"What are you planning to do." Adina said while still sobbing. Sa totoo lang wala din akong maisip na tama kong gawin, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa ngayon. Sobrang dami na nangyayari sa buhay ko at hindi ko na ma proseso ang mga bagay bagay. If it is true that Asher is in Italy with his "girlfriend" then I think wala na akong magiging lugar sa buhay nito. Ang sakit lang isipin na hindi ako nabigyan ng tsansang ipagtanggol ang sarili ko. Hindi niya ako kinausap. "Hindi ko na alam.." I cried so hard on her shoulder. Nandito na kami ngayon sa kotse niya at nag liban na muna ng klase. Mas mabuti na din iyon para maiwasan ko muna kahit saglit ang nga matang mapanghusga ng mga kaklase ko o nino mang tao sa school. Hindi ko na alam kung ano na ang mga kumakalat na balita tun

