Habang pauwi mag isa sa bahay na tinaguyod ni Mama dito sa Boston ay hindi ako mapakali sa nalaman. Paanong nakalaya si Daddy bago kami umalis ng bansa? As far as I remember, wala kaming sapat na pera na para mag hire ng sarili naming abogado dahil lahat ng pera namin ay napunta sa mga utang ni daddy at may hindi la kami nababayadan kaya nalubog talaga ang pamilya namin sa utang. Hindi din tumulong saamin sila lolo at lola dahil tinalikuran nila kami ni mommy dahil sa sobrang galit ni lola. "Mommy.." bungad saakin ng aking anak. He was now 7 years old. May katangkaran na din ito. Parang noon lang ay sobrang liit pa talaga nito. Pero ngayon ay ang laki na niya at hindi mapapagkailang kamukang kamuka siya ng tatay niya. "Baby.." Lumuhod ako at niyakap ito ng mahigpit. "I'm not a

