Her
Louis POV
"Take you're break. "Lumabas na ang teacher naman kaya....
"And.....VICTORY!. "Malakas na sigaw ni Domson.
"Mmm sino yung sumigaw?. "Takang tanong ni Zoely at nag unat unat pinatunog nya pa ang leeg nya.
"Si Domson."Turo ni Loren habang nagbabasa ng pocket book.
"Domson lumapit ka dito. "Umiling iling naman si Domson sakanya."Lalapit ka o lalapit ka?."Unti unti namang lumapit si Domson sakanya.
Pero bigla syang tumigil.
"Habulin mo muna ako~. "Pakanta na sabi nya at tumakbo palabas ng room.
Tumayo narin ako ng upuan at lumabas ng room.
Sumabay din sakin sa paglalakad si Loren.
"Anong nangayari sayo kanina?. "Nilingon ko naman si Loren at nakatingin lang sya sa libro na hawak nya.
"Sakin?. I'm okay."
"No you're not, pagbalik mo kanina nung nag cr kayo ni Domson para kang nakakita ng kung ano. Ni hindi ka nga nagsusulat ng notes. "Napangisi naman ako.
"Kasalanan yon ni Domson, he lock the comfort room kaya umihi ako sa likod ng building natin and..... And. "Bigla ko nalang naalala yung babae kanina.
"And? What happened?. "
"Uh.... "
"Nahihiya ka sa ginawa mo?. "Lumingon naman ako sakanya at nakatingin na rin sya sakin.
"Y-Yeah. "Tanging naisagot ko nalang.
"Don't be, kapag nalaman yan ng mga followers mo sa social media mas dadami ang f-follow sayo. "
"Shut up. "Nakangising sabi ko nalang.
"Don't shout when I'm sleeping!."Malakas na sigaw ni Zoely sa teynga ni Domson habang pingot pingot nya , papalapit na sila samin..
"Oo na master!. "
"Good. "Sabay bitaw sa teynga ni Domson.
"Tra na sa canteen. "Nakangiting aya samin ni Zoely.
"Kahit wala kayo pupunta talaga kami don. "Tumango naman ako sa sinabi ni Loren nagbabasa sya ng pocket book na hawak nya habang sinasabi nya yon.
"Uhhh what ever... "Sabi nalang ni Zoely at tinalikuran kami at nauna ng mag lakad.
"Hi Louis. "Bati sakin ng isang babae kaya tumango nalang ako sakanya, wala ako sa mood ngayon dahil sa nangyari kanina sa likod ng building.
Kilala rin ako sa school dahil marami akong sinasalihan na activities , isa pa sa itsura ko. Pero walang nakakaalam sa estado ng buhay ko maliban sa malalapit na kaibigan ko.
Namumuhay lang ako mag isa sa apartment ko malapit sa school dahil malayo ang tunay na bahay namin dito. Bata palang ako ay lumipat na kami dito, dati rin kasi kaming nakatira sa manila pero sakitin ako kaya nagdesisyon si mom na dito nalang kami manirahaan.
Pero ang Company ni Dad ay nasa manila kaya palagi syang wala dito sa Bicol dahil nandon sya sa manila para patakbuhin ang kumpanya namin.
At para di ma bored sa apartment ko ay gumawa din ako ng social media accounts ko sa lahat ng apps na uso ngayon dahil I also want to socialize.
I don't want to be a outsider.
Si Zoely lang ang bestfriend ko sa kanilang tatlo bestfriend ni mom ang mom nya , naging kaibigan ko lang sila Loren at Domson sa mga sinalihan kong activities sa school.
Ng makarating kami sa Canteen ay naupo agad kami sa isang vacant table.
At umorder, kumain na din kami agad ng dumating na ang foods.
"Hey Louis... Louis!. "Nilingon ko naman agad si Zoely.
"What is it?. "
"You see that table right?. "Itinuro nya yung table katapat lang ng counter.
"And?. "Napa irap naman sya.
"I'm just curious but I think lahat ng babae sa table na yun gusto ka... So ikuha mo nga ako ng drinks. "
"Ano konek ng sinabi mo kay Louis at inuutusan mo syang kumuha ng drinks. "Sabi ni Domson habang kumakain ng pakain nya.
