Naghahanda na ako sa pagpasok ng kumatok si manang sa pintuan ng aking kwarto.
"Milana?"
"Yes po, Manang? come in po" Magalang ko sabi.
"Nandito na ang Mommy mo.." Natigilan ako sa sinabi nito. Parang may kung anong takot ang sumuloy saakin. Hindi ko alam kung bakit ganito. Dapat ay excited ako na nakauwi na si mommy.
"Si daddy po manang.." Nalungkot ang ekspresyon ni manang na parang alam niya kung bakit ko iyon naitanong.
"Wala pa Milana.. Sabi ni Ma'am Stella ay matagagalan pa daw doon ang daddy mo dahil may inaasikaso pa." Napaupo ako sa balitang iyon ni Manang.
"Halika na at kanina ka pa hinihintay ng mommy mo. Lalamig na din ang pagkain mo."
Hindi ko lubusang alam kung anong mararamdaman. Mas mahigpit si mommy when dad's not around. Mas hindi mo mapipigilan si mommy. Mahigpit pa din naman siya pag nandito si daddy pero ibang iba lang talaga pag nanjan siya. Minsan nga ay parang na didivert kay daddy ang galit ni mommy kaya nakakalimutan ako nito o dahil napipigilan lang talaga siya ni mommy.
"Mom.." bati ko ng makapunta ako sa kusina. Hinalikan ko ito sa pisngi.
"What took you so long?" strikto nitong sabi habang busy sa binabasa niyang papeles.
"I just fix my things na dadalhin ko sa school mommy." pagsisinungaling ko.
"Hindi ba dapat ay handa na iyan? Manang.." Tinawag nito si manang na agad agad naman lumapit sakanya.
"Sino ang nakatoka sa pag aayos ng gamit ni Blaire?" mommy asked. Kinakabahan na ako dahil mukang umiinit nanaman ang ulo nito.
"A-ako po Ma'am" putol ng isang kasambahay namin. Kumpara kay manang ay mas may kabataan ito.
"Bakit hindi pa ayos ang gamit ni Blaire.. ginagawa mo ba ang trabaho mo?" Bakas ng takot s mga mata ng kasambahay.
"Mommy.. dinouble check ko lang naman po.." Parang nabunutan ng tinim sa lalamunan ng kasambahay ng mag salita ako. Lumiwanag naman ang muka ni mommy at itinuon ang atensyon sa pagkain.
Nagpatuloy kaming dalawa sa pagkain ng umagahan. Katahimikan ang bumalot sa buong kusina na tanging kumbyertos nalang ang gumagawa ng ingay.
"Be home at 4:30" Biglang basag ni mommy sa katahimikan. Napaawang ang labi ko at tila aapela na sana ng makita ang mga mata ni mommy na nag babadya ng galit. "Is there a problem with what I said?"
"Wa-wala po mommy.."
"Good. Make sure you are ready papakinggan ko ang performance mo. Dadating din ang mag fifit ng dress mo. Next week na iyan kailangan ka nang matutukan."
Ayon ang huling sabi ni mommy kaya ng makarating ako sa school ay para akong pinagbaksakan ng langit at lupa. Hindi ako makakapunta sa park at makikita ang mga bata. Mamayang vacant ko ay ibabalita ko iyon kay Asher. Ayaw ko nama na mag taka siya kung bakit wala ako doon mamaya.
"Adina!!" tawag ko dito, nakita ko kasi itong naglalakad sa may hallway.
"Saan ka pupunta?" tanong ko dito ng makalapit.
"Sa gymnasium.. Gusto mo sumama?" Agad naman ako umiling at hinalikan ito sa pisngi.
"Pupunta akong library." Tiningnan naman ako nito sa mapanghinalang tingin.
"Alam mo kung hindi ko lang alam na ang mga libro ang pupuntahan mo doon iisipin ko ay kikitain mo ang boyfriend mo." Agad nitong sabi na ikinapula ng pisngi ko. Anong boyfriend! Si Asher? boyfriend. Nag iwas ako ng tingin dahil nagsisimula nanaman akong mamula sa aking iniisip. Nung isang araw pa ako ganito ah.
"Teka... So may crush ka nga doon sa library?" Nagawa pa ako nitong ituro sa muka. Nag iiwas naman ako ng tibgin at iniiwasan ang mga mata niyang puno ng paghihinala.
"Wa-wala ano kaba.."
"Wala pero ganyan ka.. Namumula ka. Omygoodness, Blaire! sino ang crush mo doon!" Agad kong tinakpan ang bunganga niya.
"Wala nga.. Ang ingay mo!"
"E bakit nag dedeny ka.. Yieee. si Blaire ay tao na. May crush ka na!" Crush? so ito ang tawag dito? crush nga? crush ko si Asher? Ang gulo.
"Matagal na akong tao Adina.." sagot ko dito.
"Hay nako slow. talaga kahit kailan. Paano ka magugustuhan ng crush mo?" Hindi ba attracted ang mga crush pag slow ang isang tao?
"Paano ba hindi maging slow?" tanong ko.
"Hindi ko alam siguro wag kang pahalata na—" may sasabihin pa sana ito ng bigla siyang tumigil. Tumingin siya saakin na parang may krimen akong ginawa. Narealized ko din naman ang sinabi ko. Shooks bakit ko sinabi yon. Ngayon iisipin niya na may crush na nga ako. "Bakit mo tinatanong! omg!! may crush ka na nga.. Pero sino doon e nga nerd lang naman ang nandoon! don't tell me yung mattas grado ng salamin ang crush mo ha!"
