Chapter 1

1570 Words
It's 6:00 a.m in the morning, maaga palang ay naghahanada na ako para sa pag papasok mamaya. 7:00 panaman ang klase pero sanay lang talaga ako maaga kumilos. Nakaugalian ko na din kasi, Mom told me na dapat hindi ako babagal bagal kumilos and kailangan ko maging on time palagi. My school uniform is already set. Isusuot ko nalang ito at baba na for break fast. But I still make sure na maayos ang pagkakalagay ko ng maliit na ribbon sa aking dibdib at maayos ang tuwid at mahaba kong buhok. Mommy said that I should be presentable pag haharap sa pagkainan o kahit saan man. "Hija, Milana tapos na po ba kayo?" nilingon ko itong nas may pintuan at dahan dahang pumasok sa loob ng aking silid. It was my yaya may katandaan na ito pero nananatili padin nag seserbisyo saamin. Milana ang madalas niyang tinatawag saakin dahil para sakanya ay bagay na bagay daw ang pangalan kong iyon sa aking maamong muka. "Patapos na din po. Nasa baba na po ba sila?" Sabi ko habang dahan dahang hinahaplos ng mga daliri ko ang aking tuwid na buhok. "Kabababa lang din ng Dad mo ang Mom mo naman may kausap pa sa telepono. Mas mabuti siguro kung maunahan mo siya para hindi ka na mapagalitan noon." malumanay na sabi nito. Alam din kasi niya na may pagka strikta si mommy kaya hanggat maari ay iniiwasan ko ang magkamali dahil ayaw ko siyang galitin. Ayaw kong maging failure lang para sakanya. Tumango lang ako sakanya at sumunod na din pababa sa hapag kainan. Dahan dahan akong bumababa sa engrandeng hagdanan sa aming bahay at dumiretso sa kusina. Bumungad agad saakin ang matamis na ngiti ni Dad. Nagpalinga linga pa ako para hanapin kung nasaan si mommy. Good thing at nauna ako sakanya dito. "Good morning po Dad." bati ko dito. Lumapit ako sakanya at pinatakan siya ng halik sa pisngi. "Good morning sweet heart.. How's your sleep?" tanong ni daddy habang sumisim sim sa kanyang inuming kape. "Ayos lang naman po" tipid kong sagot. Pinaglagyan ako ni Manang Esmerald ng bacon and ham at kanin sa aking plato. "Manang, pakibawasan nga ng kanin ang plato ni Blaire. Baka manaba yan." Lumingon ako sa likuran ko ng madinig ng boses ni mommy. Naka office attire na din ito at mukang handa nang pumasok. Umupo na siya sa tapat ko at pinagsandukan ng isa pang katulong ng pagkain. Si Manang Esmeralda naman ay binabawasan na ang kanin na nasa hapag ko. Ganto talaga si mommy madalas ay siya ang nasusunod lalo na saakin. Kahit sa mga damit na susuotin ko o kahit sang bagay. "Be home at 5 p.m dadating ang piano teacher mo. You have to perform piano in front of my high profile business partner sa gaganaping party ng mga Cortez." maawtoridad na sabi ni mommy. Wala nalang ako nagawa kundi tumango. "I want you to play piano perfectly, make me proud" ngumiti ako ng malaki kay mommy. I want to make her proud sa lahat ng gagawin ko kaya pag bubutihin ko iyon. Hindi ko hilig ng pag pa-piano bot mom wanted me to play piano. Bata palang ako e gusto na niyang nag peerform ako sa harap ng business partners niya. Nahihiya man ako pero wala akong choice. Iniisip ko nalang na walang taong nanonood saakin o madalas ay sa mga daliri ko lang na tumutugtog ng piano ang atensyon ko. "Ano tara samahan mo ako sa gymnasium, panoorin natin yung crush ko maglaro sige na.." pamimilit saakin ni Adinah. Tapos na din kasi ang klase namin at may natitira pang oras bago mag uwian. "Adinah.. ikaw nalang pupunta muna ako sa library para magbasa." "Please.. sige na kahit ngayon lang, Alam kong hindi ka nakakapag basa ng mga hilig mong libro sa bahay nyo dahil ayaw ni tita. Pero pwede ba samahan mo muna ako please.." Nakasiklop na ngayon ang palad nito at humahaba ang nguso para magpaawa saakin. Alam niya din kasi kung ano ang mga ayaw ni mommy sa hindi. At alam din niya na hindi naman ako umaangal sa mga gusto ni mom. Sumama nalang ako sakanya sa gymnasium dahil nga sa pangungulit nito. Umupo kami sa may taas ng bleachers sakto para makita ang kabuuan ng gymnasium. Kumuha nalang muna ako ng extra libro sa bag ko na hindi ko pa naitatago sa library. "Ayan na sila.. buti nalang at hindi pa nagsisimula." Hindi ko na inabala pang tumingin sa paligid dahil masyado na akong nadadala sa aking binabasa. Habang si Adinah naman ay sigaw na ng sigaw sa tabi ko. Pansin ko din na lumalakas ang hiyawan. Marahil ay madami na din siguro ang nanonood ngayon. "Nakita mo ba yung crush ko. Arghh!? sobrang galing niya mag laro Blaire.." pagkukwento pa nito. Hindi ko naman napaniod ang kabuuan ng laro dahil sa pagbabasa ko. Hindi ko nga alam na tapos na pala ang laro kung hindi pa ako niyaya ni Adinah na bumaba sa bleacher. "Sino ba doon yung tipo mo?" pagtatanong ko pa dito habang tinitingnan ko ang reaction niya na kilig na kilig. "Haynako! kahit naman sabihin ko sayo hindi mo malalaman. Hindi mo naman sila nakita e. Hindi kanaman kasi nanood!" pagmamaktol pa nito. E wala din naman kasi akong hilig sa ganoon. Napilit lang talaga niya ako kaya ako sumama. "Hindi mo naman kasi tinuro kanina nung nag wawarm up palang.." pangangatuwiran ko pa. "As if naman, your paying attention. Alam ko na pag hawak mo na yang mga libro mo e jan kana nag fofocus" "Sorry na Star—" napatigil ako ng samaan niya ako ng tingin ng marinig niya ang pangalang tinawag ko sakanya. "Ay nako bahala ka nga jan babaita ka." Nagtatawanan na kami ng nagtatawanan ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong dinukot sa bulsa ko at nagulat ng tumatawag ang driver ko. s**t. 5 p.m na dapat ay nasa bahay na ako nito. "Hello? kuya.. Opo pababa na wait lang po" sunod sunod kong sagot s kabilang linya. "Adinah, I have to go mapapagalitan na ako ni mommy.. I need to be home at 5 p.m pero til now ay nandito pa din ako." Mangiyak ngiyak kong sabi habang nagpapaalam sakanya. "What? Omg! sorry I didn't know. Samahan na kaya kit sainyo para hindi ka mapagalitan ni tita." "Hindi na Adinah, I'm okay I really have to go see you later." Patakbo akong pumunta s parking lot at ngayon ay sobra nang natataranta. Ramdam ko din ang mga luhang bumabagsak na. I don't want mom to get mad at me. Ayoko siya madissappoint. Batas ko ang mga sinasabi niya at alam kong seryoso siya nung sinabi niyang kailangan makauwi ako ng 5 p.m. "Ma'am kanina pa pong tumatawag ang mommy niyo.Baka mapagalitan nanaman po kayo noon." Sabi pa ng driver ko. Bakas na din sa muka niya ang kaba at pag aalala. "Sorry po Manong, hindi ko namalayan ang oras." mangiyak ngiyak ko pang sabi dito. "Mabuti pa po ay sumakay na kayo. Bibilisan ko nalang ang pagmamaneho. Wag ka nang umiyak Ma'am Malina." Sumakay na ako sa sasakyan. Gaya ng sabi ni manong ay sobrang bilis na ng pagpapaandar nito sa sasakyan. Noong makarating kami sa bahay ay sumalubong agad ang nag aalalang muka ni Manang Esmeralda. Hinahanda ko na din ang galit saakin ng aking ina. Hindi palang ako tuluyang nakakapasok ng bahay ay isng lagapak na ng sampal ang tumama saaking muka. "Ma'am Stella.." "What did I told you Blaire ha? Diba kabilin bilinan ko sayo na umuwi ka bago mag alasingko. Anong oras na? Sinusuway mo na ba ako?" Mommy glared at me with so much anger. Hawak hawak ko ang aking pisngi na nag iinit dahil sa sampal nito. "Sorry mom.. Hindi ko napansin ang oras—" Bago ko pa man matapos ang aking sasabihin ay isang lagapak nanaman ng sampal ang lumapat saaking pisngi. "Hindi mo na ba ako sinusunod ha? May sarili ka na bang batas para diyan sa sarili mo!" Galit na galit na singhal ni mommy. Nagtataas baba na din ang kanyang balikat sa galit. Sanay naman ako kay mommy na sumisiklab siya ng galit pag nakakagawa ako ng mali. Kaya nga ayaw na ayaw ko iyong mangyayare dahil alam kong ganito siya kasiklab konting mali ko lamang. "Manang Esmeralda, tell her piano instructor na bumalik nalang bukas. I reschedule his rehearsal tomorrow." Tumango naman si Manang Esmeralda. Ayaw man niya akong iwanan ay wala na din siya nagawa. Si mommy ang batas dito sa bahay na kahit si daddy ay hindi iyon mababali. "And you. Go to your room. You are grounded 4 p.m palang after your class you need to go home." Tumango ako at dahang dahan naglakad pataas ng hagdanan. Pagkapasok ko palang sa kwarto ko ay bumuhos mas dumami ang buhos ng aking luha. I dissappoint Mom. Nagpalit nalang ako ng damit at kinuha si shaggy para yakapin. Isa itong blue teddy bear na may katamtamang laki. Ito ang kauna unahang regalo saakin ni mommy nung 7 years old ako. Simula noon ay hindi ko na ito binitawan dahil pakiramdam ko ay pag niyayakap ko ito ay niyayakap ko na din si mommy. Mommy didn't show affection to me. Pero alam ko namang mahal niya ako. Kung hindi bakit ako nasa mundong ito diba. I was still blessed kahit mahigpit siya. Atleast buo ang pamilya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD