Prologue
"Sorry.."
Tinatahak ko ang daan papuntang library ng biglang may nakabungguan akong babae na tila nagmamadali. Tiningnan lang ako nito at agad agad din naman patakbong umalis.
Malapit na ako pintuan ng library ng may narinig akong ingay, grupo ng mga babae nagsisiksikan doon. Ito din ang naging dahilan para hindi ako makadaan at makapasok sa library.
Nilinga linga ko ang kaguluhan na iyon at nagbabakasakaling makasingit sa kumpulan at makapasok sa library. Sobrang sikip na din kasi ng daan at wla akong makitang malusotan sana para makapasok na doon.
I was click my phone and nag automatic itong ma unlock ng itinapat ko saaking muka. Medyo konting oras nalang ang natitira sa lunch break namin. Hindi pa ako makapasok sa library.
"Ang gwapo talaga niyaa." Impit na sigaw ng isang babae sa unahan ko.
Ha gwapo? may artista sigurong napadpad dito. Hindi ko naman makita ang kabuuan ng lalaki kaya hindi ko kilala sino ponagkakaguluhan ng mga to.
"Ahh.. ang swerte ng magiging girlfriend niyan for sure.."
"Feeling ko ako iyon!!" nagtatalunan pa sila at sabay sabay na nag apir sa isat isa. I don't have a clue kung sino ang tinutukoy nila at wala naman na din talaga akong pakealam kailangan ko nalang makapasok sa loob at makapagbasa ng libro.
Pinilit ko isiksik ang sarili ko sa kumpulan ng mga babae. Sa sobrang siksikan ay aksidenteng natabig ako ng isang babae dahilan para mawalan ako ng balanse at matumba sa lalaking pinagkakaguluhan nila.
"Oh.. Miss watch out.." sabi nito sa may mapangakit na boses. Sa sobrang dikit namin ay nakita ko ang muka niyang sumisigaw ng karisma. May sumilay pang ngisi sa kanyang mga labi na masasabi kong nakakabighani ng kababaihan.
Hindi ko alam kung ganon katagal akong nakatitig sa mga labi niya ng biglang may nagsalita na nag pabalik sa aking katinuan.
"Arlo, Let's go. You can never find that man here." Matigas na sabi ng lalaking na nakatayo na pala sa likuran niya. Umayos ako ng pwesto at sinilip ang lalaking nandoon. Nang makita ang muka nito ay para akong mangingilabot sa malademonyong awra ng lalaking ito. Nag aagaw ang kagwapuhan at pagiging intimidating nito. Kasama nito ang dalawa pang lalaki na tamad na nakatingin sa pwesto nung Arlo. Dahan dahan nila akong tinapunan ng tingin at inalis din agad na parang wala silang interes saakin.
"Okay bro.. bye ladies" kaway pa nito sa mga kumpulan na babae at agad agad na nagkagulo dahil sa pag kaway. Tinapunan naman niya ako ng tingin at sabay kinindatan.
"Next time be careful"
Pinanood ko lang ang malalapad likudan ng apat na naglalakad na paalis. Bumalik lang ako sa katinuan na tinakasan ako kanina ng ilang beses ng may bumangga sa likuran kong babae.
"Opsee.. sadya" sabi nito at nakipaghagikhikan na kasama ng mga kaibigan niya.
Hindi ko nalang iyon pinansin at pumasok na sa library. Dahan dahan ako naglakad sa pinakadulo ng library kung saan wala masyadong tao. Ito ang nakahiligan kong tambayan dahil tahimik at dito ko din tinatago ang mga romance book na binabasa ko.
Nang makarating ako sa dulo ay agad agad kong hinanap ang romance book na itinago ko ngunit bigo akong makita.
"Nasan na yon?" bulong kong sabi sa sarili ko habang hinahanap sa kasuluksulukan ang libro ko. Impossible namang may nakakuha non e ako lang nakakaalam saan ko itinago yon.
Habang naglalakad pa ako sa pinakadulo ay may nakita akong lalaking natutulog sa pinaka dulo ng book shelf may nakatabon pang libro sa muka nito. Mukang pagod na pagod sita dahil nakatulog pa soya dito sa library. Kawawa naman.
Pinagpatuloy ko ang paghahanap sa libro ko ng marealized na ang librong nkatabon s muka ng lalaki ay ang romance book ko.
Pano ko kukunin yon. Alam ko na. Naghanap ako ng librong pwedeng ipamalit sa romance book ko na nakatabon sa muka niya. Dahan dahan kong ginalaw ang nga paa niya para malaman kung malalim ba ang pag kakatulog ng lalaki.
Mukang malalim naman dahil hindi na ito gumalaw pa dahan dahan ko inalis ang romance book sa muka niya. Ngunit hindi ko pa ito tuluyang naaalis ay hinawaka na niya ang aking palapulsuhan at galit na inalis ang libro sa muka niya.
Napasinghap ako sa ginawa nito. Tinapunan niya ako ng matalim na tingin.
"Who are you? what are you doing here!" Tinitigan niya ako ng mariin. Hindi ko maalis ang tingin sa kanyang magagandang mata. Natigilan ako sandali at hindi masagot ang tamong niya dahil sa napakapamilyar nitong mga mata. Is this the eyes that I'm longing for?