"Blaire, Ija!" natatarantang tawag saakin ni Manang. Nilapitan ako nito at kaagad na niyakap. "Manang.. si Mommy po-" Hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin ay naramdaman ko na ang paghawak sa aking palapulsuhan ni Mommy. Marahas niya akong hinatak paharap sakanya at sinalubong ng isang malakas na sampal. "Mommy.." I cried. "Ma'am, Tama na po!" naiiyak na awat ni Manang. Ang ibang natitirang mga kasambahay ay lumabas na din para makaosyoso. "You stupid little w***e!" mommy shouted. "You are a disgrace to this family!" "Mommy.." I cried. Halos hawakan ko si mommy sa kamay pero pinapaalis niya ang mga iyon. "You disgusting ang laking kahihiyan ang binigay mo saakin." Mommy said. Nangangatal na itong lumapit saakin para sampalin akong muli. Sa pangalawang sampal ay napaupo n

