"Perfect! nako ang ganda na ng fes bagay na bagay pa saiyo itong gown na suot mo ma'am. Ang ganda ganda ng hugis ng katawan at kutis porselana pa!" Pinaulanan ako ng papuri ng mg baklang nag aayos saakin. Mommy hired make up artist para sa event na dadaluhan namin.
Dito na din kami sa hotel kung saan magaganap ang party nag paayos. Kagabi pa kami nag check in dito at dito na din nakatulog. Kagabi nga ay pinagpractice pa ako ni mommy sa mismong pag dadausan ng event ng piano.
"Thank you po.." nahihiya kong sagot.
"Sigurado ka bang wala kang boyfriend?" Tanong nito habang tinitingnan ang aking ekspresyon. Pumasok agad sa utak ko ang imahe ni Asher na ilang araw ko nang hindi nakikita. Hindi na kasi ako nakabalik sa library at makapuntang park dahil na din sa pangaral ni mommy. Natatakot na baka pati sa school ay may mga mata si mommy na nagmamatsag.
"Ay napapaisip si Ma'am, mukang meron." Agad namula ang aking pisngi sa sinabi niya. Hindi ko namalayan na matagal na pala akong natulala dahil sa pag iisip kay Asher.
"I don't have po.. My mom will get mad. She wants me to finished my study." magalang kong sagot.
Bumaba na din naman ako kung saan ang pag dadausan ng party. Mom and Dad where clinging to each other. Sobrang sweet nilang tingnan while nandito naman ako sa tabi ni daddy.
Nang makapasok kami sa loob ay bumulaga saamin ang isang engrandeng party. Napaka dami din mga high profiles na tao ang nandito. Ang iba ay pamilyar na talaga saakin sa muka. Hindi din naman maipagkakaila na patuloy na lumalago ang kompanya ng aming pamilya. Kaya madalas ay present kami s mga ganitong okasyon.
"Oh hi, Stella and Conrad.. it was nice to see the both of you here." nakangiting bati ni tita Adriana saamin. Kasama nito ang isang matipunong lalaki na hindi ko masyadong kilala pero base na din sa kinikilos nito ay siguro siya ang asawa ni tita Adriana.
"Of course Adriana.. Our family won't missed this kind of party.. Besides ikaw ang nag organized nito sino banaman ako para hindi pumunta." Mommy said bago bumeso kay tita. Bumaling si tita Adriana saakin at nginitian ako.
"Wow Blaire you look really stunning."
"Thank you po tita.." I managed to answer naiintimidate na din kasi ako sa asawa nitong nakatingin na saakin.
"Oh.. By the way Robert this is Blaire. Stella and Conrad's one and only daughter. Blaire this is my husband Robert." Pagapakilala nito sa kanyang asawa.
"Nice meeting you sir" mahinhin kong bati.
"Isn't she pretty?" bulong pa ni tita Adrina sa asawa niya.
"Nice meeting you.. young lady. Now I know kung bakit ganoon nalang ang kinikulos noong batang iyon"
"I told you! manang mana sa ama." natatawang sabi nito.
"Magaling pumili." Sabi ni tito Robert sa asawa nito. He even pinched tita Adina's nose. Ang cute!
Hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng atensyon dahil iginaya na din ako ni mommy sa aming upuan. Madalas akong napapatayo para pormal na makipag kamay or bumeso sa mga business partners ni mommy. I been doing this for how many years kaya well trained na din ako.
"Blaire your posture." Bulong ni mommy saakin. Agad naman akong umayos ng pwesto na ikinakalma ng muka ni mommy. Medyo kinakabahan na din kasi ako dhil mamaya maya ay tatawagin nanaman ako ng MC para tumugtog ng piano.
"It's tour turn.. Wag mo akong ipapahiya." bulong muli ni mommy ng tawagin ako ng MC. Inalalayan ako ni Daddy na tumayo at iginaya sa pwesto kung saan ako tutugtog. Marami ang mga matang nakatingin saakin na pilit kong iniiwasan.
Nag simula akong tumipa ng bawat nota sa. Pinipilit kong wag ma distract sa bawat matang mataimtim na nakasubaybay. Nakatutok na din ang spot light sa gawi ko. I tried to glance kung saan nakapwesto si mommy to see her reaction. She seems calm and that makes me calm too.
Nagsimula kong igala ng paunti unti ang aking mga mata. Sa di kalayuan ay nakita jo ang dalawang pares na mataimtim na nanonood saakin. Parang tumigil ang mundo ko ng dahil sa mga matang iyon. May kung ano akong naramdaman s king buong sistema. Ito ang matang napaka pamilyar saakin. Ngunit kung noon ay hindi ko lubusan malaman kung kaninong pares ang mga iyon. Ngayon ay kilalang kilala ko na kung kanino ang mga ito.
