bc

The Greatest Crush

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
HE
goodgirl
drama
sweet
bxg
gxg
lighthearted
campus
highschool
mythology
childhood crush
secrets
sassy
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

*Chapter 1: Ang Unang Pagkikita* *[Chapter 1: The First Meeting]*Isang umaga, buwan ng Nutrition Month sa school namin. May event na hindi ko inasahan. [One morning, during Nutrition Month at our school. There was an event I didn’t expect.]Sa gitna ng mga tao, may nakita akong isang babae. Simple lang ang suot niya, pero sobrang ganda. [In the middle of the crowd, I saw a girl. She was wearing something simple, but she was incredibly beautiful.]At sa sandaling iyon, hindi ko maiwasang mapabulong sa sarili ko: [And in that moment, I couldn’t help but whisper to myself:]"Ito na ba yong tinatawag na love at first sight?" ["Is this what they call love at first sight?"]Comment for part 2👇🏻

chap-preview
Free preview
Part1:The Greatest Crush
*Chapter 1: Ang Unang Pagkikita* Isang umaga, buwan ng Nutrition Month sa school namin. May event na hindi ko inasahan. Sa gitna ng mga tao, may nakita akong isang babae. Simple lang ang suot niya, pero sobrang ganda. At sa sandaling iyon, hindi ko maiwasang mapabulong sa sarili ko: "Ito na ba yong tinatawag na love at first sight?" --- *Chapter 2: Ang Katotohanan* Siya ay abala noon habang pinagmamasdan ko siya. May palaro kasi noon, at siya ay isang babae na matangkad at matalino. Habang tinititigan ko siya, bigla akong napaisip at sinubukang pigilan ang aking nararamdaman . Dahil... kami ay parehas babae. Pero wala akong nagawa. Ako’y na-love at first sight. Araw-araw, tuwing papasok ako, hinahanap ko siya at tinitingnan ng palihim. Hindi niya alam na gusto ko siya. Pangalan niya ay Yaz. Pero isang araw, may nalaman ako… mayroon na pala siyang minamahal. --- *Chapter 3: Ang Lihim* Ilang gabi akong hindi nakatulog dahil sa nalaman ko. Si Yaz… may minamahal na pala siyang iba. Pero isang hapon, habang naglalakad ako palabas ng gate, tinawag niya ang pangalan ko. Kasama niya ang kanyang kaibigan. Lumingon ako at nakita ko siya. Agad niyang sinabi na mayroong ipagtatapat ang kanyang kaibigan— “Ako’y kanyang gusto.” Bigla akong napalunok, kasi paano ko sasabihin na… Siya ang minamahal at gusto ko, hindi yung kaibigan niya. --- *Chapter 4: Ang Sagot* Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Parang tumigil ang oras nung sinabi ng kaibigan ni Yaz na gusto niya ako. “Uh… salamat,” yun lang ang nasabi ko. Mahina, nanginginig pa. Ngumiti si Yaz sa tabi niya. Pero iba yung ngiti niya. Parang may lungkot, pero pilit na masaya. “Okay ka lang?” tanong niya sa akin. Tumango ako kahit hindi naman talaga. Paano ako magiging okay kung yung taong gusto ko, nasa harap ko… pero hindi para sa akin? “Gusto mo ba siyang kausapin?” tanong ulit ni Yaz, tinuturo yung kaibigan niya. Napakagat ako sa labi ko. Dito na. Ito na yung pagkakataon na sabihin ko ang totoo. Pero paano kung masaktan ko siya? Paano kung layuan niya ako pagkatapos? “Hindi,” mahinang sagot ko. “Pasensya na. Hindi ko siya… gusto sa ganoong paraan.” Nakita ko kung paano nagbago ang mukha ng kaibigan ni Yaz. Nalungkot. Pero si Yaz, parang gumaan ang pakiramdam. Kahit saglit lang, nagtagpo ang mga mata namin. At sa sandaling yun, na-realize ko— kahit masakit, kahit imposible, hindi ko kayang magsinungaling sa sarili ko. Si Yaz lang. Siya lang palagi. --- *Chapter 5: Ang Pag-iwas* Pagkatapos ng pagtatapat ng kanyang kaibigan sa akin, hindi na ako pumupunta para sulyapan si Yaz. Baka mag-assume kasi yung kaibigan niya. Umiwas ako dahil alam kong hindi kami pwede. Masisira ang pagkakaibigan nila kung malalaman nila ang nararamdaman ko. Hanggang sa isang recess, nagbibili ako kasama ang ilan kong mga kaklase. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, nagkasabay kami ni Yaz sa pagbili. At grabe ang ship ng mga kaklase ko. “Uy Shai! Crush mo!” sigaw nila. Napalingon ako. At paglingon ko, nakita ko si Yaz. Tumalikod ako bigla. --- *Chapter 6: Ang Pag-alis* Mabilis akong tumalikod. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya. Ramdam ko pa rin ang sigawan ng mga kaklase ko kanina. _“Uy Shai! Crush mo!”_ Parang binuhos sa akin ang mainit na tubig. Lahat nakatingin. Lahat naghihintay. Pero ang kinakatakutan ko, si Yaz din nakatingin. Agad akong umalis. Hindi ko kinaya yung hiya. Baka kasi alam na niya. Baka nabasa na niya sa mukha ko na siya ang gusto ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kung magtatanong siya. Kaya umalis ako palabas ng canteen. Iniwan ko siyang nakatitig sa akin. At sa huling tingin ko, nakita ko yung gulat sa mukha niya. Gulat sa ship ng mga kaklase ko. Gulat na baka totoo nga. --- *Chapter 7: Ang Katahimikan* Iniwan ko siyang nakatitig sa akin. At buong hapon, hindi ko mapigil ang isip ko sa ekspresyon niya. Gulat. Pagkalito. Tapos… parang may lungkot. Nakita ko siya sa court. Pero agad din akong umiwas. Nasasaktan ako. Dahil ngayon, ako na mismo ang umiiwas sa taong gusto ko. Parang ang buong mundo biglang humina ang tunog nung wala siya. Dati, kahit hindi kami nag-uusap, sapat na nandiyan siya. Ngayon, kahit naririnig ko pangalan ko,pero ngayon hindi na siya ang tumatawag. “Okay ka lang?” tanong ng kaibigan ko. Tumango lang ako. Pero hindi naman totoo. Paano ako magiging okay kung yung taong gusto ko, iniiwasan ko na? Paano ako magiging okay kung baka nasaktan ko siya… o masakit, hindi niya ako gusto dahil gusto ako ng kaibigan niya? Halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Hanggang sa napagtanto ko— baka kailangan ko nang tanggapin na hindi talaga kami para sa isa’t isa. --- *Chapter 8: Ang Paglapit* Ilang araw akong umiiwas. Ilang araw din na hindi ko siya nakita. Akala ko okay na ako. Akala ko tanggap ko na. Pero nung huwebes, nakita ko siya sa quadrangle. Mag-isa siya. Nakaupo sa isang cuse, hawak ang bag niya. Parang naghihintay. Pabilis ang t***k ng puso ko. Gusto kong dumiretso lang sa room. Pero bago ako makalampas— “Shai.” Yung boses niya. Mahina, pero sapat para mapahinto ako. Dahan-dahan akong lumingon. Hindi siya ngumiti. Hindi rin siya seryoso. Basta nakatingin lang siya sa akin, parang nagtitimbang kung dideresto nalang ako o hihinto. “Bakit ka umiiwas?” tanong niya. Napalunok ako. Yung tanong na yun, matagal ko nang iniiwasan. Ngayon, nasa harap ko na siya. Wala nang takasan. “Wala,” sagot ko. Pilit na kalmado. “Busy lang.” Umiling siya. “Sinungaling.” Napataas ako ng tingin. Sa wakas, nakita ko na naman yung mata niya. Yung mata na ayaw kong kalimutan. “Shai, kung may nagawa ako… sabihin mo.” Humakbang siya palapit. “Kasi hindi ko kaya yung katahimikan natin.” At doon, parang bumigay yung pader na itinayo ko. Gusto kong sabihin lahat. Gusto kong sabihin na siya ang gusto ko. Pero natakot ako. Kasi paano kung tama ako? Paano kung hindi rin naman ako ang gusto niya? “Kailangan ko nang umalis,” bulong ko. At bago pa siya makasagot, tumalikod na ako ulit. Pero ngayon, hindi na ako sigurado kung ako ang tumatakas… o siya ang hinahabol ko. *--- _Chapter 9: Ang Habol_ ---* Hindi ako dumiretso sa room. Pagtalikod ko, ang utak ko parang binuhusan ng malamig na tubig. Takbo ako papuntang hallway, pero hindi ako nakapasok. Sa halip, tumigil ako sa may hagdanan. Nakahawak sa railings, humihinga nang malalim, parang sinusubukang pigilan ang sarili ko na bumalik. Bakit ba ako umalis? Bakit ba laging ako ang umiiwas? “Shai!” Muling tumunog ang boses niya. Mas malapit na ngayon. Hindi ko na kayang magkunwari na hindi ko narinig. Dahan-dahan akong lumingon. Nakita ko siyang nakasunod. Walang ngiti, walang biro. Seryoso lang, parang pag di ako sumagot ngayon, wala nang susunod pa. “Hindi ka pa rin ba magsasalita?” tanong niya. Tumigil siya dalawang hakbang sa harap ko. Napalunok ako. Yung lalamunan ko tuyong-tuyo. “Anong gusto mong sabihin ko?” mahina kong sagot. “Ang totoo.” Tahimik. Yung salita niya tumama sa dibdib ko nang mas malakas kaysa kahit anong sigaw. Ang totoo? Ang totoo gusto ko siya. Ang totoo natatakot ako na sabihin ko ‘yon, kasi baka isang salita lang, masira lahat. Baka sabihin niyang mali ako. Baka sabihin niyang… kaibigan lang ako. Pero kung hindi ko sasabihin ngayon, baka habang buhay ko nang pagsisihan. Tiningnan ko siya. Yung mata niya, hindi nagbago. Ganoon pa rin—parang naghihintay, pero handang tanggapin kahit ano. “Hindi ako umiiwas kasi galit ako,” sabi ko. Boses ko nanginginig, pero di ko na pinigil. “Umiwas ako kasi… natatakot ako.” Kumunot ang noo niya. “Saan?” “Sa’yo.” Huminga ako nang malalim. “Sa pakiramdam ko kapag nandito ka.” Tumahimik siya. Ilang segundo lang, pero parang ang tagal. Tapos, dahan-dahan siyang ngumiti. Hindi yung ngiting pang biro. Yung ngiting parang, _ah, kaya pala._ “Luh,” sabi niya, mahina. “Akala ko ako lang.” Tumaas ang kilay ko. “Ano?” “Wala,” sabi niya, napakamot sa batok. “Akala ko kasi ako lang yung tangang hindi makatulog kasi iniisip ka.” Parang biglang gumaan ang dibdib ko. Parang yung pader na itinayo ko, gumuho nang wala akong ginawa. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kaya tumango lang ako. Maliit. Mahina. “Eh ngayon?” tanong niya. “Tatakbo ka pa ba?” Tinitigan ko siya. Tapos tumawa ako nang konti, pilit pinipigil yung kaba. “Hindi na.” Hindi ko alam kung ano’ng kasunod nito. Kung magiging kami ba, o kung dito lang din matatapos. Pero sa unang pagkakataon, hindi ako takot malaman. Kasi ngayon, hindi na ako nag-iisa sa paghihintay. --- *--- _Chapter 10: Ang Piliin_ ---* Hindi naman nagbago ang lahat kinabukasan. Pareho pa rin ang daan papuntang quadrangle. Pareho pa rin ang ingay ng mga estudyante mula sa iba’t ibang building. Ang pinagkaiba lang, nung nagkasalubong kami malapit sa hagdan ng main building, hindi na ako yumuko. Tumingin ako. Ngumiti siya—maliit lang, pero sapat na para hindi na ako magmadaling lumiko palayo. “May klase ka pa?” tanong niya, nakasabay sa lakad ko. “Mamaya pa,” sagot ko. “Edi dito muna tayo.” Hindi kami magkaklase. Iba ang kurso ko, iba rin ang schedule niya. Pero sa iisang campus na ito, palaging may lugar kung saan nagtatagpo ang landas namin—sa ilalim ng puno sa quadrangle, sa hagdan, sa kanto bago maghiwalay ang daan namin. Tumigil kami sa usual spot namin. Walang malalalim na usapan agad. Kung hindi, “Tapos ka na ba sa exam?” “Ang init ngayon, ‘no?” Minsan, wala kaming sinasabi. Pero hindi na nakaka-sakal ang katahimikan. Ilang minuto lang, bigla niyang sinabi: “Shai, kung hindi kita pipiliin ngayon, baka wala nang bukas na pipiliin pa ako.” Hindi ako sumagot agad. Sa halip, tumabi ako nang kaunti, sapat para maramdaman niyang hindi na ako aalis. Para sa akin, iyon na ang sagot. Hindi ko kailangang sabihin nang malakas. Pinili ko siyang manatili. *--- _Chapter 11: Ang Tahimik_ ---* Simula nung araw na ‘yon, hindi na ako nagmamadaling umalis kapag nakikita ko siya. Hindi ibig sabihin nun na bigla kaming naging malakas mag-usap. Hindi kami yung tipong magkukwento ng buong buhay sa gitna ng quadrangle. Karamihan ng oras, tahimik lang kami. “Umuulan mamaya,” sabi niya isang hapon habang nakatingin sa langit. “Oo,” sagot ko. “Magdala ka ng payong.” “Magdadala ka rin ba?” “Hindi.” Tumawa siya nang mahina. “Edi sabay tayo nalang tayo.” Walang grand declaration. Walang label. Pero kapag sabay kaming naglalakad papuntang kanto kung saan naghihiwalay ang daan namin, parang sapat na ‘yon. May mga nagtinginan. May mga bumubulong. Pero hindi ko na hinayaan na marinig ko ‘yon. Kasi mas malakas yung tahimik namin kaysa sa ingay nila. Isang araw, habang hinihintay ko siyang lumabas ng building niya, tinanong ko siya: “Hindi ka ba napapagod?” “Sa ano?” “Sa paghihintay. Sa pag-aantay kung pipiliin mo ba ako ulit bukas.” Tiningnan niya ako. Walang biro sa mata. “Hindi,” sagot niya. “Kasi pinipili mo rin naman ako ngayon.” At tama siya. Hindi ko kailangang sumigaw para sabihin na nandito ako. Ang pagpili ko, nasa pagtambay ko dito. Sa hindi ko pag-alis. *--- _Chapter 12: Ang Manatili_ ---* Isang buwan ang lumipas. Wala pa rin kaming label. Wala pa ring post, walang announcement, walang kailangan patunayan sa kahit kanino. Pero araw-araw, sa iisang campus na ito, nagtatagpo pa rin ang daan namin. May mga araw na maaga siyang naghihintay sa may kanto. May mga araw na ako naman ang nauna. Hindi kami nag-uusap tungkol sa “tayo.” Hindi kailangan. Ang ginagawa namin araw-araw, ‘yon na ‘yon. Isang hapon, malakas ang ulan. Nasa ilalim kami ng bubong sa quadrangle, parehong basa ang sapatos kasi tumakbo ako papunta roon. “Worth it ba?” tanong niya bigla. “Ano?” “Lahat ng ‘to. Yung tahimik. Yung paghihintay. Yung hindi pag-alis.” Tiningnan ko siya. Basang-basa ang buhok niya, pero nakangiti pa rin. “Oo,” sagot ko. “Kasi ikaw ‘yon.” Hindi na siya nagtanong pa. Ako rin, hindi na nagtanong kung hanggang kailan. Kasi natutunan ko na hindi lahat ng bagay kailangan ng kasiguraduhan para panindigan. Minsan, sapat na pinipili mo pa rin siyang manatili, kahit hindi mo alam ang bukas. At ngayon, pinipili ko siya. Pinipili niya rin ako. Yon ang sapat *--- The End of Part 1 ---* [Abangan ang Part 2 Soon]

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.9M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
732.2K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.6M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
966.8K
bc

A Warrior's Second Chance

read
350.6K
bc

Not just, the Beta

read
344.9K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook