sya sa computer dahil IT ang tatay nya naman nya rin tinuturuan nya rin ako kahit papano at ang ibang alam ko ay ni research ko nalang, lahat naman ng bagay ngayon ay kaya ng isearch. Sa pagbuo ko sa website na realize ko na di pala minamadali yon, mga magdadalawang taon bago ko nagawa ang website na pinangalan kong "AFA" o Ask for Advice pwede kang gumawa ng account at kung gusto mong hindi ilagay ang pangalan mo okay lang basta may username kang ilalagay at you're already log in pero may policy muna na kaylangang sundin. Nakalagay sa policy na ginawa ko ay kapag nagbigay ka ng advice na di nakakatulong o nag natanong ka na di naman maituturing na problema o tanong ay automatic na ibloblock ang account mo .
Pwede rin na i-pm mo ang taong gusto mong hingian ng advice, pwede kang humingi ng advice dito dahil kagaya ko ay wala akong nakakausap kaya ginawa ko yung inspirasyon para makabuo ng ganitong website, para narin makatulong sa katulad ko na palaging sinasarili ang problema. Medyo kilala narin ang website na to pero di to masyadong pinaguusapan sa social media dahil illegal website to.
Pero di naman lahat ng tao disiplinado, maraming nagloloko sa website na to kaya kaylangan ko paring bantayan, dahil minsan puro mga di magandang tanong ang pinopost ng iba at di nakakatulong na sagot ang isinasagot ng iba kaya agad ko silang tinatanggal at blinablock ang account nila sa website , pero sa lagay ng laptop ko di ko yun magagawa.
At ito lang bagay na di ko sinukuan, dahil palagi akong sumusuko sa mga bagay sa buhay ko kaya ito nalang palagi ang inaatupag ko at pakiramdam ko kapag ito ang ginagawa ko ay masaya ako at dito lang sa bagay na ako nagpapakatotoo.
Shinut down ko nalang ang laptop ko at kinuha ng cp.
Nag online nalang ako at dito ko nalang babantayan at iilista ang mga username na ibloblock ko kapag nagloko sa website.
*Tick tack! (Ringtone yan. )
Binuksan ko naman ang notif ng message app ko.
"Magload na para tuloy tuloy ang saya. "Badtrip na basa ko sa text. "Putol putol ata ang saya !."Inis na sabi ko, tumayo ako ng upuan at pumunta sa alkansya ko na baboy at kumuha ng singkwentaytres pang pa load, ito ang ipon ko kakapalibre ko sa mga kaibigan ko kuno.
Lumabas ako sa kwarto , sudsud akong maglakad kaya napansin agad ako ni ate nasa sala sya nanonood ng tv habang may mga notebook sa coffee table.
Di naman nag rereview ang shuta!
Tumigil naman ako sa pagsuot ng tsinelas at sumilip uli sa loob.
"Ate kapag hinanap ako ni mama sabihin mo na magpaaload lang ako. "Paalam ko.
Wala naman akong narinig na sagot pabalik sakanya kaya lumbas na ko.
SHORT POV OF LYLI
"HAHAHAHAHAHA!!!!. "Malakas na halakhak ko. "Anong sinasabi mo Shylin?. "Sabi ko habang nakatingin sa tv at bago ko sya nilingon uli."Asan na yun?. "Hininaan ko muna ang TV bago pumunta sa kwarto nya pero wala sya don, tinignan ko rin ang cr pero wala rin sya don.
Naghintay muna ako ng isang minuto dahil baka bumalik rin si Shylin pero wala pa rin sya, napagdesisyunan ko na agad na isabi kay mama na nawawala si Shylin.
Continuation of Shylin's POV
"Oo mag iingat ako para di makagat ng aso."Bulong ko nalang bago naglakad papunta sa tindahan.
Malalayo ang distansya ng mga bahay kaya may mga daan na madilim dahil ang mga street light ay puro pundido o kaya naman ninanakaw.
"Paload!. "Sigaw ko sa tindera na nag t-tik tok.
"Ilan?!. "Badtrip na sabi nya habang pinapatay ang phone nya.
"Singkwenta regular. "Hinintay nya muna na mag text ang load at tinignan ko rin sa phone ko kung pumasok na bago ko ibinigay ang bayad, naupo muna ako sa upuan dito sa harap ng tindahan.
Ini register ko muna bago ako nag online.
Walang signal sa harap ng tindahan, tumingin ako sa oras at maaga pa naman kaya naglakad lakad muna ako para maghanap ng signal hanggang sa maka abot ako sa tapat ng isang apartment, bukas ang hagdan papunta sa rooftop.
Umakyet agad ako hanggang sa maka abot ako sa rooftop, tinignan ko ang signal at malakas nga.
Naupo ako sa isang upuan at agad na nag log in sa website. Nag scroll scroll lang ako hanggang sa mapansin ako na question ng isang 'Asker '.
'Asker' ang tawag sa mga nagtatanong at 'Advicer ' ang tawag sa nag aadvice.
"Natural lang ba na nagagalit ang babae kapag nakita ng mga lalaki na umiiyak sila mag isa? Mag so-sorry ba ko dahil nagalit sya?. "
Possible bang sya to?
Napangisi naman ako, imposible mukha syang ma pride at parang alam ang lahat ng ginagawa, kaya imposible na gumawa sya ng account sa website na to. At sobrang daming tao sa pilipinas na nag kaka problema.
May account din ako dito sa website na ginawa ko. Binuksan ko ang "Advice section" pwede ring comment section.
"Hindi naman natural na magalit ang babae kapag nakikita sila na umiiyak, minsan kapag badtrip talaga sila oo nagagalit kami/sila kapag nakikita nyo kaming mga lalaki na umiiyak magsorry ka kung binadtrip mo palalo. "
"Ano ba kasing ginawa mo, ikaw ba ang nagpaiyak?, Kung ikaw ang nagpaiyak mag sorry ka "
"Kapag nakikita naman akong umiiyak ng ibang tao o ng lalaki di naman ako nagagalit, pero tanungin mo muna sya kung bakit sya nagalit sayo, bago ka magsorry. "
Di ko binasa ang iba at dahil nga naka relate ako
ay nagcomment din ako.
"Iba't iba naman ang ugali ng tao kaya kesa mag sorry ka hayaan mo nalang sya at kung ano man ang nakita mo ay kalimutan mo nalang. "
Loading......... Posted!
Nabaling naman ang atensyon ko sa oras mag hahating gabi na!, kaya agad akong napatayo at patakbo na bumaba ng hagdan may nalakasalubong pa ako na kung sino kaya mas lalo pa akong nagmadali at agad na nakalabas ng apartment.
Patakbo rin ako habang papunta sa bahay, ngayon ko na realize na ang layo din pala ng narating ko.
"Arf! arf! arf! arf! arf!" Natisod pa ako sa kung ako at lumagapak ang katawan ko sa sahig ng kasalada. "Arf! arf! arf! arf! arf!."Tumayo agad ako kahit ramdam ko ang sakit ng tuhod , braso at hapdi ng mga yon.
Mabilis akong tumakbo hanggang makarating ako sa bahay.
Agad kong binuksan ang gate at isinarado din yon agad at iika ika na pumasok sa loob ng bahay.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si mama na may hawak na baso ng tubig at naka upo sya sa dining table, nilingon ko naman si Ate hawak nya ang phone nya ng nakita nya ko ay agad nya akong nilapitan at...
*Plakkkkk
Malakas na sampal nya sakin kaya naramdaman ko ang hapdi ng pisngi ko.
"San ka ba nagpupunta?! Ha?!. "Nagtaka naman ako.
"Anong pinagsasabi mo?. "Salubong na kilay na tanong ko ayaw Kong pantayan ang galit nya dahil wala naman akong alam sa pinagasasabi nya ..
"Nag mamaang maangan ka pa?! Naglakwatsyaka no?!."
"Huh?! Sabihin mo nga sakin kung san nanggagaling yang mga sinasabi mo! Di talaga kita maintindihan! Nagpaalam ako sayo—"
"Nagpaalam?! Wala naman akong narinig basta nawala ka nalang!."Aasta naman syang sasamapalin uli ako pero hinawakan na ni mama ang kamay nya.
"Kapag inulit mo pa to mapipilitan talaga ako na ibalik ka! , kay mama sa Ligao!. "Di ko sila maintindihan pero kahit ano naman gawin ko di nila ako papakinggan, mas magandang pigilan ko nalang ang ng luha ko na pumatak kesa ipagtanggol ko ang sarili ko at huli naman ako papaniwalaaan. "NAGLALAYAS KA NA NGAYON! At sa hating gabi ka patalaga umuuwi?!. Uwi ba to ng normal na babae?! Yan ang natutunan mo sa mga kaibigan mo?!."Duro nya pa sakin,napayuko nalang ako habang pinipigalan ang luha ko."Sabi ko sayong gayahin mo ang ate mo! Nag aaral ng mabuti!. Di ko alam kung san mo namana yang ugali mong pagiging suwail!...Di pa ba kami sapat ng pamilya mo!? Ha?!—"Di ko na napigilan na bumuhos ang luha ko sa huling salita na sinabi nya, nanlalambot na ang tuhod ko pero kaylangan ko paring harapin si mama.
"Oo di kayo sapat. "Sagot ko kay mama.
"Anong sabi mo?!. "Inis na sabi ni Ate.
"Ulitin mo nga yang sinabi mo?!."Malakas na sigaw ni mama. Iniaangat ko ang ulo ko at tinignan ko sila isa isa, at saka tinignan si mama sa mga mata nya na parang di nakokonsensya sa sinasabi nya.
"Di kayo sapat kasi kulang na kulang kayo! Nagkukulang kayo sakin! Satingin nyo ba iniisip ko na itinuturing nyo kong pamilya?! Ni Hindi ko nga nararamdaman na parte ako ng pamilyang to eh!."Di ko na napigilan ang sarili ko na sabihin ang mga salitang yun na nasa isip ko na simula pagkabata ko.
*Paaaakkkkk
Malakas naman ako ni mamang sinampal sa mukha ko .
"Tapos ka nang manumbat?! , bumalik ka na sa kwarto mo at bukas na bukas ay kukunin ko ang mga gadgets mo! At bukas na bukas rin umuwi ka ng maaga , di ka rin lalabas ng bahay!. "Nilingon ko uli sya .
"Sabi ko na nga ba, wala ka naman narinig sa mga sinabi ko! Lumaki naman ako na walang nanay eh , kaya mas mabuti ngang ibalik mo na nalang ako kay lola! Dahil don itinuturing akong pamilya!."Malakas na sigaw ko sa harap harapan nya at patakbong pumasok sa kwarto at nilock ang pinto.
At naupo sa sahig. Isinandig ko ang likod ko sa pader ng pinto at ipinatong ang ulo ko sa mga braso ko na nakapatong din sa tuhod ko na humahapdi na dahil sa pagkakadapa ko kanina.
Mas lalong lumala ang sakit ng mga sugat ko pero mas nararamdaman ko padin ang sakit ng mga sinabi ni mama sakin.
To be continued