"Asher.." bulong ko sa aking sarili. Sandali akong nanlamig at tila nagkami sa tipa na aking ginagawa. Nabuhayan muli ako at bumalik sa aking sarili.
Calm down Blaire your mommy would be mad at you. Tiningnan ko si mommy na bakas na ang inis dahil sa bahagyang pagkakamali ko. Tiningnan kong muli ang gawi ni Asher na may pag aalala sa mga muka. Habang tinitingnan ko ito ay unti unting kumakalma ang buo kong sistema na. Nagpatuloy ako sa pag titipa sa piano. Ng matapos ko ang aking ginagawa ay laking gulat ko nang mag standing ovation ang lahat ng tao.
This is my first time to see them stand. Madalas ay tanging palakpakan lamang ang natatanggal ko. Bumalik ako sa pwesto kung nasaan sila mommy akala ko ay papagalitan ako nito pero laking gulat ko ng tiningnan ako nito gamit ang tuwang tuwa ekspresyon. Hindi man siya ngumingiti pero alam kong masaya siya.
"You did great anak" bulong saakin ni daddy.
"You're daughter is amazing Stella. You really did a job well done sa pag papalaki s anak mo. She is so talented." Bahagyang natawa si mommy sa sinabi ng isng business partner nito.
"Nakakainggit Stella. You have a perfect daughter."
I was so happy. Nakita ko din ang saya sa mga maga ng parents ko. Nagpalinga linga ako para hanapin ang mga matang nakita ko kanina. I decided na mag paalam kay mommy una ay akala koy hindi ako papayagan nito.
"Just come back here later.. I'll text you." Agad akong tumayo dahil baka magbago bigla ang isip ni mommy. Pumunta ako sa garden ng hotel. Hindi ako sigurado kung nasaan ito pero tinry ko pa din. Nang makumpirmang wala ito dito ay pumunta ako sa roof top ng hotel. There I saw a man standing. Dinadama ang bawat ihip ng hangin. Lumapit ako ng dahan dahan sakanya. Nakapikit pa ito at nakatingala ng bahagya agad itong nagmulay ng mata at automatikong nag tama ang mga mata namin ng maramdaman niya ang presensya ko.
"Asher.." masuyong tawag ko dito. Nagiwas naman ito ng tingin at binaling ang atensyon nito sa city lights.
"Asher.." Tawag kong muli. Bahagya akong naglakad papalapit kung nasaan siya. Nnanatili lang ito sa kanyang posisyon at hindi umiimik.
"Ga-galit ka ba?" Hindi pa din ito sumasagot ni tingnan ako ay hindi nito magawa. Mukang ayaw niya akong kausapin ngayon. Akma na akong aalis ng bigla itong magsalita.
"Tss. Where are you going?" May tabang sa tono ng pananalita nito.
"A-alis na ako.. mukang wala ka sa mood makipagusap at baka maging abala lang ako sayo dito."
"Tapos hindi kananaman magpapakita saakin? Tss." Sabi nito habang ang atensyon ay nananatiling nakatingin sa kawalan. "I.. I waited for you to the library but you didn't come. Even at the park.." Mahinang sabi nito.
Hininty niya ako? so ibigsabihin araw araw siyang pumupuntang library. Pero nung nakaraang pumunta ako doon para sana mag paalam ay wala siya.
"Sorry..." Malambing kong sabi "But you weren't there nung pumunta ako para sana mag paalam..."
Binalot nanaman kami ng katahimikan. Tanging tunog lang ng hangin at busin ng mga sasakyan na nanggagaling sa baba ng building ang aming nadidinig.
"I'm sorry Asher.. For keeping you waiting, but I have my reasons.. Pinuntahan kita doon para sana mag paalam. Pero wala ka, Nakauwi na kasi si mommy at daddy galing business trip at hindi na ako papayagan pang magturo sa mga bata. Kahit ang tumambay sa library ay hindi ko magawa. Gusto sana kita I-text pero wala akong number mo. " Garalgal kong sabi para mabasag ang katahimikan na bumabalot saamin. Pinilit kong wag tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak ngayon. Siguro dahil galit siya ayaw niya akong makausap. Gustong gusto ko pa sana siya makausap dahil aaminin kong namiss ko siya. Pero galit siya.
