Chapter 2

1810 Words
Nakatingin lang ako sa board at hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nangyari nu’ng nakaraang araw. Leon is taking all over my sanity. Hangga’t maaari ay ayaw ko siyang isipin. But his eyes and mischievous smile always haunting me. “Hey!” Napamulagat ako at nakita si Daniel. He snapped his finger so I came back to my reverie. Tipid na nginitian ko naman siya. “Hindi ka ba pupunta sa auditorium?” tanong niya. “Susunod lang ako, break pa naman eh,” I answered him. Umupo siya sa kaharap kong upuan at nginisihan ako. “I heard Ma’am Timmy choose you for the upcoming play,” aniya. Natigilan naman ako at napakunot noo. “It’s not official,” wika ko at ianyos na ang aking gamit. Napailing ako nang magsitaasan ang balahibo ko s abatok. Napatingin ako sa likod ko at busy naman ang iba naming kaklase. “What’s wrong?” tanong ni Daniel. “N-nothing,” tipid kong sagot. Ayaw ko ring nakikipag-usap kay Daniel dahil nagkaka-issue kami. Ako na naman ang pag-iinitan ng ka-MU niya. “I need to go,” saad ko at tumayo na. “Wait,” aniya at hinawakan ang kamay ko. Mabilis na bianwi ko naman iyon at napatignin ako sa paligid. Nakatingin lang sila sa aming dalawa. I feel so uncomfortable kaya hindi ko na hinintay na magsalita siya at umalis na. I really hate the idea that they can easily approach me and talk to me as if I am the most hated woman in the world. Kompetensiya ang tingin nila sa akin dahil akala nila inaagaw ko si Daniel kay Trisha. The ignorance and absurdness of people is really a chronic disease. Naglakad na ako papunta sa auditorium at ngayon ang pag-a-assign ng mga characters. May play na gagawin sa papalapit na English fest. Napagpasiyahang gagawin namin ang sleeping beauty but in a different version. Hindi ko alam kung ano ang mga ganap pero magaling naman si Ma’am Timmy sa ganoon. “Louisse!” Napalingon ako sa gilid at nakita si Cel. Ngumiti ako nang tipid at nilapitan siya. “Congratulations,” aniya. Kumunot naman ang noo ko. “Bakit?” “You’re the chosen Aurora,” aniya. I bit my lips and smiled. “A-are you sure?” paninigurado ko. “Of course! Nakita ko sa list ni, Ma’am Timmy kanina,” sagot niya. I am overwhelmed. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. “Wait tayo at ilang minutes na lang din naman tapos na ang break time,” aniya. Tumango naman ako. “Nakita mo ba si, Leon kanina?” tanong niya sa akin. Natigilan naman ako. Kaagad na napalunok ako. “Si, L-leon? Bakit? Nandito ba siya?” usisa ko. Her eyes gleamed. “Yes girl! Kanina kasama iyong pogi rin. Kuya niya ba ‘yon?” saad niya. Natigilan naman ako. Nandito siya kanina? Paniguradong si Infernu ang kasama niya. Alam ko at ginugulo na naman ng boss niya si Ma’am Sarissa. “Girl, natahimik ka riyan? Naalala mo na naman ba?” tukso niya sa akin. Napabusangot naman ako at tiningnan siya. “Sira ka,” usal ko. Tumawa lang naman siya. “Good morning, everyone,” ani ma’am Timmy sa stage. Napatingin naman kaming lahat doon at nagsipasukan na rin ang ibang miyembro ng club namin. Nang makitang nandito na lahat ay nagsalita na si Ma’am. “So, for our play, I have the list here for our characters. The teachers decided to have Louisse as our Aurora and the prince will be played by Daniel,” she announced. Natigilan naman