"I'm curious kung kikiligin sila kapag lumapit si Louis. "Napa "ahhh" nalang si Domson sa plano ni Zoely.
"Meron ka pa namang drinks. "
"Domson?..."Nagtitigan naman sila at biglang ininom ni Domson ang isang basong drinks ni Zoely at inilapag uli sa lamesa ng maubos na. "Wala na!, ikuha mo na ko please?... Please?....please, please!. "
"Huh... What ever. "Tumayo nalang ako at dumeretso agad sa counter at umorder ng drinks ni Zoely.
Naramadaman ko naman na may nakatingin sakin kaya tumingin ako sa gawi ng lamesa na itinuturo sakin ni Zoely at nakita ko ang babaeng yon kanina, nag iwas agad sya ng tingin kaya di nadin ako nag pahalata na tumitingin sa gawi nya.
Why she acting so weird?
"Uy!."
"Yes?."Tinignan nya lang ako at saka napansin na inaabot nya sakin ang inoorder ko at mukhang badtrip na sya sakin, kinuha ko na agad yon sakanya. "Thanks." At bumalik na sa table .
"See? Lahat nga ng babae sa table na yon ay may gusto sayo ."Di ko nalang inintindi ang pinasasabi ni Zoely .
"Do you think 'coincidence' is the appropriate word, para sa mga taong nagkikita kahit matagal na panahon na?. "Tinignan naman nila akong tatlo.
"Are you sick?, bakit ka nagtatanong ng mga ganyan?. "Kunot noong tanong sakin ni Zoely
"I'm just.... Curios nag pop out lang sa utak ko kaya di na mawala sa isip ko. "Ayaw 'nya' ng mawala sa isip ko.
"Sometimes unexpected things happens in everyone's life so I think the appropriate word for you're curiosity is 'impossible' , to met someone na matagal mo ng di nakikita at bigla nalang nagpakita that's totally impossible, you can also call it fantasy."Tumango tango naman ako sa opinion ni Zoely.
"Alam ko na!. "Nilingon naman naming tatko si Domson na tumayo pa. " It's only one two word !.....Magpapaload ako. "Nakatanggap naman sya ng palo kay Zoely.
"The appropriate word is Destiny, Tadhana, yeah sometimes it's impossible but, there's no synonym without antonym. Impossiple can be possible. "
*Clap *Clap *Clap
"Possible rin bang di na magkajowa si Zoely?!. "Pang aasar ni Domson kay Zoely.
"That's possible. "Panggagatong ni Loren.
Then it called Destiny? or I'm just fantasizing what my minds told me.
Is it impossible or we really met each other because of destiny?
Ng matapos na kaming kumain ay bumalik na agad kami sa room at naghintay ng teacher.
"Mr. Esteban?. "May bigla nalang kumalabit sakin kaya nilingon ko si Loren at itinuro nya si Sir.
Tumayo naman agad ako.
"Answer number..... All of activity three. "Lumapit ako sa whiteboard sinagutan din lahat yon at bumalik na sa upuan. "Thanks Mr. Esteban dahil sayo ay nawala wala ang init ng ulo ko dahil mga studyante sa lower section na puro mahihina ang utak. In section 9 there was a girl, walang alam sa subject ko pati narin ata sa ibang subject....okay let's resume. "Girl? Di ko nalang pinansin at patuloy parin ang titig ko sa bintana.
Ng bigla may dumaan na tatlong grupo ng babae
.....at bigla akong napatayo at sinilip pa sila papaalis.
Sya yon. Isa sya sa mga babaeng naglakad.
"Uh Mr.Esteban?, would you like to explain?. "
"Uhmmm.....I'm just stretching. "
"Sa P. E class mo nalang yan gawin I'm lecturing right now....You may seat now. "
"Yes sir. "Nilingon ko naman si Zoely at natutulog lang sya si Domson naman nag lalaro at si Loren lang ang seryosong nakatingin sakin.
"What happened to you?. "Pabulong na sabi nya. "Just stretching my a*s. "Nginisihan ko nalang sya at ibinaling uli ang tingin sa labas ng bintana.
Ano nga ba talagang nangyayari sakin?
Pagkatapos ng lahat ng subject ay tumambay muna kami sa isang mall na malapit sa school.
"What's happening to you?. "Bulong ni Loren, nilingon ko naman sya at kumunot ang noo.
"Why?. "
"There's something wrong about you, di ko lang alam kung ano."Kinuha ko naman ang lalagyan ng fries na hawak nya at kumuha rin.
"You're just imaging, stop reading pocket books. "Nakangising sabi ko habang nakatingin sa mga tao sa mall.
"May bumabagag na babae sa isip mo?. "Natigilan naman ako at nilingon uli sya.
"How did you—I mean paano mo nasabi?. "
"I think you need to start reading pocket books."Tinap tap nya pa ko bago nya kinuha ang fries na hawak ko.
"Huh! Ang hambog hambog ng isa sa mga babaeng yon kala naman maganda!. "Napalingon naman kami ni Loren sa mga babae na padaan palang sa harap namin.
At nakita ko uli sya, lumingon din sya sa gawi ko pero parang wala lang syang pake at lumingon uli sa daan.
"Puro sila salita kaya naubos ang pera nila. "
"Diba?! You're right, walang naitutulong ang kayabangan kung di ka matalino pagdating sa kalokohan *apir.....Hey Louis?! Louis!!. "
"What?."Usal ko habang nakatingin parin sa pinuntahan nung babae kanina.
Bigla namang humarang sa harap ko si Zoely.
"Sino bang tinitignan mo dyan?! Whatever, look what I got!. "Ipinakita nya naman sakin ang mga teddy bear na hawak nya.
"Mmmm congrats?. "Napangiwi nalang sya at ibinato sakin ang isang teddy bear na nakuha nya ata sa vendo machine.
"That's for you weirdo and for Domson, and this is for you Loren? You're reading again?...whatever that's for you. "
"Bakit frog?. "Takang tanong ni Domson, parepareho kasi na frog teddy bear ang ibinigay nya samin.
"Ahhh... There was a girl kasi na nakakuha ng nag iisang frog princess na ka couple nyang sainyo. "
"Yung babaeng pang huling naglaro ng vendo machine?. "
"Yeah"
"Anong konek?. "Pambabara sakanya ni Domson.
"Slow, baka isa sa inyo ang nakakuha ng ka couple na teddy bear nya , kasi napansin ko na may mga nakalagay na word sa likod ng teddy bear, like this one 'LO' Baka ang ka couple nito ay 'VE' and baka mamaya makatuluyan nyo ang mga nakakuha ng mga ka couple na teddy bear na yan. ,"
"Ang dami mong alam, mga babae talaga. "Pa iling iling na sabi ni Domson.
"Kj! Ibalik mo nalang sakin kung ayaw mo!. "Nag agawan lang sila ng..
"Ouch! Oh I'm sorry—"Natigilan naman si Zoely ng makita nya kung sino ang nakabangga nya.
"Zoe?."
"Do I know you?. "Napa iling iling naman ang lalaking yon at napangisi.
" To too nga ang sinsabi ng mga barkada ko sayo, kapag di mo type ang lalaki nilalayuan at di mo chinachat at kapag nakita mo nagapapanggap kang di mo kilala. "Duro nya pa kay Zoely.
"Sorry talaga pero sino ka ba? Di talaga kilala. "Tatalikuran na sana nya si Zoely pero nito ang braso nya don kami natigilan at lumapit kaming tatlo sa pwesto ni Zoely.
"Aray! Get off me!. "Inalis naman agad ni Domson ang kamay nung lalaki sa braso ni Zoely.
"Tama na sinasaktan mo sya. "Napangisi naman ang lalaking yon kay domson at hinila ang kamay nya.
"Ito na ba yung bago mo? Isa lang ang advice ko sayo pre hiwalayan mo na agad yan dahil manloloko at sinungaling ang babaeng yan!. "Dinuro nya pa si Zoely sa mukha kaya agad Kong hinila si Zoely papunta sa likod ko at hinarap ang lalaking to.
