The Book
Aurora's POV
"The Book of Enchanted Ones" Sabi ni Principal Gil na katabi ko ng upo
Biglang umingay ang paligid at nagkaroon ng samo't saring opinyon. At yung iba ay nakatingin sa'kin na para bang may kung ano akong ginawa sa kanila.
Lumakas ang kaba na naramdaman ko mula pa kanina at hindi na ako mapakali. Maraming katanungan ang tumatakbo sa aking isipan.
"Quite!" Mautoridad na sabi ni principal Gil. Hindi ito mukhang galit ,at lalong hindi ito kalmado.Katamtaman lamang pero matitinag ka talaga dahil sa boses nito.
Bigla naman natahimik ang lahat , ang iba pa nga ay nagulat pero hindi ko na alintana yun dahil busy ako kakahintay sa lalaking inutusan kanina nong isang eleganteng matanda na hindi naman gaano katanda sa tingin ko medyo kulubot lang yung balat niya ng kunti.
Biglang bumukas ang pinto at napalingon kaming lahat doon. Pumasok ang kanina ko pa hinihintay na lalaki na humihingal pa at naghahabol ng hininga bago magsalita.
"The Book-" huminga muna siya bago nagpatuloy.
"It's gone."
Dahil sa sinabi niya ay napatayo ang lahat maliban sa'kin na hindi ma register sa utak ang mga nagyari.
********
This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
This story and characters are fictitious. Certain long-standing institutions, agencies, and public offices are mentioned, but the characters involved are wholly imaginary.
PLAGIARISM IS A CRIME!
CONTAINS GRAMMATICAL ERRORS.