Inis na lumayo ako kay Leon nang mapansin ang kakaiba niyang ngisi. Akala niya siguronay natutuwa ako sa nangyayari. Nabibwesit lang ako lalo. Ang kapal ng mokong na 'to. Napatingin ako sa paligid ay wala akong makitang ibang paraan para makaalis dito. Hindi rin ako puwedeng lumangoy. Kung lalangoy ako baka kalulusong ko lang pinagtulungan na ako ng mga pating. Walang hiya! Ang lalaki pa ng mga pating na pabalik-balik sa paglangoy. Tila naghihintay ng pagkakataon na mahulog ako. Ang lalaki ng bunganga na para bang ngumingisi sa akin. Napapikit ako at nagtayuan ang balahibo ko. "Don't try escaping, wala pang nagtangkang lumangoy rito," ani Leon. Inis na tiningnan ko siya. "How dare you?" Tiningnan niya lang ako nang maigi. Kaagad na napakurap naman ako at umiling. Hindi dapat ako nagpa

