Naging maayos naman ang unang araw ko bilang sekretarya ni Ms. Amelia kahit na may pagka-strict ito at nakakatakot kung magalit. Alam ko naman ang ugali niyang iyon dahil naging kasambahay niya rin ako at naikuwento rin sa akin ng mga naging kasama ko sa bahay niya noon. Ang pinagkaiba nga lang, kung dati ay madalang kami kung magkita at magkasama pero ngayon halos araw-araw na. Masasanay rin ako dahil marami pa akong dapat na matutuhan sa kaniya. Nagtuloy-tuloy ang pagtatrabaho ko kay Ms. Amelia, hanggang sa hindi ko namalayan na mag-iisang taon na rin ako sa kaniya. Unti-unti ko na ring natutupad ang mga pangako ko sa aking mga kapatid. Hanggang sa ngayon ay wala pa rin akong balita kay Dexter. Madami na rin ang nagpapalipad hangin sa akin, kaya lang ay hindi ko sila pinapansin dahi