"Who do you think you are para sabihan sya ng mga salitang yan? ."Di naman sya nakasagot."Don't you ever touch her again. Wag ka naring magpapakita samin o sakanya. Get lost."Napangisi naman sya at tinignan si Zoely at saka umalis.
Naupo uli kami sa table at nanaig ang katahimikan tanging mga tao lang sa mall ang nag iingay.
"Ex mo yun no?. "Pangunguna ni Domson .
"Oo. "Sagot naman ni Zoely sakanya.
"Bakit tinanggi mo? At sinabi mo pa na di mo sya kilala? Do you think di sya napahiya sa ginawa mo?. "Inis naman na sabi sakanya ni Loren.
"Tama si Loren, bakit di mo sya kinausap ng maayos. "Ako.
"Sa pagkakatanda ko, walang kame, di naging kame, at MU lang kami hanggang dun lang, oo dinate ko sya , chinat nya ko ng I love you chinat ko rin sya ng I love you too, pero wala naman syang sinabi na manliligaw sya o whatsoever. May karelasyon ako nung kami pa. I mean nung MU pa kami."Nasapo ko nalang ang noo ko at napailing iling sila Domson at, Loren kay Zoely.
"Kaya mo sinabing di mo sya kilala?, pero may pinagsamahan din naman pala kayo. Do you think that will close the case? Base sa ugali nya di nya papalagpasin ang ginawa mo. "Napa Cross arms naman sya at napairap.
"Okay okay, kakausapin ko sya... Pero bukas na dahil late na ako sa date ko buti nalang nandito na tayo mall magpapalit nalang ako ng damit ko."
"Wow may gana ka patalagang makipag date?, naalala mo ba yung nanagyari kanina? O gusto mong ipaalala namin sayo?."Sarkastikong usal ni Domson.
"You know Dom that's not the first time na nangyari yon, minsan nga nakakasalubong ko pa ang iba sakanila sa mall sa park, habang may ka date akong iba eh, so shut up! and bukas ko na sya kakausapin para matahimik kayo, bye!. "Patakbo pa syang umalis at saka kami nagtinginang tatlo.
"Let's go for a walk before we go home. "Tumango nalang si Domson at Loren at isinabit ang bag nila sa balikat ginawa ko rin yon at nagsimula na kaming maglakad lakad.
"Di ko talaga maintindihan ang babaeng yon di na nadala!. Tignan mo makakahanap din yan ng katapatnya."Iritang usal ni Domson.
"Wala namang pake ang mga magulang nya sakanya. "
"Loren.. "May pagsisita sa tono ko.
"Why?, it's true. "
"Alam natin kung bakit sya naging ganyan. "Narinig ko nalang ang pagbuntong hininga nila.
Si Zoely ay isang adopted daughter congressman ang dad nya at ang mom nya naman ay sumusuporta sa Dad nya kaya palagi syang walang kasama. At alam nya sa sarili nya na di sya mapapansin ng mga magulang nya kung di sya gagawa ng mga ayaw nila. Mabuti din ang mga tumatayong magulang nya sakanya pero sadyang pasaway talaga sya.
Tumigil naman agad ako sa paglalakad sa harap ng isang sa branch ng Business namin dito sa mall ng makita ko uli ang babaeng yun na na sa loob ng store.
Nakatingin lang sya sa isang laptop.
Gusto ko sana syang lapitan pero pano ko yun gagawin.
Wala nga akong kaalam alam mag approach ng isang babae at isa pa sa nangyari kanina sa likod ng building's di ko alam kung pano.....
"Oy!."Nabalik naman ako sa ulirat ng takpan ni Domson ang tinitignan ko, tinignan ko uli kung nasan ang babaeng yun kanina pero wala na sya. "Nauna na kaming maglakad tas nandito ka papala?!."Di ko naman sya sinagot at pumasok sa store.
"Miss how much is this?. "Turo ko sa laptop na tinitignan ng babaeng yon kanina.
"Sir it's 110, 000 pesos ito rin po ang newest laptop ng New tech at limited edition din po ito. It's V pro—."Di ko naman sya pinatapos.
"I'll buy it do you accept credit cards. "
"Yes sir. "Agad nya namang inayos ang mga resibo at pagbayad sa laptop pagkatapos ay ibinigay nya na sakin .
"Diba may laptop ka na?......ikaw ahhh alam mo na kasing malapit na yung birthday ko kaya binili mo na ako ng pang reagalo mo! Louissss!!!!. "Pakanta nya pa sa pangalan ko at aastang yayakapin ako.
"It's not for you Domson. "Tinignan ko naman si Loren at nakatingin din sya sakin, ibinalik ko nalang uli ang tinigin ko sa paper bag na hawak ko kung nasan nakalagay ang laptop.
"Hindi para sakin?...para kanino? Sayo Loren?. "
"No. "Tanggi naman ni Loren.
"Para kanino?. "Ngumisi nalang ako.
"Di ko rin alam."
"Huh? "Dinig kong usal ni Domson."Ewan ko nga sayo! Bibili ka ng gamit tas di mo alam kung para kanino? Bat ka pa bumili?. "Dada nya pa sakin.
"Tumahimik ka na, samahan mo nalang ako sa bookstore naalala ko bibili pala ako ng libro. "
"Ano namang gagawin ko don?. "Iritang sagot ni Domson kay Loren.
"Sasamahan ako?. "Sarkastikong sabi nya.
"Sige na nga kung di lang talaga lobat cellphone ko di ako sasama sainyo, ikaw Louis? Dyan ka nalang?. "
"Mmm..Dito muna ako, mauna na rin kayong umuwi, mag chat ka nalang sakin Loren kung nakauwi na kayo. "Tumango naman si Loren sakin.
"Di talaga para sakin yan?. "Nguso pa ni Domson sa laptop.
"Tara na... "Hila sakanya ni Loren kaya napangisi nalang ako at tumingin pa ng ibang gadgets at accessories ng mga gadgets dito.
Di ko talaga alam kung bakit ko to binili, pero plano ko tong ibigay sakanya sa tamang panahon.
"Kawawa naman yung studyanteng babaeng balik ng balik dito."Dinig kong sabi ng isang sales lady sa kasama nya sa counter.
Kaya lumapit ako ng kaunti dahil may kutob ako na sya ang pinag uusapan nila.
"Sinong studyante?, yung pumunta rin dito kanina. "
"Oo yung nakasimangot ang mukha at medyo mataba! Yun, satingin ko gusto nya ng laptop na binili kanina ng studyanteng gwapo, kung ako lang may pera bibilin ko yun tas ibibigay ko sa studyanteng yon tapos i-blo-blog ko para sumikat ako. "Pinalo naman sya ng kasama nya.
"Maging manager ka muna ng branch na to para magawa mo yan. "Pa iling iling pa nasabi ng kasama nya.
"Miss yung babaeng pinag uusapan nyo kapareho nya ba yung uniporme na suot ko?. "Di ko na mapigilan na magtanong.
"U-uh..."Nagtinginan pa sila ng kasama nya bago nya sinabi sakin.
Pagkatpos nyang sinabi sakin ay umuwi na din ako agad sa apartment ko.Maliit lang ang apartment na inuupahan ko, may isang kwarto at isang cr, may maliit na table den na nagsisilbing dining table ko. Pumasok na sa kwarto ko.
Naupo agad ako sa swivel chair at inilapag ang laptop na binili ko sa study table at tinitigan yon.
Ibig sabihin matagal nya ng gusto ang laptop na to?.
Short Flashback
"Oo matagal nya na yang gusto boy! Palagi syang nandito araw araw pero minsan wala rin sya. "Panimula ng kahera.
"Really?. "Tumango tango naman sya.
"Pumunta rin sya dito kanina kakaalis nya palang. "Sabi ng isang sales lady na nag oorganize ng mga product.
"Teka nga boy nakokonsensya ka Ba? Ibabalik mo ba yan?!."
"Makasigaw naman to!. "Sita sakanya ng kasama nya.
"Hindi po curious lang po ako. "
"Ano mo ba sya boy?. "Takang tanong ng sales lady na nag oorganize ng product sakin.
"I don't know. "Nagpalaam narin ako pagkatapos kong makakalap ng impormasyon.
End of flashback
Sana maibigay ko to sayo sa tamang panahon.
To be continued...