ako. Rinig ko pa ang iilang bulong nila. I can feel Trisha’s glaring on me. “Girl, congrats again alam ko kayang-kaya mo ‘yon at siyempre may tiwala kami sa ‘yo,” ani Cel. Napangiti naman ako. “Lahat ng mga nabanggit kong parte ng play ay pumunta rito sa itaas ng stage,” saad ni Ma’am. Kaagad na pumunta naman kami ni Cel. Ramdam ko ang bahagyang pagsanggi sa akin ni Trisha. She’s chosen to be the evil witch. Wala naman akong magagawa kasi mga teachers na rin ang nagdesisyon eh. “The script will be given to you by tomorrow so as early as possible we can practice na. Mabilis lang lumipas ang araw,” dagdag pa niya. “At least kahit sa play man lang natupad ko ang pangarap kong maging prinsipe mo,” ani Daniel sa akin. Kaagad na isinukbit ni Trisha ang kamay niya sa braso ni Daniel. “Congrats,” saad niya at bahagyang Inirapan ako. Ngumiti lamang ako nang tipid sa kaniya. Kita ko rin ang sama ng tingin sa akin ng mga kaibigan niya. Matapos nga ay nagsibalikan na kami sa room para sa next period. Isang oras na lang din naman at klase na. Nang matapos nga ang last period para sa umaga ay pumunta na kami ni Cel sa cafeteria para kumain ng lunch. “Alam mo, insekyurada talaga iyang Trisha na ‘yan eh. Akala mo kung inaano eh,” ani Cel. “Hayaan mo na siya,” sagot ko. “Girl, sabihin mo sa ‘kin kapag mambu-bully na naman iyon sa ‘yo ha at kukunyatan ko ‘yon,” wika niya. Nginitian ko naman siya nang tipid. “Hayaan mo na, baka may makarinig sa ’yo at akalaing pinagchichismisan natin siya,” saad ko. Huminga naman siya nang malalim at kumuha na ng pagkain niya. Kumuha na rin ako at bumalik na sa table namin. Fettuccini Alfredo pasta ang kinuha ko at bake mac naman ang sa kaniya. Kumuha na rin kami pareho ng chicken wings at soft drinks. Habang kumakain nga ay nakatuon lang ang tingin ko sa pagkain. Natigilan lang ako nang mabilis na tapikin niya ang aking kamay. “Bakit?” taka kong tanong. Itinuro naman niya ang likuran ko. Paglingon ko ay natigilan ako nang makitang si Leon iyon. “Ano’ng ginagawa niya rito?” mahina kong tanong. Kaagad na umiwas ako ng tingin nang tumingin din siya sa akin. I can hear the murmurs and gasped everywhere. Hindi naman kasi maipagkakailang napakaguwapo ni Leon. Ang mga mata niya ay nangungusap at well-built din siya. Matangakd at sobrang mature tingnan. Mayamang businessman na paniguradong kinababliwan ng mga kababaehan. “Girl, kumurap ka naman. Kawawa na ang pasta mo,” ani Cel. “H-huh?” saad ko. “Umalis na si, Leon kanina pa. Bumili lang ng tubig,” aniya. Halata pang nanunudyo sa akin. “Cel, ano ba?!” reklamo ko. “Bakit?” natatawa niyang saad. Napaikot ko na lamang ang aking mata at tumayo. “CR muna ako ha,” sambit ko. Tumango naman siya at nagpatuloy sa pagkain. Lumiko na ako at akmang papasok na nang makita ko si Trisha at mga kaibigan niya. Tinaasan niya ako ng kilay. Ganoon din naman ang mga kapuwa power-puff girls niya. “The queen is here,” nanunuyang sambit ni Trisha. Hindi ko naman siya pinansin at dinaanan lang. Nagulat pa ako nang hawakan niya ang braso ko at hinila ako. “Saan ka pupunta? Hindi pa ako tapos makipag-usap sa ’yo,” aniya. Tiningnan ko lang siya. Ang nakangiti niyang mukha ay biglang tumapang. “Subukan mo lang agawin sa akin si, Daniel at makikita mo. I know what you are