"Hindi nga wala nga! bahala ka na nga Adina pumunta kana sa crush mo!"
Iniwan ko itong mag isa tawa naman siya ng tawa dahil sa reaksyon ko. Hindi tuloy mawala sa isipan ko ang nga sinabi ng babaeng yon. May crush ako? at hindi daw ako magugustuhan ng crush ko pag slow ako?
Noong makadating ako sa library ay walang imahe ni Asher ang naabutan ko doon. Inintay ko pa siya ng ilang minuto pero bigo ako dhol hindi ito lumitaw. Parang piniga ang puso ko ng dahil doon.
Para akong babaeng hindi sinipot ng ka date niya. Naisipan ko din itong tawagan pero ng inilabas ko ang aking cellphone ay saka ko lang narealized na wala nga pala akong cellphone number nito.
Ibinalik ko nalang ito saaking bulsa at bigong pumunta sa room para sa next subject ko. Ni hindi ko alam kung saan siya pwedeng pumunta o kung saang building siya dahil hindi ko naman alam anong department siya.
"Hoy babaeng may crush. Anong problema mo jan?" tanong saakin ni Adina. Umupo na din ito sa tabi ko. Hindi pa din nawawala ang kunot ng noo nito habang pinagmamasdan ako.
"Wala."
"Wala? e kung makapaghaba ka ng nguso jn wagas. Para kang may iniisip na kung ano." tinuturo turo pa nito ang nguso ko. Agad ko itong hinawakan at pinisil pisil na. Masyado bang halata? e kasi naman hindi kami nag kita ni Asher! wala siya doon!
"Yu-yung.." hindi ko alam kung paano itutuloy ang gusto ko sabihin nakaawang na ang bibig ni Adina iniintay ang sunod na lalabas sa aking bibig.
"Yung ano, Blaire.. Sige kaya mo yan open your mouth.."
"Yung ka-kasing.."
"Sige pa.. Blaire.."
"Ano.. kasi.."
"Blaire naman yung ano nga kasi?" hinawakan pa nito ang magkabilang balikat at bahagya akong niyugyog nauubusan na ng pasensya.
"Sige na nga. Kasi yung lalaking lagi ko nakakausap sa library.. hindi ko siya nakita doon ngayon. Gusto ko sana siyang imessage kaso hindi ko naman nahingi yung number niya." nakasimangot kong sagot. Bigla naman nagpakawala ng malakas na hagalpak si Adina. Tiningnan ko ito at nag tataka bakit siya tumatawa e wala naman akong sinabing nakakatawa. Nababaliw na talaga tong babaeng to.
"Why are you laughing?" nakasimangot kong tanong.
"Sorry... sorryy..." wika nito habang hinahawakan ang tiyan niya.
"Adina." tawag ko dito. Bakas pa din sakanyang muka ang labis na pag tawa. Napatigil ito ng bahagya saakin at muling napangiti.
"Sorry na! Kasi naman todo deny k pa nung nakaraang araw. Halata naman kasi na may crush ka na. Hindi ko lang alam na ganyan ka pala magkagusto no! It's my forst time seeing you like that."
"Ang sama mo pinagtawanan mo pa talaga ako." bahagya kong hahampasin ang braso nito ngunit nakaiwas agad ito.
"Sorry na. Pero who's that lucky guy huh? baka naman pati name hindi mo alam."
"Hindi, alam ko no!" proud kong sabi. Alam ko naman talaga it's Asher.. Asher... Shockss is this really happening to me? bakit nakalimutan ko. Nasanay kasi ako na Asher lang so.. Kainis!
"Ano? don't tell me hindi mo alam?" Agad nnaman itong nagpakawala ng hagalpak. "Ewan ko syo Blaire."
"Kilala ko siya no.. It's just that nakalimutan ko. Pero Asher ang tawag ko sakanya! second name niya ata yon."
"Asher?" tanong ni Adina napatango lang ako baka kilala niya. Napaka dami din kasi nitong kakilala.
"Kilala mo??" Lumiwanag ang mga mata ko.
"Hmmm... parang familiar." tumitingala pa ito na animoy may makikita s mga ulap. Ako naman itong nag aabang na baka nga kilala niya.
"Talaga?!"
"Sorry pero wala talaga akong kilalang Asher." Agad naman nasira ang ekspresyon ko. "You naman kasi.. Out of all na pwede mong makalimutan ay yung pangalan pa ng crush mo!"
"Pero hindi ko naman kasi siya crush! totally!"
"Hindi pero look at you.. Inaalala mo siya tapos frustrated ka pa. You're not just aware for your feelings kasi bago mo pa lang na fefeel. Wait and see until ikaw n mismo ang umamin sa sarili mo."
Napaisip ako sa sinabi ni Adina. Pero hindi ko talaga alam. Comfortable ako when Asher's around. I also feel safe.. Minsan pag tinititigan ko siya sa kanyang maggandang mata ay parang lumilipad ako sa ere and his eyes seems so familiar to me. Parang matagal ko na itong kilala at sa sobrang kilala at nakakabisado na. Do I really have a crush on that man?