?????...
AFTER the incident ay pinatawag kaagad si Sam sa principal's office. While Diana are in her dorm along with her roommate Cheska na nagpapagaling. Nagkapasa kasi ito dahil sa ginawa ni Sam sa kaniya.
Samantala, galit na galit naman si Grey sa ginawa ni Sam while Sophia and Scarlet are shocked of what had they saw earlier. Lucas and Marco are sitting beside Samantha na hanggang ngayon ay hindi pa din nagsasalita.
Hindi alam ni Sam kung anong ginawa niya at kung paano niya yun nagawa. Basta tinulak lang niya ito at tumilapon na sa pinakamalayo. Naguguluhan man siya pero hindi pa din nawawala ang galit niya.
" What the f*ck Samantha! Alam mo bang malaking g**o ang ginawa mo?" Galit na Grey ang bumasag sa katahimikan.
Hinihintay pa kasi nila si Gil na pansamantalang nasa labas ng paaralan dahil may inasikaso patungkol sa nakapasok na mga black shadow sa paaralan nila.
" I know." Sagot naman ni Sam.
Hinawakan naman siya ni Sophia animo'y pinipigilan sa pagsagot. Nakuha niya naman ang ibig sabihin nito.
" You know? Then Why did you do it?" Mahinahon namang tanong ni Lucas.
Scarlet let out a big sigh then speak.
" Its obvious. Knowing Diana? Huh! Kung ako lang din naman ang ginanon niya well baka natusta ko na siya! Mas maarte pa kaya 'yun sa'kin!"
" Stop being amateur Scarlet! Your not helping." Galit na sabi ni Grey.
Natahimik naman si Scarlet.
Nagtaka naman si Sam dahil ngayon niya palang nakita na hindi sumagot-sagot si Scarlet. Mukhang seryoso nga ang ginawa ni Sam. Binigyan na naman niya ng problema ang mga tao sa paligid niya.
Hindi naman niya ginusto ang mga nangyari. Sadyang mapaglaro lang talaga ang tadhana sa kaniya.
" Bare yourself. You might face a big punishment." Mahinahon ngunit ma-autoridad na wika ni Grey.
Dahil doon napalingon si Sam kay Grey na hindi makapaniwala.
" Na naman? Hindi ko naman kasalanan na nangyari 'yun sa kaniya huh! Siy-"
" I don't need your explanation Samantha. What is being done is done! So sit still and don't do anything stupid again!" Ma-awtoridad na wika ni Grey sa dalaga.
Samantha got angry dahil sa tinigilan na naman siya ng binata ng hindi pinakikinggan ang side niya.
She greeted her teeth in anger.
Padabog siyang tumayo habang nakakuyom ang kamao niya. Pinigilan pa siya ni Sophia pero itinakwil niya lang ang kamay nito. Then she glared at Grey na ngayon ay nakasandal sa may bintana.
She communicate on Grey through telepathy.
'What a bullsh*t! Presidente ka ba talaga? If yes then act like one, you as*hole! Don't take sides!'
Matapos niya 'yung sabihin ay padabog siyang umalis sa office. Tinawag pa siya ni Marco pero hindi na ito lumingon pa.
Hindi pa man siya makalayo sa office ay tumatakbong Julia naman ang sumalubong sa kaniya pero tiningnan niya lang ito ng blankong expression.
" Sam! What happened? Nasangkot ka daw sa g**o? Asan na? Asan na yung sumampal sa'yo at ng masabunutan ko 'din!" Hinihingal nitong sabi.
By that medyo gumaan ang pakiramdam ni Sam. Alam niya na hindi sila gaano ka close ni Julia, nag aaway din sila minsan but never niyang inimagine na ganon pala kalaki ang epekto niya sa kaharap niya ngayon.
She suddenly remember Mica on her na ikinailing niya.
" Ohh! You're not okay? That f*cking Diana. I'm gonna turn her into a metal if ever na makita ko siya. Wala akong pake kung Royal siya. Tingnan lang niya!" Nanggagalaiti nitong sabi.
" Just let it be! An amateur like her doesn't deserve an attention. She's not that important though!" Sabi ni Sam kay Julia.
And here is it again the Samantha that she idolize. Julia though.
Napabuntong hininga na lamang si Julia sa narinig niya kay Sam. Well ano pa nga bang magagawa niya? Wala naman siyang karapatan na suwayin ang gusto ng dalaga. Ni hindi niya nga alam kung kaibigan ba ang turing nito sa kaniya. But at least she know how to comfort her. Iyon ang kailangan ni Sam sa ngayon para makapag-isip siya ng maayos.
Tumunog na naman ang tiyan ng dalagang si Sam. Umakto ito na parang wala lang para hindi mapansin ni Julia na katabi lang niya pero hindi siya nito pinalampas.
" You did not eat again? Alam mo sa kaka ganiyan mo sure akong hindi ka aabot sa arena."
" Ano pa't nagpapalakas ka kung ayaw mo naman na kumain sa tamang oras!"
Pangangaral sa kaniya ng dalaga. Hindi naman magawang sumagot ni Sam.
Lumilipad na naman kasi ang utak nito.
Iniisip ng dalaga kung anong paraan ang gagamitin niya para malampasan ang gulong ikanga nila siya ang nagsimula. Ang sama talaga ng mundo sa kaniya no? Feeling niya may mas isasama pa ito sa susunod na mga buwan na pag e-stay niya sa paaralan.
Hindi namalayan ni Sam na nasa loob na pala sila ng dorm nila at may nakaharap na sa kaniya na pagkain.
Inilibot naman niya ang paningin niya at hinanap si Julia. Nakita niya ito sa may fridge na may hinahalukay pagkatapos ay lumapit sa kaniya na nakangiti habang may dalang softdrinks.
" Kumain ka na diyan. Kailangan mo ng energy para makapag-isip ng mabuti." Nakangiti nitong turan.
Napangiti nalang si Sam sa ginagawa ni Julia sa kaniya. Well at least may mga tao pa pala talagang nakikisimpatya sa kaniya.
" Thank you." Pasalamat niya kay Julia.
Naibuga naman kaagad ni Julia ang iniinom nitong sofdrink ng marining niya ito kay Sam. Hindi niya inaasahan na makakatangap ito ng ganon.
Maski si Sam ay nabigla din sa sarili dahil ni minsan hindi niya pa nasabi ang mga iyon sa ibang tao. Well sinasabi lang talaga niya yun pag deserve ng tao. Tanging sa Lola Meng niya lang at sa kaibigan niya noon na si Mica.
" Well, uhmm- 'di mo naman kailangan sabihin 'yun. Para saan pa? E magkaibigan naman tayo. Tayo-tayo lang din ang magtatangol sa isa't isa diba?" Nagaalinlangang wika ni Julia.
A genuine smile form on Sam's lips.
Kaibigan man ang turing sa kaniya nang babae ay hindi pa din siya kampanti. Minsan na siyang nasaktan dahil sa nagtitiwala lang siya kaagad ng walang kasiguraduhan.
Kaya hindi na siya magpapadalos-dalos pa ngayon. Well a little bit trust would do.
**********************
Samantala, kakarating lang ni Gil sa paaralan. Natapos na kasi niya ang dapat niyang gawin.
Nakasalubong niya ang isa sa taga Royal Palace na sila Mrs. Dian and Mr.Denver Dela Crux.
Nabigla man ay nilapitan niya ito.
" What brings you here Mr. and Mrs. Dela Crux." Nagtatakang tanong ni Gil.
Tinaasan siya ng kilay ni Mrs. Dian na may dala pang pamaypay at maids na pinapayungan siya.
" Where is my daughter? She said may nang bully daw sa kaniya dito." Maarteng sabi nito.
" Uhmm- I don't know what you're talking about Madame."
" Don't tell me, hindi mo alam Mr. Hendrix?" Mapanuyang wika naman ng asawa nito.
" Uhm... Sorry for I only arrived just now. Kagagaling ko lamang sa bayan. Why don't we go inside and talk about it sincerely?" Pormal na sabi ni Gil sa kanila.
Hindi naman umimik ang dalawa at sumunod na lamang kay Gil. Natanggap niya ang balita ni Grey sa kaniya but hindi niya alam na tungkol pala ito sa isa sa mga Royals.
Meanwhile in the principal's office.
Nagbabangayan sina Sophia and Grey.
" You should have listen to her! Not stop her!" Singhal ni Sophia
" I only did the easiest thing to off the fire between the two parties! We don't even know her!"
" Come to think of it. Mas maniniwala ka pa ba sa babaeng hindi mo naman gaanong kakilala? Pia don't forget that she may be an accomplice sa nagkuha ng libro."
Natahimik naman si Sophia sa sinabi sa kaniya ni Grey.
" But still you should have at least listen to her! Walang mawawala sa'tin bro!" Sabi naman ni Lucas.
" Do you think magpapatalo lang ang Diana na yun? Especially when she's a royal."
Tumingin naman kay Grey ang lahat ng kasama niya.
" Hindi diba? That's why I didn't listen to her 'cause I'm giving her the easiest way para hindi siya mahirapan."
" You know me. I'm not a Supreme President for nothing." Ma-awtoridad nitong paliwanag sa kanilang lahat.
Bumukas naman ang pinto pagkatapos 'yun sabihin ni Grey. And there pumasok sina Gil ,Mrs. & Mr. Dela Crux.
Napatayo naman kaagad ang mga binata at dalaga tsaka bumati. Naging pormal na uli ang mga expression nila dahil kaharap na nila ang isa sa mga royals.
The rank 5 in royal's rank.
May mga rank kasi ang royals. It contains 10 ranks, nothing less, nothing more. And in the first Rank are the king and queen that will always be one. Every rank has its own duty on their world. That's there way para mapaunlad ang Enchanted Kingdom.
They all settle down.
" Now where is my daughter?" Tanong ng ina ni Diana na si Dian.
" She's coming. Along with her is the one who hit her." Sagot naman ni Gil.
" Don't you worry. We will give an unforgettable punishment sa gumawa sa kaniya non." Dugtong nito.
Kalmado naman ang mag-asawa dahil hindi kailanman magsisinungaling sa kanila si Mr. Hendrix dahil alam nila na nabibilang ito sa pinakamataas na rango sa royals.
Maya -maya pa ay bumukas ang pinto at iniluwa doon si Sam at Diana kasunod naman nila is si Julia and Cheska na nagpapalitan ng masamang tingin.