Naahilbi ako ng hindi ako nito lingunin. Ang kaninang malamig na tingin na pinupukol niya saakin ay napalitan ng malambot na ekspresyon at pag aalala ng dahil sa hikbi ko. Humakbang siya papalapit saakin at hinawakan ang baba ko para itingala. Nagtama ang aming mga mata. May kung ano nanaman sa sistema ko ang naramdaman ko. Bumilis ang t***k ng dibdib ko. May kung ano talagang epekto ang tingin niya saakin.
"Sshh... don't cry." Malambing nitong sabi habang pinupunasan ang mga luha ko.
"You make me cry.. Kanina mo pa akong hindi pinapansin." Muli kong hagulhol
"f**k!" malutong nitong mura. "Sorry.. for making you cry. I'm sorry.." Natataranta nitong sagot. "Ako naman sana itong galit dahil may ginawa kang kasalanan saakin at dapat sinusuyo mo, pero mukang ako pa ang kailangan manuyo."
Bahagya akong natawa sa sinabi nito. Para siyang batang nag tatampo. "Sorry.."
"Crazy.. Kanina lang nagsasalita ngayon naman tumatawa. What Am I going to do with you."
"Sorry Asher.." nakanguso kong sabi.
"Oo na.. Just.. just don't do it again. Please." Tumango ako bilang sagot.
Pinunasan niya muli ang aking luha. Niya akong umupo sa mga upuang nakakalat sa roof top. Pinunasan pa niya ito gamit ang palad niya para masiguradong malinis ng aking uupuan.
"Why are you here?" I asked. Feel ko bati na kami ngayon. Dahil nag sorry na siya at nag sorry na din ako.
"Because my parents organized this party." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. So anak siya ni Tita Adina? What a small world.
"Anak ka ni tita Adina?" I asked. Tumango lang ito bilang sagot.
"Kaya pala medyo magkamuka kayo ng daddy mo. I met them earlier."
"What did they said?" nagtataka kong tiningnan ito.
"Wala.. they just greeted me and they think I'm pretty." I smiled cutely. Nag iwas ito muli ng tingin.
"You are."
"Huh?" I asked hindi masyadong nadinig ang sinabi nito.
"Nothing."
"May sinabi ka.. Ano yon?" pangungulit ko dito. Tumayo pa ako sa upuan ko para lapitan ito.
"Wala nga."
"Meron.. hindi ko lang nadinig maayos." pangungulit ko dito inalog alog ko pa ang braso nito pero mukang wala siyang balak sabihin. Natigili lang ako ng tumunog ang phone ko na nakalagay sa purse ko. Ikinuha ko ito agad at tiningnan ang screen. It was mommy who's calling. Agad ko ito sinagot.
"Mom?"
"Where are you.. Come back here now."
"Yes mommy" agad akong kinabahan at siniksik ang cellphone sa aking purse. Binalingan ko si Asher na nakatingin pala saakin.
"It's mommy.. I need to go back there. Sasabay ka ba?" tanong ko pa dito. Umiling ito at parang wala nang balak bumalik sa party.
Patalikod na sana ako sakanya ng pinigilan niya ang palapulsuhan ko at binigay ang cellphone saakin.
"Huh?" I asked. Confused dahil sa paglalahad niya ng knyang cellphone.
"Put your phone number here." Agad agad kong tinipa ang cellphone number ko. Pinangalanan ko pa itong Avery Blaire Milana. Ng matapos ay tinawagan agad ako nito nag ring ang cellphone ko ata agad agad kong kinuha sa purse ko. It was him who's calling sasagutin ko pa sana iyon pero nag end naman ang tawag. Asher ang nilagay ko sa phone book ko.
"Save mine. And go back to inside."
When we got home ay nagpalit na ako ng aking pag tulog. Agad ko ding tiningnan ang phone book ko. Clinick ko ng number ni Asher at na tipa ng mensahe.
Me:
We just got home.
Ilang minuto lang ay nagvibrate na ang cellphone ko.
Asher:
Good. Sleep now Avery.
Me:
Okay, Asher. You too sweet dreams! Good night din daw sabi ni Shaggy.
Asher:
Shaggy?
Me:
My bear.
I sent a picture of my bear habang niyayakap ito. Nakapangtulog na din
Asher:
Parang bigla kong gustong maging teddy bear.
Me:
Bakit? you don't want to be a human?
Tanong ko. Ang saya kaya maging human being. Pag bear ka you cannot able to talk kaya.
Asher:
Tss. What do I expect.
Hindi palang ako nakakapag tipa ulit ay nag vibrate na ulit ang phone ko.
Asher:
Sleep now, Avery. Good night.