Dinala ako nito sa condo unit niya upang doon magpalipas ng gabi. Hindi ko pa rin lubos maisip ang nangyari kanina sa bahay. Lalo akong nag-aalala kay Jenny. Panay ang dasal ko na sana mahuli na si Mang Aldo ng mga awtoridad ng sa ganoon ay muling matahimik ang aming lugar. "Babe, don't worry about it, ako na ang bahala. Ibabalik ko sa kulungan ang taong iyon," sabi nito sabay kuha ng aking kamay at marahang pinisil-pisil nito. Magkatabi kaming nakaupo sa sofa sa living room ng condo niya. "Nag-aalala lang kasi ako sa kapatid ko." Kinabig ako nito at inihilig niya ang ulo ko sa balikat niya. "As long as I'm with you, walang sino man ang makakapanakit sa inyo. I will protect you, sa abot ng aking makakaya." Hinalikan nito ang tuktok ng aking ulo. "It's getting late, matulog na tayo. Y

