Pagdating namin sa daungan ay nakita namin si Infernu na nakangisi. "So, how's the fight?" tanong niya. Leon just snarled at him na ikinatawa nito. Lumapit na rin sa 'min si Simon at nginitian si Infernu. "Nasunog ang cabin niya. Babayaran mo 'yon kasi hindi ka tumulong," ani Simon. Nagkibit-balikat lamang si Infernu. "Tara na, para magamot na rin 'yang sugat mo," aniya. Sumakay na kami sa isang kotse at umalis. Nakatingin lang ako sa sugat niya. Dumudugo pa rin iyon. "I'll be fine, don't worry," wika niya. Napahinga naman ako nang malalim. Kumusta na kaya ngayon si papa? Ano na ang kalagayan niya? Hangga't hindi ko siya nakikita alam kong hindi ako mapapalagay. Natigilan lang ako sa aking pag-iisip nang hawakan ni Leon ang kamay ko. "Don't think too much, sisiguradohin kong sas