doing, Louisse. Ginagamit mo ang pangalan ng daddy mo para makuha ang mga roles. Ang mga roles na dapat sa akin. Kaya ka lang naman nakilala dahil nag-i-sponsor ang daddy mo sa university. Governor ang daddy mo kaya sinasamantala mo iyon para bumango ka sa esukwelahang ito. I am warning you, Louisse. My family’s rich too,” saad niya. Hinila ko naman ang kamay ko at hinigpitan niya pa lalo iyon. Padaskol niya akong binitiwan kaya muntik na akong matumba. Buti na lang at nakahawak ako sa pader. “What’s wrong with you?!” sambit ko. Tinawanan niya lang ako. “Kapag nalaman kong nilalandi mo si, Daniel makikita mo,” aniya. Kinuha niya ang hawak na sundae ni Irene at sinadyang ihulog iyon sa sapatos ko. “Oops! Nadulas sa kamay ko,” aniya at nginitian ako. “Marami namang pera ang daddy mo na galing sa taumbayan—sa tax namin. Bili ka na lang new shoes, okay? Let’s go girls,” saad niya. Naikuyom ko ang aking kamao sa labis na inis at napapikit. Tiningnan ko ang sapatos ko at nag-mantsa na roon ang chocolate. Kulay puti ang suot kong sapatos kaya mabilis na nadumihan iyon. Ilang beses akong nagpakawala ng malalim na hininga. “So, you’re okay with being bullied?” ani ng baritonong boses sa likod ko. Napalingon ako at nakita si Leon na nakasandal sa isang pintuan. “A-ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko sa kaniya. Hindi naman siya sumagot. Tiningnan niya lang ang sapatos ko. Nagulat pa ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa girls CR. Mabuti na lamang at walang tao sa loob. “A-ano’ng gagawin mo?” taranta kong tanong. Binuhat niya ako at pinaupo. Hindi na ako nakareklamo nang hinila niya lahat ng tissue sa gilid at nilinisan ang sapatos ko. Hindi ako makapagsalita at nakatingin lang sa kaniya. Ilang segundo lang naman at nalinis na. May mantsa pa ring kaunti pero hindi na halata. Nahihiyang tiningnan ko naman siya. “S-salamat,” mahina kong wika. Umayos siya sa pagkakatayo at tinitigan ako. “Don’t let them bully you like that. Kapag nananahimik ka masiyado lalo ka nilang guguluhin. But if you like, I can handle them.” Aniya. Mabilis na umiling ako. “H-huwag na, hinahayaan ko sila dahil useless makipag-away sa taong walang basehan ang ikinagagalit,” sagot ko. Umiling naman siya. “No baby, if you let them bully you like that they will think that you’re weak. They can easily manipulate you and humiliate you whenever they want to,” giit niya. I have goosebumps everywhere nang marinig iyon sa bibig niya. “Why do you care? It’s none of your business,” inis kong wika at iniwan siya. Pumasok na ako sa isang cubicle at umihi. Sa tingin ko nga ay nakaalis na siya dahil sobrang tahimik na ng loob. Narinig ko na rin ang mangilan-ngilang tunog ng paa. Nang matapos ay lumabas na ako at naghugas ng kamay. Wala na siya. Naglakad na ako at bumalik sa table namin ni Cel. Hindi ko alam kung napansin ba niya na dumaan si Leon dito. Nahihiya akong magtanong sa kaniya. “Ahm, C-cel napansin mob a si, Leon na lumabas mula CR?” tanong ko. Kumunot naman ang noo niya. “Ano ka ba girl? Kanina pa nakalabas si, Leon. Iyong kanina? Hindi naman siya bumalik eh,” sagot niya. Naguluhan tuloy ako. “Bakit? May problema ba?” tanong niya. Ngumiti naman ako at umiling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD