bc

She's The Real Mafia Heiress

book_age18+
941
FOLLOW
3.7K
READ
goodgirl
bitch
mafia
drama
female lead
like
intro-logo
Blurb

Empress Charlene Gail Scott is back after 3 years with her brothers. Finally back.

She will do everything just to get her revenge from what happened 3 years ago.

But what could be the outcome if she finds out something that will totally make her heart shattered into pieces?

chap-preview
Free preview
Heiress 1
Charlene's POV Papunta na ako ngayon sa HQ namin dahil kailangan na nilang malaman ang pag babalik ko sa Pilipinas dahil sa u***g ni Daddy. Sumakay ako sa Ducati Monster 696 upang mas mapabilis ang pag punta ko sa HQ dahil kapag sasakyan pa ang dinala ko magiging sagabal lamang ito at isa pa nag iisa lang ako mas mabuti ng motor na lamang ang aking dalin mas mapapabilis pa ang aking pag dating sa HQ. Wala pang 30 mins ay agad akong nakarating sa HQ nag park ako ng motor ko sa labas at agad akong pumasok sa loob ng HQ at naabutan ko si Ethan na naglalaro ng PSP niya at si Spade na nakaupo habang nanonood ng TV. Nang maramdaman na nila ang aking presensya ay napatingin sila sa'kin at tumango ganun din ako sa kanila. Umupo na ako sa sofa na katabi ni Spade pinatay naman ni Spade ang TV at pinatay rin ni Ethan ang PSP niya. "How are you?" Seryosong sabi ni Ethan. I think may alam na siya. Napatingin naman ako kay Spade at nagpeace sign ito kahit kelan talaga ay napaka daldal ng lalaking ito hindi ko alam kung saan ba ito pinaglihi ng kaniyang mga magulan. "I'm fine, I guess?"  Nag aalinlangan kong sagot sa kaniya napa buntong hininga nalang sila dahil alam kong miski sila ay nase-stress sa problemang meron ako.  "Ano nang balak mong gawin Char?"  Pag tatanong saakin ni Ethan agad naman akong napatingin sa kaniya at nakita ko ang pag aalala sa kaniyang mga mata. "i don't have any choice but to go home and protect my half sister."  Ayoko man pero wala akong magagawa kundi sundin ang utos ni Dad dahil kung hindi ko siya susundin ay buhay ng mga kapatid ko ang naka salalay.  "I'll go with you. Tutulungan kita." Ethan said, He is like my older brother dahil 18 na siya while spade is 17 at ako 17 rin. "Same as me Char. I won't leave you alone." Napa ngiti naman ako sa mga sinabi nila. Handa na akong bumalik sa Pilipinas. Dahil alam kong may mga tao na mananatili lang sa tabi ko. "Char, may isa pa tayong problema." Napatingin naman ako ngayon kay Ethan. "What is it?" Seryosong tanong ko sa kanya. "Nag kakagulo na ang GW sa Pilipinas kaya kailangan na talaga nating umuwi." Napabuntong hininga nalang ako. Isa na namang problema, hays! "Anong nangyari Ethan?" Naka kunot noong tanong ko. "Ayon sa mga underlings natin, may bagong gang na sumali sa GW at sa ngayon sila ang rank 1 sa buong Pilipinas. Malalakas sila at..."Pabitin naman 'to, kailangan ba talagang mambitin tss! "Ano ?" Naiirita kong sabi. "Napatay na nila ang iba sa mga underling natin at patay na rin ang dating Rank 1-10." Nag init bigla ang ulo ko sa sinabi niya. "What??" Gulat na sabi ko. F*ck! Bakit ngayon ko lang to nalaman. Napasapo ako sa aking noo at hinilot hilot ito. "Hindi lang yun Char, nag babalak na silang kalabanin ang 10 sa pinaka malalakas na gangster sa buong mundo. Sa darating na pag pupulong." Napatingin naman ako kay Spade. "Kung nag tataka ka kung bakit ganon sila kagaling, yun ay dahil hawak sila ng isang Mafia Clan." My ghad, pati ang GW nagugulo na ng unti unti at nakakapasok na rin ang mafia. "Bakit ba ang daming problema!?" Naasar na sabi ko. "Char, Kami na ang bahala ni Ethan." Cold na pag kakasabi ni Spade. "No Spade, ako ang Empress ng GW kaya dapat ko itong pangalagaan. May sinumpaang tungkulin tayong tatlo na aalagaan natin ito hanggang sa bumalik si Master." Seryosong sabi ko. Kaming tatlo ang naatasan ni Master na mag bantay ng GW dahil siya ay may inaasikaso. Ako bilang Empress, ang nagpapatupad ng mga batas at siyang naniniguro na walang nag bubuwis ng buhay. Si Spade bilang Emperor, ang siyang taga parusa ng mga taong sumusuway sa'kin. At si Ethan bilang Spy, ang nagiimbistiga kung mag traydor man sa GW. "Anong pangalan ng gang na yan Ethan?" I asked him seriously. "No Name gang." Nanigas ako sa pag kakasabi niya ng No Name. Bakit sila pa? Mismong tadhana na ang nag lalapit saatin No Name. An evil smile formed into my lips. "Magsihanda na kayo, Ethan at Spade, bukas ng umaga ang flight natin papuntang Pilipinas." Nag nod naman sila sakin . Makakaganti din ako sa ginawa mo sakin Blue. You'll taste the wrath of an Empress! Nag lakad na ako papalabas ng HQ namin para umuwi. *Kinabukasan* Andito na kami ngayon sa Eroplano. Nakaayos na kami at hinihintay nalang ang paglipad nito. Katabi ko ngayon si kuya Christian at pansin ko na ang tahimik niya. "Kuya ayos ka lang?" I asked him using my worried tone. "I'm alright baby" Sabay ngiti sakin. I know it's a fake one. "Wag kang ngumiti kung hindi ka naman talaga masaya. Hindi bagay sayo." Sabay irap ko sa kanya. "I'm sorry princess, I'm just worried. And I'm f*cking scared." Nakita ko nga sa mga mata niya ang takot at pag aalala. "But why? Hindi naman babagsak ang eroplano kuya." Nag joke ako para naman kahit papaano gumaan ang atmosphere. "No princess, it's not that. I'm just worried dahil baka mapano ka. You know how much I love you. Kung gaano kita iniingatan. Ikaw lang ang nag iisang babae sating mag kakapatid . At isa pa, alam mong kamukhang kamukha mo si mom.." Hindi ko na napigilang yakapin si kuya. "Don't worry kuya, mag iingat ako. I promise. Kayo mismo nila kuya Cyde ang nag training sakin. I know I can do it. Don't you trust me?" Kumalas naman ako sa pag kakayakap sakanya. "Of course I trust you." Nakangiti niyang sabi. Eto yung ngiting kahit kailan hindi nakakasawang tignan. Nag kwentuhan pa kami ni kuya sandali. Maya maya rin ay nakaramdam na ako ng antok. "Kuya, I feel so sleepy." sabay pout ko sa kanya. "Halika na nga at matulog ka muna." Inihiga naman niya ako sa hita niya. At hinimas himas niya ang buhok ko para makatulog ako. *PHILIPPINES* Nakababa na kami ng eroplano at andito na rin kami ngayon sa arriving area, naghihintay ng susundo sa amin. Hindi alam ni dad na andito na kami. Ang alam niya lang ay sa susunod na linggo pa ang uwi namin. Sinadya ko na umuwi ng maaga dahil aayusin ko pa ang gulo sa GW. Maya maya rin ay dumating na ang sundo namin. Nag paalam na sila Ethan at Spade na uuwi muna sila sa kanilang mga sariling bahay. Samantalang kami ay papunta sa sariling bahay ni kuya Christian at dun na muna kami titira. Andito na ulit ako sa Pilipinas. Ngayon ko sisiguraduhin na mag babayad ang dapat mag bayad. Pagkatapos ng tatlong taon, matitikman niya na rin ang matamis na pag hihiganti ng isang Empress Charlene Gail Scott. GET YOUR *SS READY! THE EMPRESS HAS RETURNED! Ngayon araw ang punta namin sa Gangster World. Kailangan namin maayos lahat ng problema. Bago pa malaman ni master ang mga nangyayari. Sumakay ako sa Ferrari Enzo ko na kulay black. Bigay pa ito saakin ni kuya Cyde pag kauwi namin noong isang araw.          Makalipas ang 15 mins ay nakarating na ako sa GW. Ipinarada ko na ang aking sasakyan pag tapos ay nag suot ng mask. Hindi nila pwede malaman na nakarating na ako dito sa Pilipinas.  Kailangan masiguro ko muna na sila Blue talaga ang tinutukoy nilang No Name Gang. Hindi ako pwedeng mag padalos dalos. Bumaba ako ng kotse at nag lakad papunta sa loob. Nakita kong maingay ang buong paligid at may nag lalaban. Pumunta ako sa may madilim na part at may pinindot akong button at nag type ng password. Nang maging okay na ay bumukas na ito at naging isang elevator. Sumakay ako dito para mas mapabilis ang pag punta ko sa office ng walang nakakaalam. Secret passage ito para saaming 3 nila ethan. Pag pasok ko ay naabutan ko agad si Spade na nakaupo sa couch at mukhang malalim ang iniisip. Dahil hindi man lang niya ako napansin na nandito na ako. Kinuha ko ang isang knives sa binti ko at inihagis ito sa kaniya. Naka ilag naman ito pero nadaplisan naman nito ang pisngi niya. "WHAT THE F*CK EMPRESS!! BAKIT KA BA BIGLA BIGLANG NANG BABATO NG KNIVES??" Naiinis na sabi nito. "Your spacing out. Nakalimutan mo na yata na nandito ka sa Gangster World kahit sino ay pwede mong maging kalaban." Matalim na pag kakasabi ko sa kaniya. Lumakad ako papunta sa may pader at kinuha ung knives ko. Kinuha ko sa bulsa ko ang puti kong panyo at pinunasan ko ito. "Im sorry madami lang talaga akong iniisip." Halata naman sa boses niya na stress na siya. Hindi ko alam kung bakit pero mag mula nung bumalik kami noong isang araw ay naging ganyan na siya. Humarap ako sa kaniya at nag salita. "Simula ng bumalik tayo naging ganyan ka na tell me ano ba ang nangyari?" Seryosong tanong ko sa kaniya. "Don't mind me ayos lang ako. Im sorry empress." Ngumiti ito pero halata mo sa ngiti nito ang lungkot. Ayokong pilitin siyang magsalita kaya iniba ko nalang ang usapan. "Where's ethan??" Naka kunot noong tanong ko sa kaniya. "Nasa baba nag hahanap ng impormasyon." Napa tango naman ako. Lumakad ako at umupo sa couch. "Tingin mo ba susugod sila ngayon dito?" Pag tatanong ni spade. "Maybe? Or maybe not." Sa totoo lang hindi ko alam kung kelan ba susugod ang no name gang dahil ayon sa mga reports na nabasa ko walang pattern ang pag punta nila. Masyadong mahirap basahin ang mga kilos nila. "WOW! ngayon ka lang hindi naging sure sa sagot mo empress." Napailing nalang ako dahil sa sinabi niya. "Masyadong magaling ang nag plano kung kelan sila susugod o hindi. Wala akong makitang pattern miski sa oras ng pag sugod siguradong mahihirapan tayo." Seryosong sabi ko sa kaniya. Nakita ko naman na naging seryoso nadin ito. Mag sasalita sana ito ng biglang pumasok si Ethan. "Kanina ka pa??" Nakakunot noong tanong nito. "Yes, kanina pa kita hinihintay anong balita?" Seryosong sabi ko sa kaniya. Nag lakad siya papunta saakin at umupo din sa couch. "Anong nangyari sayo Spade? Sinugod ka ba kanina?" Tumingin ako kay spade at nakita ko sa mukha niya ang pagka asar. "Bakit hindi mo itanong diyan sa katabi mo." Parang batang nag mamaktol na pag kakasabi niya. Umiling iling naman si ethan at tumingin saakin. "Anong nangyari?" Naka ngiting sabi nito. "Pag dating ko dito ang lalim ng iniisip niya. Kaya sinubukan ko lang naman siya. Hindi ko kasalanan na mabagal siyang umiwas." Pag tapos ay inirapan ko si spade. "So kasalanan ko kung bakit ako nag karoon ng sugat sa mukha?" Seryosong sabi ni spade. "Oo" cold na pag kakasabi ko. Nakita kong may kinukuha ito sa bulsa at nagulat nalang ako ng may ihagis itong knives. Mabuti nalang at mabilis akong kumilos kaya agad ko itong naiwasan. Kumuha ako ng knives at hinagis ko rin ito sa kaniya. Dalawang knives lang ang dala ko at siya ay isa lang. Hindi kami pwedeng gumamit ng baril dahil mahigpit itong ipinag babawal sa GW. Tumakbo papunta saakin si spade pag tapos ay susuntukin niya sana ako sa tiyan pero agad kong nasangga ng kaliwang kamay ko. Sisisipain ko sana ito sa tiyan pero nahawakan ni ang kaliwang paa ko. Kaya ang ginawa ko gamit ang kanang paa ko ay tumulon ako ng konti at umikot para masipa ko ang mukha niya. Napaatras naman siya dahil sa ginawa ko. Susugod sana ito pero pumagitna na si ethan at nakita kong hawak niya na ang dalawa niyang katana na nakatutok ngayon sa leeg namin. "Tumigil na kayo may mas mahalagang bagay pa tayong dapat pag usapan." Cold na pag kakasabi nito. Tumango naman kami at nag ayos ng konti pag tapos ay umupo sa couch. "Anong nakalap mong impormasyon?" Seryosong tanong ko kay ethan. "Gusto nilang patayin si Master." What?? Bakit naman gustong patayin ng No Name Gang si master?? "Bakit?" Seryosong sabi ni spade. "I don't know either but whatever the reason is we need to find it out. Bago malaman ni master ang mga nangyayari at bumalik." We need to protect our master. "D*mn!" Naiinis na sabi ni Spade. Mukha nga talaga siyang napikon. Tumayo ako at pag tapos ay nag lakad papunta sa pintuan bago ako lumabas ay nag salita ako. "Mag pahinga na muna kayo. Ethan ipagpatuloy mo lang ang pag iimbistiga balitaan mo nalang kami." Pag tapos ay lumabas na ako at nag pasiyang umuwi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Precious Property

read
614.5K
bc

A Billionaire In Disguise

read
654.3K
bc

Womanizer's Property (TAGALOG)

read
1.2M
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
580.6K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
470.3K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.4K
bc

That Night

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook